Saturday, January 13, 2007

ANG PAGPAPAANGAT NG KOMIKS AY PARANG PAGPAPAGAMOT NG ISANG MAY KANSER

Napaka-optimistic kong tao. Kahit Malabo pa sa akin ng future kung paano nga aangat ulit ang komiks sa Pilipinas, ay naniniwala pa rin ako na aangat ito. Faith. It’s a religious thing. Basta feeling ko lang na aangat siya kahit wala akong basehan.

Nabalitaan ko na magkakaroon ng meeting ang mga beterano ng komiks na gaganapin sa printing office ni Loren Banag. Imbitado rito sina Joelad Santos (dating editor-in-chief ng Counterpoint at GASI at ngayon ay Commissioner ng Wikang Filipino), kasama ring dadalo ang mga batikang manunulat at dibuhsita—sina Pablo Gomez, Elena Patron, etc. Magkakaroon daw dito ng magandang announcement para sa kapakinabangan ng industirya ng komiks. May balita pa na magkakabigayan ng awards sa Malakanyang ang ilang mga personalidad ng komiks.

Pero ang totoo ay hindi rin malinaw sa akin ang event na ito. Ang iba naman, nababasa ang meeting ng mga taga-komiks na may halong pulitika. Well, malapit na kasi ang eleksyon. At ang komiks ang isa sa best way para maipakalat sa publiko ang plataporma (kung meron nga) at istorya ng isang tatakbo sa eleksyon.

Ayoko namang bigyan ng negative effect ang gathering na ito, o meeting, o ‘great talk’ in komiks history. Malay nga naman natin, baka sa ikaaangat talaga ng komiks ang purpose ng mga tao doon. Go ako diyan!

Ang dami ko nang napuntahang meeting noong medyo humihinga-hinga pa ang local komiks. Karamihan ng mga meeting na ito ay mga personalidad na iisa ang linya: “Paaangatin natin ang komiks industry!” Na para bang dumating na ang sugo at ito ang magsasalba sa sangkakomiksan (what a word!).

Well, what’s new. Lahat naman ng gumagawa ng komiks ngayon, maging ang mga indie people ay iisa ang linya: “Paaangatin natin ang komiks industry!”

Ang gaganda ng mga dialogues, ano? Para bang ang komiks ay kayang paangatin ng isang pitik. Come to think of it, paano mo bubuhayin ang industriya ng komiks kung hindi mo nga lang alam kung paano ito namatay?

Ang pagsusuri ng industriya ng komiks sa Pilipinas ay isang kumplikadong bagay. Marami kang factors na dapat tingnan. Nariyan ang bagsak na ekonomiya ng Pilipinas, ang pag-decline ng pagbabasa ng mga Pilipino, ang mga kalaban sa entertainment, ang praktikalidad ng mga tao sa isang third world country na tulad ng sa atin. Hindi pa riyan natatapos ang pagsusuri,nariyan din ang labanang ‘traditonal’ at ‘ modern’ sa mga creators—dahil hindi magkasundo, pati reading public ay hati rin. Nariyan din ang lakas ng impluwensya ng Manga sa karamihan ng mga batang pumapasok ngayon sa komiks—teenagers ang audience, paano na ‘yung mga mature audiences na gustong makabasa ng iba? Nariyan din ang iba pang creators na mas mabuti pang gumawa sa abroad dahil well-paid sila kesa nga naman dito.

Kailangan din ng masusing pag-aaral sa pag-evolved ng mga babasahin dito sa atin. Ano na bang mga libro ang mabenta ngayon sa bookstore? Anong mga produkto ang makikita ngayon sa bangketa? Gaano ba nag-spend ng time ng pagbabasa ang isang ordinaryong tao sa isang araw? O may time pa nga ba siya sa pagbabasa? Anong tema ng mga kuwento ang interesting para sa mas nakararami (ayokong sabihing lahat, dahil wala namang produkto na gusto ng lahat). Anong mga mechanics (o ads, o press releases) ang dapat na gawin para maibalik sa publiko ang tiwala nila sa pagbabasa ng komiks.

