MGA EKSENANG PINOY
Nakakatuwang makita sa mga foreign comics ang mga eksenang pamilyar sa ating mga Pilipino.
Ang inyong nakikita ay gawa ng Argentinian cartoonist na si Quino, galing sa komiks na YO NO FUI. Natawa ako sa isang panel dahil naka-drawing ang bahay na may gulong sa bubong. Pamilyar ba hehehe? Ganitong-ganito ang makikita sa squatter's area dito sa Manila.
Ito naman ay gawa ni Robert Crumb sa Weirdo Comix. Makikita sa background ang isang Filipino restaurant. Paano ko nalaman? Nakasulat kasi sa pintuan at bintana ang 'lechon', 'pansit palabok' at 'fresh lumpia'. Hahaha. Ang nakakatawa (o nakakaiyak) dito, sa labas ng restaurant ay may nakatambay na pulubi at adik.
8 Comments:
Randy:
Dati walang goma sa bubong ng bahay sa Argentina. Pero dahil sa corruption ng mga politiko (familiar ba?) ay bumagsak ang economy nitong bansang ito at kay rami nanag nag-alisang mga Argentinians. Takbuhan sila sa Spain, sa Canary island, some even went to Gibraltar. Very sad, indeed, and it reflects in this Argentinian cartoons.
Crumb: Nagtataka lang ako kung bakit hindi isinama ni CRUMB yung SINIGANG NA BABOY! This is the most popular Filipino dish in North America. He-he.
Baka nagkataong walang Sinigang na Baboy sa menu nang mapadaan si Crumb sa Pinoy restaurant na naging inspirasyon niya.
Siguro meron na ring nakatira sa ilalim ng tulay at sa kariton sa Argentina.
Sana meron ding isaw, hehehe. Nakakain na kaya nun si Crumb?
ISAW? Ano ini? Tunay na pagkaon, o diri?
Hehehe, mukhang hindi ka pa nakakakain ng isaw a. Ito yung bituka ng manok o baboy. Hindi ko lang alam kung small o big intestine heheeh. Alam mo naman ang pinoy, halos lahat na ng part ng katawan ng hayup ay kinakain. Kahit nga kuko ay pinapakuluan dahil amsarap daw ang katas hahahah.
Holy cow!
BITUKA!?
Sa Ampalaya na lang ako, hawig na rin sa bituka, berde pa.
KUKO!?
Sa Ocra na rin ako, hawig sa kuko , at mas masarap ang katas. He-he.
Medyo kinilabutan yata ako sa description nito, Randy. Di ko kaya ito.
Hindi kaya sensationalism lang ang ginamit mo rito? Tabloid style kumbaga :D
Nah, hindi ako nag-i-exagerate. Talagang kinakain ang bituka dito hahahaha. Actually masarap nga yung isaw ng manok na ginawang barbq. Nagulat ka no?
Kagabi nga sa news, pati isdang butete kinain, ayun nalason yung dalawang mangingisda.
Naku naman, bakit hindi pigilan ng department of health na huwag nang magtinda ng ganito? Hindi ito makabubuti sa kalusugan ng mga mahihirap. Mahirap na nga, gaganituhin pa. Ang sakit namang isipin nito.
Mangingisda, tapos di alam na poisonous yung butete? Ano na ito? Baka naman lasing pareho kaya hindi nila nakilala ang isda.
Nag-research ka na ba kung ilan so far ang naging biktima ng PARASITISM (Bulatire -ehe- bulate pala) ang statistic mula nang "madiscover" itong mga bitukang BBQ? Que barbaridad, ano?
Sulat ka kaya ng adventure ng bulate sa loob ng tiyan ng isang kumain ng BBQ na bituka. Siguro, gripping ang kalalabasan nito, ala Alfred Hitchkock na ibibitin muna sa makapigil-hiningang suspense bago ihahalibas ang surprise ending! :D
Post a Comment
<< Home