ANG UFC AT ANG KOMIKS
Ang UFC o Ultimate Fighting Championship ang nangungunang reality fighting show sa buong mundo. Ang mga naglalaban dito ay mga fighters galing sa iba’t ibang bansa at fighting style.
Exciting ang early years ng UFC dahil lahat ng fighters dito ay meron lang isang discipline o school na niri-represents. Halimbawa meron mga galing sa Judo, Jeet Kune Do, Wrestling, Karate, Taekwondo at iba pa. Ito ang time na madalas mag-champion ang Brazilian Jujitsu fighter na si Royce Gracie.
Ang Jujitsu ang mother style ng Aikido at Judo, ito ay system ng martial arts na naka-emphasize ang grappling at choking (pakikipagbuno na nakahiga—ground fighting) kesa sa striking (suntok at sipa). Dahil sa kasikatan ng Gracie Jujitsu, inakala ng marami na ang ground fighters ang pinakamagaling sa lahat. Kaya kahit nang mawala na si Royce Gracie, ang mga sumunod na champions at mga grapplers pa rin na karamihan at galing sa wrestling school.
Nabago lang ang pagtingin na ito nang hamunin ni Maurice Smith ang UFC champion na si Mark Coleman. Si Coleman ay isang wrestler at si Smith at isang Muay Thai champion (kickboxing art ng Thailand). Tinalo ni Smith si Coleman sa pamamagitan ng sipa at suntok, hindi umubra ang wrestling ni Coleman. Dahil dito ay nagkaroon ng paniniwala ang lahat na hindi grappling style ang pinakamagaling sa lahat dahil deadly rin ang striking style lalo na kapag mahusay ang gumamit.
Ang unang ‘complete’ fighter na pumasok sa UFC ay si Vitor Belfort na galing sa Jujitsu at isa ring boxer at kickboxer. Sinundan ni Randy Couture na galing naman sa wrestling pero magaling din sumuntok. Hanggang sumulpot na si Tito Ortiz na pinaka-complete sa mga unang batch dahil marunong na sa grappling at striking (madalas pang gumamit ng knee strike), malakas pa ang katawan.
Kaya kung ngayon lang kayo manonood ng UFC, makikita niyo na lahat ng fighters ay hindi mo na ma-distinguish kung ano ang style dahil hybrid na. Kumibansyon na ng iba’t ibang style of fighting. Malayung-malayo na ito sa early years ng UFC. Kaya nga ayon sa mga kritiko, kung ngayon sasali si Royce Gracie, malamang ibalibag lang siya ng ibalibag nina Tito Ortiz at Chuck Liddel o kaya ay paulanan lang siya ng siko at tuhod.
Ang komiks ngayon, lalo na sa American comicbooks, ay hybrid na rin ng iba’t ibang estilo. At dahil iba-iba na ang estilo na pinagkukunan ngayon ng mga artist, iba-iba na rin ang techniques na lumalabas.
Hindi ko na pakikialaman ang style, magpu-focus na lang ako sa technique.
Ang komiks noong araw ay pen & ink. Ibig sabihin, kung papasok ka ng komiks, either maging penciller ka o inker. Sa Pilipinas, walang penciller at inker, ginagawa na lahat ito ng isang illustrator.
Kahit pa nang mauso na rin ang colored komiks noon, pen & ink pa rin ang main focus kung gagawa ka ng komiks. Malinaw kasi sa imprenta ang naka-ink na drawing. Kitang-kita ito sa kahit anong klase ng papel—kahit low quality na newsprint.
Pero nang gumanda na ang quality ng printing press, sinubukan nang mag-print ng mga artworks gamit lang ang lapis (kahit sa mga artbooks). At napag-alaman na maganda rinpala ang kinalabasan ng printed artwork kahit lapis lang. Dahil dito ay sumubok ang America na gumawa ng mga comics na gawa lang sa lapis. Maganda naman ang quality na kinalabasan.
Hanggang sa mas naging maganda pa ang mga printing press ngayon, kahit malabong lapis ay kaya nang linawan sa tulong ng computer. Kaya ngayon, nakakakita na tayo ng maraming komiks na ginawa lang sa lapis, tapos ay diretso na kaagad sa coloring. Ang masakit na part dito, nakaapekto ito sa career ng mga inkers.
