ABOVE VISUAL STORYTELLING
Ang malaking dahilan kung bakit hindi ko gaanong tinatanggap ang visual storytelling ni Will Eisner at ipinangangalandakan ng American comicbooks na ito ang ultimate rule sa paggawa ng komiks ay dahil sa ‘kakaibang view’ ko sa medium na ito.
Visual storyteller ako by heart pero hindi ko puwedeng I-deny ang katotohanan na ang komiks ay isang uri ng artform na maghahanap at maghahanap ng ibang paraan para maipakita ang pagsasama ng words at images.
Dalawang uri ng tao ang gumagawa ng komiks. Writer at artist. Ang dalawang ito ay parehong alagad ng sining. In short, mas tinitingnan ko ang komiks as a way of self-expression at hindi lang isang simpleng communication.
Puwede ba nating kuwestyunin ang writer at illustrator (artist) kung artist nga sila?
ART ang dahilan kung bakit hindi ko isinasabuhay ang visual storytelling ng American comicbooks.
What is art, anyway?
Still life? Realism?
O puwede ring Expressionism, Impressionism, Abstractionism, Cubism, Surrealism, Dadaism, Futurism? Nakakalitong mga terms, hindi ba? Pero ang mga ‘movements’ na ito ng artworld ang nagpabago sa art as a whole. Ibig lang nitong sabihin, hindi mo puwedeng ikulong ang isang artist sa Still Life at Realism. Gagawa at gagawa siya ng paraan para sirain ang ‘rule’ ng paglikha ng artwork.
Sinisira niya ang rule hindi dahil gusto lang niyang sirain ang artworld. Sinisira niya ang rule dahil mas marami pang gustong kumawala sa kanyang utak—ideas, concepts, other possibilities of forms. Ito ang nature natin bilang human being. To evolve, to change, to cultivate more of ourselves.
Dahil sa ganitong view ko sa komiks, isa ako sa mga komiks creator na kailanman ay hindi magpapatali sa idea ng visual storytelling. Nag-I-evolve ang takbo ng utak ko, at kasama na rito ang idea na dadating at dadating ang panahon na maghahanap ako ng ibang pormula para sa kakaibang presentation sa komiks.
Malaki ang paghanga ko sa salitang ‘Express yourself!’ Kaya nga sa kabuuan ng career ko as an artist, hindi ako hayagang nanggaya kahit kanino. Ginawa kong influence or kinuhanan ko ng idea or naging inspiration ko ang mga magagaling na artists, pero hindi ako direktang naging Xerox copy (well, siguro noong early years ko dahil developing stage iyon para sa akin, pero kahit na, hindi pa rin talaga ako sumubsob sa salitang panggagaya).
Kaya kayong mga ‘Manga’ artists diyan na Pilipino, tigilan niyo na ‘yan! Gumawa na kayo ng sarili niyo! (away na naman ‘to tiyak…hehehe)
Seriously speaking, ang number one na kalaban ng Western style ay hindi ang Japanese style. Kundi ang mga surrealists at abstractionists sa komiks. Hintayin niyong lumaki ang movement na ito, maniwala kayo, magkakasundo ang Western at Manga para kalabanin ang bagong form na ito ng komiks.
Sa pagbabasa ko ng mga independent at underground comics ng America at Europe, nakita ko na lumalakas ang ‘surrealist movement sa komiks’ ngunit hindi pa aware ang industry dito. Ang mga surrealist creators na ito ay may ibang panlasa sa paggawa ng komiks na hindi katulad ng mga komiks na nakasanayan na nating basahin at tingnan.
Unti-unti ay nakakapasok na rin ang mga ito sa mainstream. In fact, humahawak na ng major titles ang mga ito, kasama na ang mga superhero stories. Few years from now, nakikita ko na marami pang radikal at avant-gardes na susulpot sa komiks. At mas gagawin pa ng mga ito ang mas kakaibang anyo ng ‘words and images marriage’. Walang makakapigil dito. Hindi ito mapipigil ng ‘conservative world of visual storytelling’, sorry to say.
