Friday, October 27, 2006

SILENCE MEANS YES

Isang magandang balita ang sumalubong sa akin kanina sa email.

I’m happy to announce na natanggapan ako ng first story and art sa foreign publication, short story lang naman. Hindi ko pa puwedeng sabihin kung anong company ito, pero siguradong isa itong small publisher. Ang kakaiba dito sa komiks na ginawa ko, nagpakabaliw talaga ako dito sa concept at sa visuals. Social realism meets surrealism ang banat ko dito. Kaya hindi ko ipinasa sa Marvel Comics, baka itapon lang sa basurahan. Ha ha!

Ang title nito ay ‘Silence Means Yes’, visual feast ito at walang captions or dialogues. Meron lang isang line na sasabihin ng isang sikat na American fiction writer sa pinakahuling page. Tuwang-tuwa dito ‘yung publisher:

“Really great work! You could have a real contender here for a Gene Day prize at SPACE CON in 2008. Have to submit the book in 2007, and wait a year to get the prize. Sorry for the delay there but fame takes time sometimes. If so you'll get a plaque at an award ceremony, handed to you by Dave Sim and his partner Gerhard at the SPACE CON in Columbus, OH. I know you're excited already.”

Sabi ko, ganyan ang mga komiks sa Pilipinas, puro kabaliwan! Hahaha! Joke.

Wala pang date kung kailan lalabas ang komiks na ito. At sana masundan pa ito.

Ito yung ilan sa mga pages:




















8 Comments:

At Sunday, October 29, 2006 8:38:00 AM, Blogger Gerry Alanguilan said...

Wow Randy... astig! Pero kulang sa dugo sa last page. Kung ganun kataas ang pinagbagsakan nya... sabog talaga dugo dyan. Pero hanep storytelling mo.... kuhang kuha ko nangyayari...

 
At Sunday, October 29, 2006 12:38:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

o nga no, kulang sa dugo hehehe. dapat pala medyo mas brutal pa.

 
At Sunday, October 29, 2006 11:35:00 PM, Blogger Bong Leal said...

congrats! yan ang tindi ng pinoy!
ah dugo ba yan?... kala ko ipot nung ibon yan. :)

 
At Monday, October 30, 2006 9:45:00 AM, Blogger Reno said...

Pag lumabas na ito, i-announce mo dito.

 
At Monday, October 30, 2006 12:37:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

mangguhit-
pwede rin siyang ipot ng ibon hehehe. actually kaya kakaiba ang komiks na ito, dahil open siya for interpretation. wala siyang definite na ending. kaya siguro natuwa yung publisher, malaki kasi ang papel ng reader dun sa itatakbo ng kwento. nakadepende ang conclusion ng ending dun sa reader na nagbasa. lalim no? hahaha. kabaliw nga to.

reno-
sure. baka next year pa 'to.

 
At Tuesday, October 31, 2006 9:25:00 AM, Blogger derrick macutay said...

PAnalo tol! astig...less is more

 
At Thursday, November 02, 2006 12:33:00 PM, Blogger INGGO! said...

That's great! No dialouge but still, the message got through. Awesome.

And I can't help but notice the similarity of your art to John Buscema. ^_^

 
At Thursday, November 02, 2006 12:48:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

derrick-
more or less...hehehe

inggo-
john buscema? hmmm, ngayon lang may nagsabi sa akin nyan a. tnx

 

Post a Comment

<< Home