PICTURES (iwan muna natin ang komiks kahit sandali)
Lumaki ako sa city pero pumapasok sa isip ko na pag tumanda ako, sa Romblon ako titira. Sa lugar namin simple ang buhay, sariwa ang hangit at pagkain. Tapat ang mga tao, karamihan sa napapansin ko, hindi rin matataas ang pangarap, pero matulungin sila sa kapwa kahit sila mismo ay nangangailangan din ng tulong.
Bihirang-bihira kong makita ang mga kamag-anak ko. Ang simpleng meryenda sa amin gaya ng puto, kutsinta at biko ay magandang bonding. Sila ang mga uncle at auntie ko, sa probinsya sila nakatira kaya pag may umuuwi galing Manila e talagang tuwang-tuwa sila. Para bang andu'n lagi ang pananabik kapag nagkikita.
Active sa church ang buong family namin. Baptist talaga kami mula pa nu'ng kanunu-nunuuan namin. Although agnostic talaga ako, pero hindi ko nakakalimutang pumunta sa simbahan tuwing linggo. Hindi ako pabor sa religiousity pero gustong-gusto ko ang spirituality.
Ito ang loob ng barko papunta sa Romblon (walang eroplano papunta sa amin). Para kaming nasa refugee center sa dami ng tao. Pero masaya, marami kang makikilala sa loob ng barko, marami ring mag-aalok sa 'yo ng pagkain. Hindi nakakainip ang byahe dahil para ka lang namamasyal.
Pag umuuwi ako sa amin, sa dagat agad ako unang pumupunta. Ewan ko ba, iba ang dating sa akin pag nakakakita ako ng dagat. Parang ang gaan-gaan ng feeling ko (parang naka-shampoo hehe). Siguro peaceful kapag tumitingin ka sa malayo tapos mararamdaman mo 'yung malamig na hangin. Tanggal lahat ng problema mo.
Natatandaan ko nu'ng bata pa ako, ang daming bangka sa tabindagat, pero ngayon kaunti na lang. Sabi sa 'kin nu'ng nakausap ko, bihira na kasi ang isda du'n sa amin.
Kaya karamihan ng mangingisda, nagpapagawa na ng malaking bangkang may motor para makarating sa malayo. Minsan umaabot pa daw sa Mindoro ang mga mangingisdang ito makakuha lang ng isda. Naalala ko, siguro naisip ko rin ito noon kaya may eksenang ganito sa 'Diosa Hubadera', kung saan unti-unti nang nauubos ang isda sa baryo ng karakter kong si Noynoy.
May tinatawag kami salugar namin na 'kagaykay'. Ito 'yung shell na makukuha sa tabindagat na puwede gawing ulam. Parang tahong, pero iba ang hitsura, kulay puti ito ay makinis ang shell. Ang tawag sa amin kapag nangunguha nito ay 'nangangagaykay'. Ang ginagamit dito ay paa lang. Para kang nag-cha-cha-cha sa buhangin, tapos bigla na lang lalabas 'yung kagaykay. Ang pinakamasarap dito ay para mo na ring minamasahe ang paa mo. Kaya pag pupunta ako sa tabindagat, iniiwan ko ang tsinelas.
Ito ang 'parola' (watch tower) sa tabindagat. Ginawa ito noong bago pa man mag-World War 1. Nakatayo pa rin ito hanggang ngayon, pero hindi na puwedeng akyatin. Delikado na kasi, marupok na.
Hindi masyadong dayuhin ang lugar namin (Odiongan, Romblon), malapit na kasi kami sa Boracay (30 minutes lang na byahe sa jeep at bangka) kaya du'n na tumutuloy ang mga bakasyunista. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta sa Boracay. Naisip ko kasi, napaka-commercialized na ng lugar na 'yun. Dito sa amin, kaunti ang tao sa tabindagat, magagawa mo ang gusto mo. Saka kung ano ang tubig sa Boracay, 'yun din naman ang tubig dito, baka nga mas malinaw pa itong sa amin.
4 Comments:
Napaka-suwerte mo. Hanggang nagyon ay close-knit ang family mo. Nakakainggit naman. Wala akong ganito sa aking buhay.
Oo nga, parang ito nga ang daigdig ni Noyn oy at ni Melba. Kaya lang, hindi mo pinakyat si Noynoy sa lumang parola. Sa mga larawang ito ay parang lalong nabuhay ang DIOSA HUBADERA. Dapat sigurong gawin mo itong digital film. Mag-build-up ka ng first BUMBERA sa Romblon na gaganap sa papel ni Melba :•D
Mukhang mas gusto ko si DIOSA HUBADERA kaysa doon sa ginawa ni Jun Lana - SA PUSOD NG DAGAT.
Oo nga pala, Marami kang babasahin dahil ang ibang books na binili ko ay makapal. DAVID B. EPILEPTIC, an award winning graphic novel published in Europe; 2 books by Marjane Satrapi - CHICKEN WITH PLUMS (hardbound) & PERSEPOLIS 2; and three more.
I will send them this weekend, and happy reading.
Wow! Thanks, Joem. Dami nyan a. Pero talagang nakuha mo ang mga komiks na gusto kong basahin, natumbok mo. Thanks ng marami.
Oo nga no, ngayon ko lang naalala yung Pusod ng Dagat, para ngang may kaparehong elements ng Diosa Hubadera. Mas sentimental lang siguro ang pelikulang yun, at mas bastos at blasphemous yung sa 'kin, hahahaha.
Randy saya naman ng bakasyon mo sa romblon kelan un? hehehe ok lang dito naman ako sa cebu marami ding dagat dito papasyalan ko nalang hehe
makakapunta din ako dyan heheheh
Post a Comment
<< Home