Pero ang point ko dito, mapa-lapis man o may ink, ang mahalaga ay ang final look ng komiks. Kung mas magandang may ink, pwede namang gawin. Kung sa lapis pa lang ay maganda na, puwede rin namang walang ink. Two separate techniques ito na puwedeng gamitin sa komiks.
Sa aking nakikita, ang mga techniques na ganito ay nagiging part na ng visual storytelling. Ang isang creative at ‘complete’ na artist ng komiks ay malayang magagawa ito. Puwede siyang gumamit na inked artworks sa ilang panels, puwede rin namang may ink, at puwede ring may kulay. Kumporme sa sitwasyon at eksena ng kuwento.
Mas nagkakaroon ng impact ang storytelling kung gagamit ng ganitong elements. Halimbawa, sa Batman Hush na ginawa ni Jim Lee, ang regular technique niya ang makikita, si Scott Williams ang nag-ink, tapos ay ipapasa na sa digital colorist. Naging kakaiba lang ang presentation ni Jim Lee dahil kapag may flachback sa story, ginagawa niyang lapis lang ang drawing at monochromatic lang ang pagkakakulay—usuallly ay grayish brown o green ang nakikita ko. Maganda ang ganitong presentation dahil nagkakaroon ng emphasis na ang eksenang iyon ay hindi nangyayari sa ‘present time’ kundi part na siya ng past.
Sa Superman Infinity City na ginawa naman ni Carlos Meglia, dahil siya ang gumawa ng lahat ng artworks, alam niya kung kailan gagamitin ang lapis lang, o may ink, o may digital coloring, o may watercolor wash o may photographs. Gumamit siya ng iba’t ibang kumbinasyon kumporme sa eksena. Halimbawa, kapag normal ang eksena, normal din ang pen & ink niya, kapag biglang naging maaksyon, biglang bubulagain ka na lang isang watercolor wash na may kaunting digital enhancing sa mga special effects.
Una kong nakita ang ganitong technique sa HongKong artist na si Wing Shing Ma. Kapag normal ang eksena, naka-pen & ink, kapag maaksyon, kinukulayan niya ng watercolor wash, kapag sobrang intense ng eksena, bigla siyang magpi-painting gamit ang acrylic, at kapag malungkot naman ang ang eksena, bigla na lang siyang gagamit ng charcoal na wala nang nakapatong na kulay.
Dahil sa pag-advance ng technology at madami na ang choices ng artist ngayon sa mga techniques na puwedeng gamitin, nasa kamay na ng mismong artist kung paano ia-apply ang mga ito.
Kaya nga suggestion ko sa mga naku-komiks ngayon. Huwag lang mag-stick sa isa—penciller o inker lang. Pag-aralan niyo na ang lahat. Hindi naman sa sinusuwapang mo na ang trabaho at hindi mo binibigyan ng chance ang iba, pero mas magandang matutunan ang mga techniques na ito, for personal knowledge na rin. Dahil din sa ganito, magma-mature ka sa mga decisions mo kapag nakahawak ka na ng script. Maging penciller ka man, at least alam mo kung paano mag-desisyon sa mga eksena kung sakaling may inker na humawak ng lapis mo. At malalaman mo rin kung paano ibabagsak ng colorist ang kulay niya sa nilapis mo.
At suggestion ko rin, ewan ko lang kung sasang-ayunan ninyo ako dito, huwag lang realism ang pag-aralan niyo, pag-aralan niyo rin ang abstractionism. Magkakontrang style ito ng art, pero siguradong may matututunan kayo sa magkakaibang pananaw nila.
At kaya nga binabasa niyo itong blog ko na may pamagat na Malikhaing Komiks. ‘Creative Comics’ ang ibig sabihin nito. Maging ‘malikhain’ kayo.
Mukha ba ‘kong nanenermon? Nami-miss ko na siguro ang magturo. Bigyan niyo nga ako ng libreng venue.
4 Comments:
Galing ng pag ka analysis and comparison...Once again its another good point.Actually if you are an artist, you "must" explore everything because its part and parcel ng pagiging creative and syempre learning new things is an advantage talaga.Salamat sa article na ito.^___^
Thanks, John.
UFC 66 na sa December 30! Tito Ortiz vs. Chuck Liddell 2! :D
kay chuck pa din ako. pababagsakin niya ulit si tito.
nakita mo na ba ang thailand muay thai champion na si buakaw pramuk? gusto ko na makasama siya sa ufc, tingin ko e marami ring pagugulungin ang taong ito.
Post a Comment
<< Home