BALITANG KOMIKS
NEWSARAMA.COM
Naka-feature ang 120 Years ng Komiks sa Pilipinas sa isang article kung saan may interview sa ilang Filipino komiks personalities including Gerry Alanguilan, Leinil Yu, Carlo Pagulayan, Gilbert Monsanto, at ako.
Magandang pagbibigay ng informations para doon sa mga hindi masyadong aware sa Filipino komiks industry, lalo pa ang Newsarama.com ay kilalang website na nagbabalita tungkol sa world comics.
Pero alam niyo kung ano ang sad part sa article na ito para sa akin?
Karamihan talaga ng gumagawa ngayon sa komiks (hindi lang readers ha, creators mismo), e hindi lang basta inosente (o mas magandang tawaging ignorante) kung ano ang nakaraang komiks industry, hindi pa sila mismo nagbabasa ng komiks na pang-masa (old industry). Kung hindi dahil kay Gerry Alanguilan, ang daming inosente ngayon sa komiks ng Pilipino. Tsk. Tsk. Well...
Click here for the article.
REDONDO BY REDONDO
Nag-email sa akin kagabi si Stephen 'Dennis' Redondo at sinabi niya kung puwede kong ilagay itong isang article na nahukay niya sa lumang baul ng kanyang ama (Sisenando Redondo Jr.). Tungkol ito kay Nestor Redondo na isinulat mismo ng kanyang kapatid.
Brother Artist
by Sisenando P. Redondo Jr.
IT WAS WARTIME in the province of Albay and a 13-year old boy was curiously watching an artist soldier of the invading Japanese Imperial Army translating the majestic Mayon volcano into his sketchpad.
Without a word, the boy pulled out from his pant’s pocket a pencil and on a white paper also drew his own version of Bicolandia’s perfect cone and bragged it to the artist soldier.
A quick look was all the Japanese gave to what seemed to be a “work of art” and without a word too, he chuckled at the boy.
That boy, years after the invading forces were driven out of the country turned out to be one of the great comics artists the Philippines ever had. He is Nestor Redondo, my artist brother.
by Sisenando P. Redondo Jr.
IT WAS WARTIME in the province of Albay and a 13-year old boy was curiously watching an artist soldier of the invading Japanese Imperial Army translating the majestic Mayon volcano into his sketchpad.
Without a word, the boy pulled out from his pant’s pocket a pencil and on a white paper also drew his own version of Bicolandia’s perfect cone and bragged it to the artist soldier.
A quick look was all the Japanese gave to what seemed to be a “work of art” and without a word too, he chuckled at the boy.
That boy, years after the invading forces were driven out of the country turned out to be one of the great comics artists the Philippines ever had. He is Nestor Redondo, my artist brother.
6 Comments:
Thanks for visiting and the comment on my blog. Nakakatuwang makarinig galing sa isang kababayan tulad mo na mahilig din the komiks. I checked out your blog and I enjoy reading your articles. Do you know some of the more senior comic book artists there in Manila? I know a few of them like Steve Gan, Gerry Talaoc, Noly Zamora and Abe Ocampo. I worked with them before in animation in Manila. If you have a chance, it's well worth it to do an article about them or even show some of their artworks. Salamat.
Nice article on Nestor Redondo, especially the latter part when Tony Velasquez wanted to meet him.
Randy, Iilan na lang talaga tayong mga nakakaalala ng komiks noong araw. Sa kaso ko, sobrang maliit pa kasi ako hilig ko na ang komiks. Sa henerasyon yata natin, karamihan nagsimula sa Funny Komiks. Nauna akong namulat doon kesa sa mga superheroes.
Kadalasan kasi ng creators ngayon, mga bata pa. Pero meron ngang ilan na kasintanda natin na di rin alam ang komiks noon. Pero kasi mga middle to upper class sila (I hope I'm not opening a can of worms here again ny mentioning classes), kaya siguro mnamulat sa imoprted na komiks.
Malungkot man iyon, hindi pa rin naging huli ang lahat. Pasalamat tayo kay Gerry talaga, dahil kahit papaano naimulat niya ang mata ng mga creators na ito tungkol about the rich history fo Pinoy Komiks. May light naman at the end of the tunnel, di ba? :)
Hi Armand,
I saw your blog by chance at nakita ko gawang Pinoy ito. Ewan ko, malakas ang mata pagdating sa stye kung gawa ng Pinoy o hindi. Hindi nga ako nagkamali hahah. Bigla kang nagtagalog e hehehe. Thanks for the visit ha.
Paminsan-minsan ay nagkikita kami ni Steve Gan sa Megamall with some friends, animators and comics artists, kuwentuhan lang ng kung anu-ano.
Reno-
Ayoko lang kasi pumuna baka kasi may magalit na naman sa 'kin. Ewan ko, iba kasi ang orientation ko pagdating sa craft ko as a comics creator, na alam kong kokontrahin lang ng iba.
Sa France, kapag isa kang SERIOUS ILLUSTRATOR, hindi puwedeng hindi mo kilala si Gustave Dore or si Moebius. Pag sa Japan naman, imposibleng hindi mo kilala si Osamu Tezuka, or even Masamune Shirow na lang. Pero dito sa atin, marami akong nakikilalang comics creators na Pinoy (ngayon) na mas matanda pa sa kin (karamihan sa kanila at nagwu-work abroad), pero kahit man lang si Larry Alcala e hindi kilala. Natuwa ako kay Whilce du'n sa article, at least isa pala sa hinangaan niya si Hal Santiago.
Hindi natin kailangang magpakadalubhasa sa history or yung mga past creators, pero at least man lang, nakasilip or nakahipo man lang tayo ng sarili nating komiks. Ang problema kasi, bago pa gawin ni Gerry ang online informations about Filipino komiks, isinusuka ng karamihan ang old industry, including the writers and artists.
Para sa akin, dumating si Gery sa tamang panahon at pagkakataon. Dahil nakapag-work siya sa mga kilalang publishers sa US. So, maganda ang credentials niya. Pero kung si Gerry ay isang lang pipitsuging artist dito (gaya ko) na gumagawa lang, halimbawa sa Shocker Komiks, kahit magtatalak siya dito tungkol sa old industry ay walang papansin sa kanya. Siguro baon na sa limot sina Redondo at Coching ngayon.
Pero tanungin mo ang mga yan tungkol sa American comics, baka ultimo pangalan ng kabit ni Frank Miller ay alam heheheh.
Iba kasi ang WALANG ALAM sa AYAW ALAMIN.
tumingin-tingin ako sa mga big news stands days ago. wala na talaga akong makitang mga binebentang komiks. maski funny komiks wala na rin.buti na lang at may Liwayway pa at doon makakabasa ng komiks. mukhang henerasyon na lang natin ang nakabasa ng mga komiks noon. buti na lang may phil. komiks museum si gerry para pwede kang magbalik-tanaw.
wala na talagang nagsi-circulate ngayon na komiks sa bangketa. Ayaw kasing i-tap ng mga new komiks publishers ngayon ang bangketa market, na matagal ko nang sinasabi na may malaking market dito. Good research lang ang kailangan kung anong product para sa bangketa.
Post a Comment
<< Home