KOMIKS CONGRESS UPDATES
Ginanap ang ikalawang meeting ng board para sa Komiks Congress kahapon sa building ng NCCA sa Intramuros. Ang mga nagsidalo ay sina Commissioner Joelad Santos, Roger Aquino at ang kanyang misis, Jun Lofamia, Nar Castro, Al Cabral, Ding Abubot, Andy Beltran, Mario Macalindong, Joemari Moncal, at iba pang bisita, kabilang ang head ng NCCA na si Cecil Guidote-Alvares (asawa ni Senator Heherson Alvares) at Dr. Roger Birosel, General Secretary ng Earthsavers Movement, na isa ring premyadong mananaliksik at manunulat ng ating kultura.
Nagsimula ang pag-uusap kung ano ang mga napag-usapan noong nakaraang meeting (January 26). Sinundan ng mga suggestions ng board kung ano ang magiging laman ng gagawing Congress.
Nagbigay ng isang pahinang sulat si Dr. Berosil para sa aming lahat. At ito ang nilalaman:
Maikling Kasaysayan at mga Kinabukasan ng Pilipino Komiks
Nu’ng aking kabataan sa Pasay City, nalibang ako sa pagbabasa ng mga komiks- Illustrated Classics para sa mga nobelang banyaga, at Tagalog komiks. Nangalakal pa nga ako sa rentals pambasa ng koleksyon ng komiks ko para sa mga kababata kong walang pera o ayaw bumili ng sariling kopya.
Sa pagtanda ko at paglawak ng aking kaalaman at karanasan, sumabay ang hilig ko sa komiks sa mga pag-unlad ng cartoons, sineng ginuhitan ang artista, sci fi at fantasya na isinalin sa komiks.
Ano ba ang kasaysayan ng komiks na dapat gunitain para magplano para sa kanyang kinabukasan at ng mga ka-industriya?
Unang-una, umusbong ang komiks pagkasupil sa atin mg mga Amerikano. Pagkatapos ng Giyera Pangmundong II, iisang kapitalista- ang pamilyang Roces- ang nagmonopolya ng indnstriya. At nu’ng namatay ang patriarko at walang interes sa komiks ang mga anak- naglaho ang industriya.
Nuon ang parokyano ng komiks ay mga taga-siyudad na me pambili o pang-arkila. Ngunit dahil umnsbong na ang TV, mall, VHS, CD, DVD at mga player, at lalong naghihirap ang karamihan ng Pilipino, at bumaba ang sistemang pang-aralan kaya wala nang hilig magbasa ang mga kabataan, nawawalan ng parukyano ang komiks.
Paano pwedeng buhayin ang Komiks?
Kailangan pa rin ng mga Pilipino ng Komiks para madali silang matuto at turuang iangat ang sarili sa mga trabaho, pangangalakal, pamahalaan, sosyedad, at iba pa. Ang mga gnmagamit ngayon ng Komiks ay mga NGO, politiko, at mga kawanian ng pamahalaan.
Kailangan rin taasan ang antas ng kaalaman at kagalingan ng mga kasapi sa industriya- lalo na sa makabagong mga paraan at bagong namimili ng KOMIKS at ng mga ibang produktong ipinanganak nito.
Nagbigay din ng mahabang pahayag si Mrs. Alvarez tungkol sa komiks na pinaikli ko na lang sa ganitong punto:
“Kailangan nang mag-mature ang komiks. Dapat ay hindi lang tayo makabasa ng mga kuwentong pantasya, o yung mga kuwentong mister na may kabit. Kailangan ay makabasa rin tayo ng mga kuwento na magkakaroon ng impact sa ating society. Kailangan na rin nating mag-educate sa ating mga mambabasa. “
Pagkatapos ng salu-salong kainan ay ipinakita sa amin ni Mrs. Alvarez ang exhibit area sa lobby ng NCCA at ang auditorium kung saan gaganapin ang Konggreso.
Magkakaroon ulit ng meeting ang board ngayong Sabado na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle.
Gusto ko ring I-announce na magkakaroon ng paligsahan sa paggawa ng komiks na pangungunahan ni Carlo J. Caparas—open ito sa lahat ng gustong sumali, amateur o proepsyunal. Malaya ang topic dito. Hindi pa gaanong buo ang detalye pero siguradong ilalagay ko ang contest na ito sa mga susunod na araw.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home