MEETING PICS
Lilinawin ko lang yung tungkol doon sa pagiging 'representative' ko ng new generation of komiks creators. Masyadong nakakatawa sa akin ang 'title' na ito. Una, hindi ko naman kayang i-organize ang mga bagong creators ngayon lalo pa hindi ko naman kilala ang lahat, si Gerry Alanguilan lang ang medyo nakakausap ko sa mga nagku-komiks ngayon. Ikalawa, paano ko iri-represents ang mga bagong creators ngayon samantalang iba naman ang 'purpose' nila kung bakit gumagawa sila ng komiks, lalo na yung mga stable na sa paggawa ng komiks sa ibang bansa, they don't need organization like this. Member man sila nito hindi, kikita pa rin sila ng dollar.
Nagsalita ako sa harap ng mga beterano (gaya ng nakita niyo sa picture), dahil sa biglaang pag-aasign ng board of members para sa Komiks Congress na gaganapin sa February 16 sa NCCA. As usual, dahil nga miting yun ng mga beterano, natural na mga beterano rin ang kukuha ng lahat ng posisyon.
Doon ako nag-suggest na sana ay magkaroon ng representative ang new generation ng creators ngayon dahil hindi natin puwedeng putulin ang history ng paggawa ng komiks sa Pilipinas dahil meron pa rin namang nag-i-exist ngayon.
Sabi ko pa, isa ako sa gumagawa ng komiks ngayon na active din sa internet. Nabanggit ko nga ang tungkol sa Philippine Komiks Message Board at ang iba pang mga beterano (Dell Barras, Romeo Tanghal, Floro Derry, etc.) na dito na lang nakakakuha ng infos tungkol sa komiks dito sa atin. Sabi ko pa nga, ang miting na nandoon ay maliit pa kumpara sa members ng Philippine Komiks Message Board.
Nagulat na lang ako, pagkatapos ko magsalita ay bigla akong sinabihan ni Mang Nestor Malgapo na maging representative ng new gen creators. Gusto kong linawin na hindi ako representative ng sinuman sa mga new gen dito, naging 'voice' lang ako ng new gen dahil wala naman kasing nagbabanggit nito sa miting.
Minsan tuloy naguguluhan na ako sa 'stand' ko. Pag kaharap ko ang mga new gens, tingin sa akin e traditionalist. Pag kaharap ko naman ang mga beterano, tingin sa akin e new gen.
Magkakaroon ng miting ang board this week, kasama ulit sina Joelad, at makakasama ako. Doon ko malilinawan ang lahat tungkol sa Komiks Congress (hindi pa kasi malinaw sa akin dahil may halong inuman ang nangyari dun sa miting), kaya wala pa akong masasabi kung anuman ang mga actions na ito ng mga beterano. Isa lang ang malinaw sa akin, malalaking tao at may 'say' sa gobyerno ang bumubuo ng Komiks Congress.
3 Comments:
I hope you keep us updated on what the Komiks Congress is all about. Sana magkaroon ng positibong epekto ito sa lagay ng komiks natin sa ngayon. And I think Joelad Santos has the clout and experience to get the ball rolling.
Siyempre, di mawawala ang inuman sa mga ganyang pagtitipon. Parang sabay reunion na rin iyan. :)
agree ako kay reno-tuloy2 na sana ang pagbubuo muli ng mga datihan at makabagong manlilikha ng komiks,palagay ko magiging maganda ang kalalabasan nito..aabangan ko!
thanks, update ko kayo lahat pagkatapos ng meeting namin sa friday.
Post a Comment
<< Home