GAANO KAHALAGA ANG EMAIL ADDRESS SA BUHAY MO?
Naintindihan ko ang sagot sa tanong na ‘yan nang maging biktima ako ng internet phishing. Sa lahat ng email account na ginagamit ko, ‘yun pa ang minalas na matiyempuhan ng kung sinumang luko-lukong hacker sa internet.
Offguard ako nang mangyari ‘yun. Ang natatandaan ko lang, nagpunta ako sa website ng isang artist, na hindi ko na rin matandaan dahil click lang ako ng click ng mga links, tapos bigla na lang may nag-appear na alert message sa anti-virus program ko. Nag-scan ako ng buong files, may na-detect na isa, hindi siya ma-delete. Pero ang nakalagay naman e harmless. So pinabayaan ko na lang. Hindi ko alam kung ‘yun nga ‘yun.
Then ‘yung gabi nga ng November 4, bigla na lang hindi ko mabuksan ang email ko. Nag-rent na ako ng ibang computer pero ganu’n pa rin. Hanggang sa mag-decide na nga ako na talagang nabiktima ako.
Hindi na bago sa akin ang freelancing. Halos kalahati ng buhay ko ay ito na ang ginagawa ko. Mula sa local publications, pati movie producers, radyo, at kung saan-saan pa na puwede akong kumita.
Bago pa matapos ang kontrata ko as game developer sa Makati, nakapag-decide na ako na magbalik ulit sa freelancing. Kung hindi man sa komiks, basta art-related at kung saan magpi-fit ang talent ko.
Internet ang puntirya ng freelancing na naisip ko. Sabi ko nga noon sa sarili, hindi na ako gagawa ulit dito sa local publication dahil inabot na ako ng kung anu-anong kamalasan dito, mula sa rejections hanggang sa singilan hanggang sa pangako na hindi naman natutupad. Kaya pinag-aralan ko ang freelancing sa web, nagbasa ako ng kung anu-anong testimonials ng iba’t ibang tao tungkol dito. Sumali ako sa kung anu-anong forums at groups. Pinag-aralan ko ang pasikut-sikot. Hindi naman ako naging bihasa, pero nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili ko na kaya ko na. Hanggang sa nagkabunga naman.
Nang mai-feature ako sa Readers Digest last year, inasahan ko nang maraming kokontak sa akin. Totoo nga. Araw-araw ay may kung anu-anong dumarating na email sa akin mula sa pagbati, paghingi ng tips, at pag-inquire ng mga possible clients. Ibang klaseng exposure ang ginawa ng RD sa buhay ko. Nag-ani ako ng kredibilidad sa mga taong hindi naman ako kilala. At dahil doon lumakas pa ang loob kong makipag-deal sa kung kani-kanino sa internet. Ang suwerte ko lang siguro, malakas ang kutob ko, o kung may pagka-psychic ako o kung anuman ‘to, sa mga kausap at kapalitan ng emails, alam ko kung sino ang seryoso at kung sino ang hindi. Marami rin kasi akong nababalitaan na may mga nagbibigay ng trabaho na hindi naman nagbabayad. Well, mautak ako pagdating sa ganyan. Ang akala ng client ay nag-uusap lang kami ng normal pero ang totoo ay ginagamitan ko na siya ng ‘psychology’ o kung anuman ang tawag du’n para malaman ko kung propesyunal nga itong ka-deal ko.
Pero maliit na parte lang ‘yun ng pagiging freelancer ko sa webworld. Ang maipagmamalaki ko ay naging maayos at propesyunal ang transactions ko sa mga nakaraang projects kaya nagkaroon ako ng maraming kakilala at kaibigan. Kaya ‘yung mga projects ngayon na dumarating sa akin ay mostly referrals at galing sa mga mapagkakatiwalaang mga clients. Mayroon din akong agent sa US na nagbibigay sa akin ng trabaho kapag kailangan ang serbisyo ko, hindi ako nagpa-exclusive sa kumpanya dahil kabisado ko na ang sarili ko, gusto kong gumawa sa kung saan-saan kaya ayokong patali sa isang kontrata.
Dahil nga sa dami ng kausap ko, wala na sa isip kong ilista sa papel kahit man lang mga email address ng mga taong ito. Lahat ng contacts at informations sa kanila ay naka-save lang doon sa email ko, at sa mga folders at briefcase under din ng account na ‘yun.
Kaya siguro para sa iba, ang OA ko dahil kung saan-saan ako nag-post ng ‘announcement’ na na-hack ang email ko. Pero sa totoo lang ay kailangan kong gawin iyon dahil sa maraming bagay. Doon nakasalalay ang reputasyon ko as a freelancer sa web.
Kaya nang mangyari ‘yun, ang laki lalo ng natutunan ko. Pinagpapalitan ko lahat ng passwords ng iba’t ibang accounts ko, ikinalat ko rin ang lahat ng mahahalagang informations sa iba’t ibang emails ko. And siyempre, nagtiyaga na akong gumawa ng hard copies ng mga ito.