Si Alex Niño ang Pilipinong komiks artist na nakita kong ‘surrealist at heart’. Kailangan ko pa bang ipaliwanag? Makikita naman sa mga trabaho niya. Nagwala nang husto si Niño nang magsimula siyang maging writer/illustrator sa mga komiks ng CRAF (dahil mas ‘open’ noon ang management ng CRAF kesa sa Roces). Bukod pa sa mga trabaho niya sa abroad.
Ang malaking pagkakaiba ng trabaho ni Niño kumpara kina Redondo at Alcala ay ang malaking role ng ‘imagination’ na makakakita sa kanyang mga artworks. Ang reality, makikita mo sa mata. Ang imagination, sa utak ka titingin.
Pero huwag kayong mag-alala, kailanman ay hindi mawawala ang visual storytelling movement. Ito ang ‘commercial side’ ng komiks. At ang ‘wild side’ ay para sa mga avant gardes.
Nang magkaroon ng exhibit ng mga comics visionaries sa New York, malakas ang statement ni Art Speigelman (Maus) tungkol sa medium ng komiks na makikita sa isa niyang artwork: Comics as a Medium of Self-Expression!
Comics As A Medium Of Self-Expression/Art Speigelman
Ang mga susunod na pahina ay galing sa iba’t ibang surreal at abstract comics. Malamang ang karamihan sa inyo ay hindi pa gaanong tanggap ang comics artform na ito, at baka nga matawa pa kayo at sabihin ninyong ‘ang dali namang gawin niyan’ (katulad din ng reaksyon noon ng mga unang nakakita sa paintings niya Picasso at Pollock), ngunit nagsisimula na itong lumaki. At gigibain ng mga ito ang nakasanayan na nating basahin at tingnan.
House of Secrets/Teddy Kristiansen
Menu and Blanquet/Julie Doucet
Amy and Jordan/Mark Beyer
Two Questions/Lynda Barry
Syncopation/Luis Bunuel
Little Lulu Clouds/ Andrei Molotiu
Untitled/ Andrei Molotiu
A Candy Colored Smile/ Noriku Ohashi
Lapula/ Andy Bleck
Now We Are Poor Again/ Dale Beran & David Hellman
Radars/ Aeron Alfrey
The Thing In The Window/ Aeron Alfrey
3 Comments:
Randy:
Ang ganitong estilo ay may mga folowing na sa France and Spain.
Alam mo naman kasi ang mga Pranses, anything different, KINAKAGAT. Kaya nga kadaming movement sa CINEMA na nanggaling sa France na later on ay kinagat na rin ng mundo.
Sa Spain naman, after so many years of repression under Franco's rules, anything radical is welcomed by the population. Kaya nga nang yumao na si Franco, NAGWALA ang mga kastila. Dito ako nakakita ng mga pelikulang no holds barred. Nagsulputan sa eksena sina YLOY IGLESIAS at ALMODOVAR, at dito lang ako nakakita ng TELENOVA na XXX ang mga eksena. Parang soap opera rin na may storyline, pero kapag may bed scenes, TUNAY na BEDSCENES TALAGA. And the scene culminates in the actual ejaculation of the male actors (pinalalabas nila ang semen outside the vagina para makita ng viewers na hindi sila NAGBIBIRUAN lamang).
Now, siguro diyan sa atin, it will take time before the komiks readers would bite into this sort of thingy.
But nothing is impossible.
Baka gayahin din nila ang telenova sa Spain? Medyo late lang ang shedule nito, mga bandang 10-ish at night.
Huwag naman sanang si MADAME AURING ang gaganap or si MYSTIKA! I'll turn off the TV!:)
Hi--
a few comments on the images.
That "Clouds" piece is actually called "Little Lulu Clouds"--it is after John Stanley (ie, it's based on a page from Little Lulu), but it's definitely by me.
"Ganeshasmall" is just the title of the file--that piece is simply called "Untitled."
As for "Radars," it is not by me--I'm guessing it's by Aeron Alfrey.
Best,
Andrei Molotiu
Jo-
Yeah, medyo matatagalan pa siguro bago ito matanggap dito sa Pinas.
Andrei-
Hi, thanks for infos, dude. I guess it all messed up from my list :)
I really like your work.
Post a Comment
<< Home