Wednesday, September 27, 2006

MGA BALITAKTAKAN DITO, NASA LIWAYWAY NA




Lumabas na ang article ko sa Liwayway. Tungkol ito sa mga balitaktakan dito noong mga nakaraang linggo. Huwag kayong mag-alala, wala akong kinampihan sa article ko na ito. lahat kayo ay bida :D

Apology kay Gerry. May typo error akong nakita, hindi ko alam kung ako ang dahilan o ang editor o ang nag-type ng mga text. Yung sentence na dapat ay '...makikita sa ilang piling comicshops...' ay naging 'makikita sa isang piling comicshops...'. Well, plural naman 'yung word na comicshops.

May mga pagbabago na sa laman ng Liwayway kesa noong huling nakabili ako nito. Mabuti na lang at may story si Edgardo Reyes (my idol!). May mga komiks pa rin sa loob, kung nami-miss niyo ang mga drawings nina Louie Celerio, Jun Lofamia, Abe Ocampo, Alfred Manuel, Nar Cantillo at Rico Rival, bumili na kayo.

At hindi niyo ito dapat palampasin, dahil ang tindi ng binitiwang salita ni Ryza Cenon, "Hindi lahat ng tao sa showbiz ay mapagkakatiwalaan."

SHOWBIZ!!!

6 Comments:

At Monday, October 02, 2006 11:55:00 AM, Blogger derrick macutay said...

panalo..!!!!!!

 
At Tuesday, October 03, 2006 8:42:00 AM, Blogger Jon said...

Great article! I believe you were able to relate to the readers the state of the komiks industry today. I hope I can buy a copy.

 
At Tuesday, October 03, 2006 11:37:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

derrick-
win!

jon-
thanks.

 
At Wednesday, October 18, 2006 1:14:00 PM, Blogger Azrael Coladilla said...

uy ok ito ah
di ko lam yan

bibili na ko nyan mamaya

 
At Wednesday, May 05, 2010 9:33:00 AM, Anonymous Anonymous said...

sana matulungan nating ayusin natin itong liwayway. dito na lang may komiks ngayon! nung bata kami, lagi namin itong inaabangan dahil sa phantomanok at rabina(mula kay rodie marte metin), dumbo rambo (mars ravelo), el vibora, buhay pilipino, atbp. sana, makita ko uli drawings dito nina rudamin villanueva, hal santiago, steve gan, mar santana, al cabral, atbp.

 
At Saturday, November 13, 2010 11:52:00 PM, Anonymous Anonymous said...

@Anonymous: Si Rudamin 'Rudy' Villanueva makikita mo drawings nya sa dyaryo 'BALITA'.

 

Post a Comment

<< Home