Tuesday, November 21, 2006

THEORIES, ANALYSIS, MC CLOUD AT ANG ACADEME




Gumagawa na naman ng kontroberysal si Scott McCloud sa bago niyang aklat na pinamagatang ‘Making Comics’.

Para sa isang Pilipinong komiks creator na tulad ko na minsan ay attached-detached sa American comics (kumporme sa sitwasyon), marami rin akong hindi sinasang-ayunan kay McCloud. Pero isa siya sa hinahangaan kong personality sa comics world. Hindi lang sa sinusulat niya, kundi sa attitude niya mismo.

Kung sa religion ay mayroong ‘monkhood’ o ‘priesthood’, sa komiks ay hindi ko alam kung ano ang itatawag dito. Pero ganito si McCloud. Ang devotion niya ay para pag-aralan at halukayin ang dapat halukayin tungkol sa komiks. Totoong gumagawa siya ng kontrobersyal, pero walang sinumang comics creators/analysts sa buong mundo na nagsasalita tulad ng sinasabi niya.

Naparatangan na rin siya na ‘Joseph Campbell’ ng komiks dahil puro myth lang daw ang pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung sinasagot ni McCloud ang mga tumitira sa kanya, pero kung ako iyon, ito ang sasabihin ko: “E di gumawa rin kayo ng libro niyo. Mag-analyze din kayo tungkol sa komiks. Mas maraming analysis at theories, mas makulay ang mundo ng komiks. Mas mahuhukay natin ito ng husto. Mas kapani-paniwala na ang komiks nga ay isang mahalagang medium ng self-expression ng 20th century culture.”

Isang publisher ang nakausap ko. Nabasa niya ang foreword ng aking librong ‘Malikhaing Komiks’. Ito ang sabi niya sa akin, “Seryoso itong libro mo, Randy. Isa siyang reference book. Dapat ipabasa mo ito sa mga propesor. May mga propesor na ba na tumingin dito? Dapat lumapit ka sa mga universities at schools at hingian mo sila ng foreword o kahit na approval na ang librong ito ay katanggap-tanggap ng academe.”

Napailing ako. “Wala pa. Ang problema ko nga diyan ay kung paano hahanapan ng publisher. Commercially speaking, baka nga naman hindi bumenta. Sa usapin naman ng content, may mga debatable issues akong binitiwan, at maganda iyon dahil alam ko na magiging trigger iyon para mapag-aralan pang lalo ang mga isyung ito. At least mapag-iisip ko ang readers ko, hindi man kami magkasundo, nagtagumpay naman ako na pag-isipin sila.”

Malay natin, baka kapag lumabas ang librong ito ay maging simula para lumutang na ang ibang may ideas tungkol sa komiks. Baka maglabasan na ang mga historians, critics, analysts at iba pa, na alam kong mas maraming alam kesa sa akin.

Sabi pa ng publisher, “Mas magiging credible kasi ang librong ito kapag na-endorse ng propesor ng art and humanities or mga academicians.”

Naisip ko, may malalapitan nga ako. Nandiyan sina Patrick Flores, Soledad Reyes, NCCA, ilang mga sikat at kilalang personalities ng komiks. Ang mga taong ito ay talagang credible para lait-laitin ang librong ginawa ko. At isang malaking karangalan iyon sa akin.

Nang matapos ang usapan namin nu’ng publisher, napaisip-isip ako ng malalim. Handa ba talaga ako para I-presenta sa academe ang mga ideas ko tungkol sa komiks? Handa na ba ako sa isang malaking puna: “Sino ba itong Randy Valiente na ito na bigla na lang susulpot at magsusulat ng libro tungkol sa komiks? Ano na bang mga komiks ang ginawa nito? Kilala ba ito?”

Nang mabasa ko ang aklat na ‘Understanding Comics’ at ‘Reinventing Comics’ ni McCloud, pumasok agad sa isip ko: “Ang taong ito, maraming magagandang ideas at analysis tungkol sa komiks. Magkaroon kaya ang Pilipinas ng ganitong uri ng tao na hindi lang passionate tungkol sa komiks kundi isang ‘deep’ thinker sa medium at trabaho na kanyang isinasabuhay.”

