Saturday, November 18, 2006

MGA PALAISIPAN SA KASAYSAYAN

Ilan ito sa gusto kong mapag-isipan nating lahat lalo na sa mga gumagawa ng komiks ngayon at nag-aaral ng history nito.

1.
Inakala ng marami na humina ang komiks nang magtrabaho na sa Amerika sina Nestor Redondo, Alfredo Alcala at Alex Niño, at marami pang mahuhusay na dibuhista noong early 70s. Ngunit sa katunayan, ito ang panahon na lalo pang lumalakas ang komiks sa Pilipinas.

Ayon sa article na isinulat ni E.P. Patane na lumabas sa Asia Magazine noong October 1963: “Some of the top five publishing houses (Liwayway Publ., Bulaklak Publ., Benipayo Press, G. Miranda & Sons, Bookman) average 300,000 copies a month).”

Samantalang isinulat ni Danny Mariano ang report na ito sa magasing TV Times noong September 1978, “Every week, about two million komiks-magasins, bearing 44 different titles, are sold. If we assume that six people eventually get to read each copy (which some claim is still a conservative estimate), then komiks-magasins should easily have a readership of no less that 12 million.”

“For the 12 komiks-magasin publishing houses this means weekly sales of about P1.7 million, or P88.4 million annually.”

“Among the leading komiks-magasins is Pilipino Komiks, published by Atlas publications. In 1976, Pilipino Komiks reported an average weekly circulation of 151, 481; a figure that so-called legitimate, English language can only drool over. Current circulation (as of 1978) estimates surpass the 175,000 mark, it is claimed.”


2.
Hindi rin nakahadlang ang Martial Law para mawala ang readership ng komiks. Hindi naman subersibo ang laman ng komiks kaya lalo pa itong lumakas.

At sa katunayan, sa era na ito, na-explore pang lalo ang ibang area ng paggawa ng komiks dahil sa mga programa ng gobyerno.

Mababasa sa aklat na Philippine Mass Media noong 1986 ang artikulo ni Soledad Reyes: ‘Ever since the declaration of Martial Law in 1972, the government—through its press council—has stepped in to make sure that komiks editors publish stories with a developmental thrust. Political leaders have recognized the tremendous power of the komiks to create or reinforce needs and to introduce new projects and programs.”


Dagdag pa ni Mariano, “Komiks magasins have come a long way from 1974…”

Ito na ‘yung panahon na kalat na sa halos kanto at iskinita ang distribution ng komiks. Kaya nga sa isang martial law baby na tulad ko, imposibleng hindi ko alam ang komiks dahil ito ang ‘hari ng print media’ ng panahong iyon.

Walang nakaawat at nakahadlang sa tagumpay na tinamo ng komiks noong 70s hanggang 80s. ayon pa sa artikulong ‘Komiks’ ni E.P. Patane, “The Illustrated Press, the trade paper of the Kapisanan ng mga Publisista at mga Patnugot ng Komiks-magasin sa Pilipino, cited a readership survey which found that the great bulk of komiks-magasin readers belong to C and D households, 38 percent and 41 percent respectively. Only four percent of komiks-magasin readers belong to A and B households, while 17 percent are in E homes.”


3.
Walang sinumang tao o grupo o independent publishers ang nagpaangat ng komiks sa Pilipinas noong early 90s.

Ang welga noon ng mga mangagawa ng komiks sa publications ay hindi nakaapekto ng malaki para tuluyang mawala ang komiks noong early 90s. Sa katunayan, nang humupa na ang mainit na sitwasyong ito sa pagitan ng mga contributors at publisher, nagkaroon pa ng maraming titles ng komiks tulad ng Seksi, Engkantasya, Dugo, Salamin ng Lagim, Kuwento ni Lola, Kickfighter, at marami pang iba. Dito rin nagsulputan ang maraming baguhan at batang talents sa komiks.

Ayon sa panayam ko sa Atlas editor na si KC Cordero (nagsimula siya noong 1989 sa pamumuno ni Mr. Tenorio), “Ang pinakamalakas na benta sa kasaysayan ng komiks ay ang Horoscope Komiks na pinangasiwaan ni June Clemente. 1994 ito. Nagpi-print kami ng 1.5 million copies bawat linggo. Wala ni isa mang tumalo sa komiks na iyan sa larangan ng sales at distribution sa alinmang kasaysayan ng komiks sa Pilipinas.”

Hindi ko pa gaanong kumpirmado, pero tinitingnan ko ang anggulong ‘union-busting’ ang dahilan kung bakit naipagbili sa National bookstore ang Atlas at hindi dahil sa paghina ng mga titles ng komiks.

Nagsimula na ang mabilis na pagbulusok ng komiks noong mid-90s.

Ngunit bago pa ito, nagkahati-hati na ang GASI kaya ipinanganak ang mga publications tulad ng Sonic Triangle, Infinity at West. Pero family’s decision ito ng mga Roces dahil sa usapin ng distribution ng mana sa mga anak, at hindi dahil nagkawindang-windang na ang kanilang kabuhayan dahil sa komiks.


Nandito tayo ngayon sa ‘struggling stage’ ng komiks. Ito ang malinaw na katotohanan. At hindi pa tapos ang kasaysayan ng paghihirap ng industriyang ito. Ayokong bulagin ang sarili ko sa paniniwalang malakas na ang komiks ngayon. Kapag may nakita akong kahit isang title ng komiks na lumalabas ngayon ng monthly (walang patid na monthly, buti nga hindi weekly), doon ko masasabing…malapit-lapit na tayo.

3 Comments:

At Sunday, November 19, 2006 12:12:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Nag-umpisa ako sa komiks in 1974. At palagay ko'y tama ang sinabi mong conservative estimate ang 12 million readers ng komiks noong mga kapanahunang iyon. Maliban kasi sa malaganap sa buong Pilipinas ang komiks at nakakarating ito sa pinakasuluk-sulukang bahagi ng ating bansa hanggang doon sa pinakamaliit na isla, ay may mga populasyon pang UMUUPA regularly ng komiks sa mga sari-sari store. Ang nakatatawa pa, diyan noon sa may FEATI university, may malaking tindahan diyan na ang ginagawa lang ay magpa-upa ng komiks, at ewan kung paano NAKATAPOS ang mga mga FEATI kung puro komiks lamang ang binabasa nila sa araw-araw.

Totoong napaka-init ng komiks noong 1970s hanggang 1980s. Napakaraming mga malalaki at mga independent publishers at lahat ay kumikita talaga dahil nabibili lahat ang mga ginagawa nila. Kaya nga walang KATAGA na maaaring sabihin kung gaano ang SHOCK na nadama ko sa situation ng Philippine Komiks industry ngayong mga panahong ito.

 
At Monday, November 20, 2006 1:38:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

That's true.

 
At Thursday, May 01, 2008 6:20:00 PM, Anonymous Anonymous said...

jerome lee,paano mo nalaman ang tungkol sa paupahang komiks malapits feati?madalas ka ba duon?

 

Post a Comment

<< Home