Wednesday, January 17, 2007

MAY PAGIGING 'SUPERHERO' KAY TONY DE ZUÑIGA

Masayang naidaos ang exhibit ni Tony de Zuñiga sa Crucible Gallery kaninang hapon sa SM Megamall na pinamagatang 'Superheroes'. Iba't ibang bisita ang dumating sa naturang event kabilang na ang mga beterano at mga bagong komiks creators ng bansa.

Maraming isyu na nakakabit kay Mang Tony noong active pa siya sa paggawa ng komiks. Aware dito ang karamihan sa mga gumagawa ng komiks ngayon. Para sa akin, hindi na dapat pang balikan ang isyu na iyon.

Si Mang Tony ang matatawag kong 'Father of Filipino Invasion' sa US comics. Kung babalikan natin ang kasaysayan, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakagawa ng komiks sa Amerika, at siya rin ang dahilan kung bakit nakarating doon ang mga trabaho nina Nestor Redondo, Alfredo Alcala at Alex Niño.

Sabi niya sa akin: "Kapag twelve years ka na sa komiks, subukan mo nang gumawa ng painting. Makakatulong ito para mag-mature ka as an artist."

Mabuhay ka, Mang Tony!

Ako, Meyo de Jesus, Armida Francisco (pamangkin ni Ading Gonzales), at Mario Macalindong.

Mario Macalindong, Jun Lofamia, Grace Jodloman, brother of Jess, Jess Jodloman, Orvy Jundis, Alfredo Alcala Jr., hindi ko kilala itong isa, pasensya na po.

Gener Pedrina (standing), Edgar Tadeo, Gerry Alanguilan, Sandy Sansolis (owner ng Comics Odyssey) Azrael Coladilla at Mark Cerbo.

Jess Jodloman, Abe Ocampo at Tony de Zuñiga.



Rico Rival at Erwin Cruz.

Jess Jodloman.

Mga writers ng GMA 7.





Gallery staffs?

Salamat kay Kuya KC Cordero at Erwin Cruz sa additional photos.

4 Comments:

At Thursday, January 18, 2007 9:06:00 AM, Blogger Reno said...

Sayang di ako nakapunta, marami kasing labada sa opisina. Hanggang kelan ba ang exhibit?

 
At Thursday, January 18, 2007 10:57:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

reno-
ang pagkakaalam ko hanggang 2 weeks ang exhibit. kung ma-miss niyo ito, sabi naman ni mang tony ay magkakaroon siya ng series of shows. kaso baka yung pangalawa niya ay sa cebu muna gawin.

alex-
ok, lagyan ko ng captions ang bawat pics. thanks sa visit.

 
At Thursday, January 18, 2007 6:10:00 PM, Blogger dibuho at espasyo said...

ito ang isa sa mga namiz ko sa pinas!...

 
At Thursday, January 18, 2007 8:30:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

bakit wala bang mga gallery dyan sa middle east?

 

Post a Comment

<< Home