Nag-abang ako ng ilang taon. Walang sumusulpot. May lumabas na libro ni Coching, may mga articles tungkol sa mga personalities ng komiks, merong mga how-to-draw, merong mga workshops tungkol sa comics illustrations and scriptwriting. Pero wala akong nakikitang sumusulpot na kasing-baliw ng ideas ni McCloud dito sa atin.

Kaya kinapalan ko ang mukha ko. Walang sumusulpot? Susubukan ko!

Alam kong maraming debatable issues akong binitiwan sa blog na ito. In fact, dito ako nakapag-ipon ng kakampi, kaibigan at kaaway. E ano ngayon? Ang mahalaga, natupad ang pangarap ko na may susulpot na baliw na McCloud ng Pilipinas. Malayo man ang agwat ng level ko sa kanya (dahil wala pa naman akong napapatunayan), pero at least alam ko na pareho kaming baliw sa komiks.

E kung hindi ba naman ako baliw, pati ba naman libro nina McCloud at Eisner ay kinokontra ko. Mga ‘banal na aklat’ ito ng comics community sa America.

Dapat ko pa bang isangguni ito sa academe? Dapat ko pa bang kunin ang approval ng mga propesor, dean at kung sinu-sinong may PhD sa arts and humanities? Maiintindihan kaya nila kapag sinabi kong: Iba ang pagkakasa ng komiks ng mga Amerkano kesa sa mga Pilipino!

What?! Anong ‘pagkakasa’? O kitam? Kapag hindi ka taga-komiks, hindi mo maiintindihan ‘yan. Kahit may masteral degree ka sa Fine arts, kapag sinabi kong: “Noong early 80s ay nauso dito ang ‘ulo-ulo, at nagpatuloy ito hanggang late 90s.”

What?! Anong ‘ulo-ulo’? O kitam? Kami lang ang nakakaintindi nu’n.

Maiintindihan kaya nila kung sabihin kong ‘word-oriented’ ang komiks natin, at kung bakit mahina sa storytelling ang mga dibuhsitang Pilipino ay dahil hindi doon ang focus ng mga ito kundi sa craftsmanship ng mismong pagdu-drawing sa pen & ink?

Maiintindihan kaya nila kapag sinabi kong maraming komiks artists ngayon na akala nila ay storytelling ang ginagawa nila pero designing at layouting pala, kung technical issues ang pag-uusapan?

Kaya nga ginagamit ko ang mga ‘terms’ at ‘katawagan’ na masasakyan ng pangkaraniwang mambabasa. Ayokong dalhin ang readers sa kung anu-anong technicalities na ginagamit ng eskuwelahan. Wala akong balak gumawa ng textbook na idadaan mo pa sa Commission on Higher Education (CHED) o isasalang mo pa sa sangkatutak na dean at principal.

Ang target market ko ay isang pangkaraniwang Pilipino, basta marunong magbasa at umintindi. Elementary (kung puwede nga lang), high school, college, o dropped-out.

Ang gusto ko lang ay mag-share ng mga lessons, ideas at experiences ko sa industriyang ito. Dahil ito ang dahilan kung bakit natuto akong magbasa, dito ako unang nagkainteres sa art (drawing), dito lumikot ang imagination ko, ito ang una kong trabaho, ito ang bumuhay sa akin financially (noong bago ako mag-fulltime sa writing sa pocketbooks, at ngayon, dahil fulltime na ulit ako sa paggawa ng komiks), ito rin ang naging training ground ko kung bakit kahit paano ay nanalo ako sa ilang literary contests, at dito rin ako na-develop kung bakit ako ganito ngayon at tingin ko ay dito na rin ako tatanda at magri-retire.

Makukuwestyon mo ako sa educational background ko (dahil repeater ako ng 2nd year high school dahil sa pagbabasa ng komiks, undergraduate din ako sa college dahil na-realize ko na mas gusto kong gumawa ng komiks kesa maging arkitekto), pero hindi mo ako makukuwesyon kung gaano ko minahal ang komiks at gaano kalaki ang ibinuhos kong oras, panahon at pag-aaral para matawag na isang ‘manlilikha ng komiks’.