May mga safe na sagot ang ilang independent publishers: “Hindi ko responsibilidad na paangatin ang komiks. Ang gusto ko lang ay gumawa ng komiks na gusto ko.”

Maganda nga naman. Basta gawa lang ng gawa. Mas maraming komiks, mas maraming topic at plot, mas maraming pagpipilian ang readers.

Mabuti nga ngayon ay at mayroon nang freedom sa paggawa ng komiks. Ang wala na lang freedom ngayon ay ang presyong printing. Sa ayaw mo man at sa gusto, kailangan mo rin mahalan ang komiks mo. Domino effect.

Nakikita ko rin na medyo maiiba ang tingin ng tao sa komiks kapag dumami na ang graphic novels dito ng gawa ng mga Pilipino ay nakabalandra na sa bookstores na may iba’t ibang topic para sa iba’t ibang klase ng readers. Pero huwag naman sana na ang isang graphic novel ay P400 hanggang P800. Wala tayo sa Amerika. Nasa Pilipinas tayo, dito nga may mabibili kang brand new na electric fan sa halagang P300. Ang underwear ko nga, tatlo isandaan lang. I mean, pagbali-baligtarin man ang mundo, aware pa rin ang tao sa presyo. Subukan mong magtinda ng isang boteng Coke sa halagang P100, ewan ko lang kung may bibili. Dito lang sa atin uso ang salitang ‘tawad’, mahilig tumawad ang mga Pilipino.

May gamot na ba sa kanser? Wala pa. Si El Shaddai lang ang nakakapagpagamot sa kanser. Tsamba pa ‘yun. Ganu’n din ang komiks. Hindi mo ito kailangang paangatin. Ang kailangan mo dito ay I-distribute sa malawak na readers na satisfied sila sa content at presyo, kunin mo ang gusto nila, at iwan mo ang ayaw nila.

Walang sinumang nagpaangat ng romance pocketbook industry dito sa bansa. Kaya lang ito lumakas ay dahil tinangkilik ito ng maraming readers. Ang readers ang magdi-decide kung paaangatin ba nila ang produkto mo o hindi.

6 Comments:

At Monday, January 15, 2007 11:10:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

Saludo ako sa artikulong ito, pareng Randy.Bato Bato sa langit ang tamaan wag magalit.hehehehe..Naway magsilbing aral ito sa mga nagbabasa dito.:)
Ang mabuting gawin natin, ay gawin na lang natin ang sa tingin natin tama.kahit maliit na kontribusyon lang basta may ginagawa at hindi puro "drowing"* lang.

*slang tagalog term.

 
At Monday, January 15, 2007 3:15:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

tingnan mo ako...walang naku-contribute sa industry...kundi pumuna lang ng pumuna hahahaha. joke!

 
At Monday, January 15, 2007 4:41:00 PM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

WAHAHAHAHAHA!

 
At Tuesday, January 16, 2007 9:38:00 AM, Blogger Reno said...

Wait and see na lang siguro tayo kung ano ang balak ng mga beterano sa meeting nila. Sana maganda ang kalabasan. Mahirap naman husgahan kung di pa natin alam kung ano talaga ang gagawin nila. Huwag tayo mag-"aklas" agad. hehe.

Underwear ko 3 for 100 din. Baleno ang tatak. Diyan ko sa Juan Luna St. binili, malapit sa Binondo Church.

 
At Tuesday, January 16, 2007 10:31:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Sure na pupunta din ako sa event na 'to. Gusto ko rin kasing makibalita. Saka naging 'bosing' ko rin si Loren Banag noong nasa tabloid(Brusko) pa ako at balak niya akong kunin sa Tiktik.

 
At Thursday, January 18, 2007 9:04:00 AM, Blogger Reno said...

Pakikumusta na lang ako kay JoeLad Santos. Kaibigan niya ang tatay ko, e. Pakisabi yung anak ni Teri. hehe.

 

Post a Comment

<< Home