Saturday, January 27, 2007

KOMIKS CONGRESS

Kalat na sa buong komiks community ang gaganaping Komiks Congress sa Pebrero. Dalawa ang layuin ng pagtitipong ito--maiangat muli ang wikang Pilipino (Tagalog) at pasiglahin ang industriya ng komiks.

Kabilang dito ang exhibit na gagawin sa NCCA building ng mga illustrators at contest na pangungunahan ni Carlo J. Caparas.

Isa ako sa naiimbitahan lagi sa meeting para sa Congress at kung anuman ang maging participation ko ay isa nang malaking karangalan. Kung inyong makikita sa mga pictures na inilalagay ko dito, informal pa ang mga meetings na ginagawa--minsan ay sa bahay lang. Pero sa lunes ay gagawin na ang proper meeting na gagawin sa NCCA building mismo.


Noong nakaraang taon pa ay binabanggit na ito ni Direk Carlo sa mga interviews sa kanya tulad nito.


Makikita sa larawan sina (nakaupo) Commisioner Joelad Santos, Nar Castro, sekretarya ni Joelad, Nestor Malgapo, Vic Poblete, Rey Atalia, (nakatayo) si Mario Macalindong at ako.

3 Comments:

At Saturday, January 27, 2007 1:29:00 PM, Blogger evEr said...

immense possibilities shaping up in the horizon, randy.. natutukso akong isaayos ang aking pagdodrowing, (ay syangapala, relative ko sa kampo ng ermats ko si tata nestor malgapo, nag-name drop pa ako ha?) best of luck!

 
At Saturday, January 27, 2007 3:51:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

basta praktis lang ng praktis. hiramin mo kay mang nestor yung series of book niya about illustrations. maraming matututunan dun.

 
At Tuesday, January 30, 2007 9:15:00 AM, Blogger derrick macutay said...

ayos! nagkita kmi ni commissioner joe lad sa ncca pero d ko n cya nakausap kasi ka meeting ni ms cecile guidote alvarez, dumaan ako s ncca para magbigay ng kopya ng documentation ko sa hawaii. ang nakausap ko ay si ms. cecile, nabanggit na may komiks congress sa february bilang part ng celebration ng feb arts month.

suporta ako bay!!!

 

Post a Comment

<< Home