Matatanong mo ang isang kalabaw kung ano ang lasa ng tubig. Pero hindi mo ito maitatanong sa isda. Dahil ito na mismo ang mundo niya, at ito ang buhay niya.

Mabigat ang papel kung ang tutumbukin ko ay maging isang lecturer na pang-academe. At hindi iyon ang purpose ko kung bakit ako nagku-komiks. Puwede akong magturo ng drawing at scriptwriting, puwede akong mag-criticize o maging analyst, pero hanggang doon lang ako. Hindi ko binalak na maging authority sa industriyang ito.

Dito sa blogworld, at sa mga forums tungkol sa komiks ng Pilipino, mas gusto kong matawag na: “Isa sa mga boses ng industriya.”

Speaking of McCloud, na hindi rin naman product ng academe kundi isang dating cartoonist at creator ng walang kakuwenta-kuwentang manga-inspired superhero character na si ‘Zot’, hehehe, isa ito sa ikinaangat na naman ng kilay ng comics community sa America:


THE FOUR CAMPS OF COMICS CREATORS

FORMALISTS

PHILOSOPHIES
The devotion to comics itself, to figuring out what the form of comics is capable of.
The eagerness to turn comics inside-out and upside-down in an effort to understand the form’s potential more fully.
The willingness to let craft and story take a back seat if necessary, in pursuit of new ideas that could change comics for the better.

WHAT ITS ABOUT
Understanding of, experimentation with, and loyalty to the comics form.
Revolution (over tradition)
Life (over art)

DOWNSIDE
May produce dry, academic or even unreadable comics by obsessing over form to the detriment of content.

WHY THEY KEEP COMICS GOING
Keep moving comics forward, staying on the forefront of each generation of new ideas.

ANIMISTS

PHILOSOPHIES
A devotion to the content of a work, putting craft entirely in the service of its subject.
The belief that if the power of the stories and characters come through, then nothing else matters.
The willingness to tell stories to seamlessly that the teller of the story all but vanishes in the telling.

WHAT ITS ABOUT
Putting content first, creating life throuogh art, trusting one’s intuition.
Tradition (over revolution)
Life (over art)

DOWNSIDE
Can produce powerful work for a time, but doesn’t always age well without a broader perspective.WHY THEY KEEP COMICS GOING: Created more readers then the other three tribes put together, and are our most valuable assets.

CLASSICISTS

PHILOSOPHIES
A devotion to beauty, craftsmanship and a tradition of excellence and mastery.
The desire to create great art that our descendants could dig up in a thousand years and say, “hey, this is good stuff.”
The understanding that perfection may not be attainable in this life – but that that’s no reason not to strive for it.

WHAT ITS ABOUT
Excellence, hard work, mastery of craft, the quest for enduring beauty.
Tradition (over revolution)
Art (over life)

DOWNSIDE
Love of harmony and balance can lead to an unintentionally static universe without real drama.
WHY THEY KEEP COMICS GOING: The backbone of comics, developing and refining a century of technique.

ICONOCLASTS

PHILOSOPHIES
The desire for honesty, authenticity, and a connection to real life.
The determination to hold up a mirror to life’s face – warts and all – and to resist pandering or selling out.
The conviction of artists to remain true to themselves while never taking themselves too serious. To fly no one’s flag -- -- not even their own.

WHAT ITS ABOUT
Honesty, vitality, authenticity and unpretentiousness, putting life first.
Revolution (over tradition)
Art (over life)

DOWNSIDE
Determination to never “sell out” can lead to some knee jerk reactions against anything even remotely popular or slick.

WHY THEY KEEP COMICS GOING
Comics’ conscience and the source of many of its most profound works.

10 Comments:

At Tuesday, November 21, 2006 8:50:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Sounds good to me.

Kaya lang, kung babanggitin mo ang ULO-ULO, huwag na huwag mo ring hindi isama ang KINAHIG NG MANOK :•D

I don't think you need any approval from the academe. this book you're planning has its own merit and does not need anybody's approval.

Kaya lang, dapat distributed worldwide para malawak ang marating na readers.

 
At Wednesday, November 22, 2006 9:18:00 AM, Blogger Reno said...