Kaya ngayon medyo okey na ako, hindi gaya nu’ng mga nakaraang araw na para akong ninakawan ng TV at ref sa loob ng bahay. Pero meron pa ring dalawang tao na hindi ko makontak, at hindi ko alam kung saan hahagilapin ang mga ito, wala kasi silang website o blog man lang. Ang masakit pa, may pinirmahan na akong kontrata sa kanila. Ang saklap nito. Baka isipin nila ay tinakbuhan ko na sila. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang akong pagmumurahin ng mga ito sa kung saan-saang website dahil inakala nilang inonse ko sila.
Maraming lessons akong natutunan nang mangyari ito. Una, parang feeling ko ay naging alipin na ako ng email address na kapag nawala ito, wala na rin akong buhay. So dapat, hindi ganito. Dapat ako ang kumukontrol sa ganitong sitwasyon at hindi email ang kumukontrol sa akin.
Ikalawa, at ito ang pinaka-importante sa lahat….kailangang matindi ang anti-virus niyo. Huwag na kayong gagamit ng pirated!
6 Comments:
Randy:
Maganda itong aral na nai-share mo sa aming lahat. Palagay ko'y hindi lang iakw ang nagkaroon ng ganitong complacent outlook dahil sa pag-rely sa technology.
Sana man lang ay may libro kang maliit na puwede mong sulatan ng mga emails. Magunaw man ang internet, naro'n pa rin ang libro mo.
Sino ang may sabing hindi na uso ang papel? Na dahil sa internet at computer ay magiging paperless na itong ating society?
Turan ninyo ngayon, mga proponents nitong paperless society kuno :•D
Aber nga?
Hi Randy,
Talagang ganyan sa Digital World kelangan me back-up ka palagi dahil ang hirap mag-recover specially dun sa mga free sites. Even yung mga tinatawag na stable eh sometimes naha-hack pa rin. To prevent this eh marami pang dapat pag-aralan dahil yung mga hackers na yan eh nag-aaral din ng husto para malusutan ang mga securities ng mga sistema.
Hi Joemari,
Di ako proponent ng paperless society pero nasa industriya ako ng IT. Tulad ng nasabi mo sang-ayon ako na mag-back up ka sa papel pero pede din namang mag-backup ng digital info sa ibang paraan tulad ng ibang free web sites, hard disk, thumbdrives, iPod, MP3 players, Game consoles, CDs, DVDs, o kaya i-print mo na lang sa papel kung talagang gusto mong hardcopy. Pero pede pa ring mangyari ang aksidente or sabotahe sa kahit anong form of storage mapa-digital man or hardcopy. So ano ang pipiliin? Kahit ano basta ang importante eh me back-up ka. Mas nakakainis pag nawala ang hardcopy kaysa sa digital copy. Mahirap gawin ulit ito samantalang ang digital copy eh pwede pang ma-irecover (with extra effort or cost). Halimbawa: Nasunog, nawala, naitapon, nabasa, napunit ang papel mahirap na tong ibalik sa orihinal. Samantala kung ang hard disk mo eh pag nag-crash pwede mong i-recover yung laman nya kaya lang babayaran mo sa service center. Pag me na-delete kang file sa computer mo pwede mo itong irecover using sorfware recovery tools. Sa case ni Randy pwede syang mag-request sa yahoo.com na i-recover kaya lang me hassle and since business entity yung yahoo eh baka singilin pa sya. So depende yan sa importance ng information na nawala. Pero as an art collector mas gusto ko yung hardcopy na original na d pwedeng i-backup sa papel man o digital info. I-scan ko syempre o kaya kunan ko ng picture para kung mawala man eh me remembrance ako.
Salamat sa inyo, mga friends. Ilang beses ko na ring konontak ang Yahoo, nakukulitan na yata sa akin hehehe. Ang dami ko na kasing tinatanong.
Pero natuto na ako ngayon, nililista ko na lahat ng important contacts. Ang problem ko na lang ay yung mga important documents na nasa email na yun.
Lam mo sa tingin ko nag login ka sa fake na yahoo website. Muntik narin kc ako madali nyan, buti nalang nagbabasa muna ako ng address bago ako mag enter ng userID at password ko. Last 2 months ako ng mag login ako sa yahoo. May lumabas na katulad na katulad ng Yahoo.com as in kopya ang interface ng email.yahoo.com. Ang napansin ko agad bakit ata parang lumang version ang interface nito, at dahil dun tumingin agad ako sa URL nito. Iba ang nakalagay, though may email.yahoo.com kaso may tripod. Kaya nag hinala na ako, ni close ko ang window at nag bukas ako ng bago. Buti nalang nag update ang yahoo na may sign-in SEAL kung saan mag lalagay kang PIC mo as a SEAL. pag na set mo na ang SEAL mo, secured ka na. Pag next time na pag log in mo wala ang SEAL mo. MAghinala kana fake yung site na napuntahan mo. DApat makikita mo ang SEAL na ginawa mo pag mag log in ka sa yahoo mail, pag wala yun may gustong mag hack ng email mo.
Kaya next time bago ka mag sign in sa yahoo mail. cguraduhin mong makikita mo ang sign-in SEAL na ginawa mo sa pc mo.
Yeah, nagsign up na ko dun sa may seal ng Yahoo. Mas maganda yun, may protection na tayo.Pero i'm sure, dadating na naman ang time, pati itong seal na ito ay makokontra na rin ng mga luko-lukong hackers.
para yang cellphone... pag nawala mo, kasama dun yung mga phone numbers ng mga contacts mo.
Post a Comment
<< Home