Naku, distributed worldwide? Baka magsi-alsa na naman ang iba, sasabihing inggles na naman ang gagamitin at hindi tagalog. :)

Randy, ok lang na repeater. Tandaan mo, si Einstein bagsak sa math, at hindi siya nagsimulang magsalita until he was 4 years old.

 
At Wednesday, November 22, 2006 10:51:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

joe-
nang una ko ngang ilabas dito ang tawag na 'jolibee editors', may mga sumulat sa akin at nagalit. anong magagawa ko e yun naman talaga ang tawag ng ilang mga contributors sa mid 90s editors noon.

reno-
o nga. kung si erap nga naging presidente e hahaha. joke.

re: english or filipino. ang hirap talaga nitong language ng iba't ibang tao. ang universal lang yata na language ay 'sign language'. kung makakagawa siguro ako ng libro na hindi gagamit ng words at puro images lang, pero madaling intindihin, siguro naman e kahit saan puwede kong ibenta.

 
At Wednesday, November 22, 2006 1:23:00 PM, Blogger GT4 said...

Brad, Ilabas mo na yang libro mo at ng masimulan ng himulmulin at halukayin. Kaming mga mambabasa mo ang makakapagpatunay kung pasado yan o hindi. Pero alam kong pasado na yan dahil sa mga binanggit mo pa lang eh napapa-nganga na ako sa galing mo. Kung publisher ako eh kukunin na kitang writer para mailimbag na yan. You have our support mapa sign language pa gamitin mo. hehehe. Keep it up.

 
At Wednesday, November 22, 2006 1:47:00 PM, Blogger Ner P said...

basta go na yan, pano magrereview ang mga taga-academe kung di naman sila tagakomiks? kahibangan yun. ano ang magiging comment nila? na mali ang structure ng mga sentence mo?

he he he

 
At Wednesday, November 22, 2006 9:14:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

gt4-
Naisip ko talaga ako na lang mag-publish nito. Pero habang tumatagal na niri-review ko itong book, mas marami akong gustong baguhin. Ewan ko, parang hindi pa talaga ready ngayong taon na ito at next year. Baka gumawa muna ako ng graphic novel bago ko balikan ito.

Ner-
Si Patrick Flores at Dra. Soledad Reyes ang gusto kong lapitan. Mas marami silang alam sa kaganapan ng komiks sa Pinas. Pag yugn iba kasi, tama ka, baka sentences at technicalities ng writing ang punahin sa akin at hindi yung mismong 'laman' ng sinulat ko.

 
At Thursday, November 23, 2006 11:12:00 AM, Blogger Ner P said...

oks, abangan ko yan!

 
At Thursday, November 23, 2006 11:33:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

Sa aking pananaw, di mo na talaga kailangang humingi pa ng approval sa mga kung sinong professor.pwede mo lang kunin yong mga ideas nila pero hindi kinakailangan na hingi ka pa go signal sa kanila kung ipapapublish mo ang librong ito.Kasi alam mo, mas marami ka alam at karanasan sa field ng komiks kesa sa kanila.Isa pa, lahat halos ng mga "matatalinong" nasa academe ay tiyak ibabagsak lang yong ideas mo na di naman hagod ng kanilang field.Manggugulo lang yan.Tama si Ner at Reno.Alam mo, mas marami pa silang matutunan sa ilalabas mo sa libro mo.Mapapataas mo nga kilay nila pero namulat mo naman ang mata ng halos karamihan.Its a matter of risk.Di naman lahat liligaya sa ginawa mo e.Ang importante naibahagi mo ang alam mo na dapat ibahagi.Ikaw rin, mapapanis lang yang mga idea mo na di natin alam yon pala ay mahalagang malaman ng ibang tao lalo na ng taga Komics. Tuloy mo lang...syempre puwede ka rin lumapit sa academe pero sabi na nga may sarili kang desisyon ukol dyan

 
At Thursday, November 23, 2006 12:05:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

artlink-
naisip ko nga, gawin ko kayang parang format ni 'bob ong' para medyo comedy. baka mas marami pang bumili.

 
At Thursday, November 23, 2006 7:30:00 PM, Blogger Reno said...

puwedeng parang kay bob ong ang approach mo. Parang nakikipag-conversation lang ang style. nang sa gayon, madaling maintindihan at di nakakapagod basahin.

 

Post a Comment

<< Home