Wednesday, February 21, 2007

KOMIKS EXHIBIT IMPORTANT ANNOUNCEMENT!!!

Pasensya na mga kapatid, last minute call ito....

HINDI PO TULOY BUKAS NG UMAGA ANG RIBBON CUTTING NG KOMIKS EXHIBIT SA NCCA.ANG RIBBON CUTTING NG EXHIBIT AY ISASABAY NA SA KOMIKS CONGRESS PARA ISANG PASADA NA LANG.

Humihingi po ako ng paumanhin sa lahat ng ng kabulastugang nangyayaring ito sa mga scheduling na ginagawa ng Komisyon ng Wika at NCCA. Kung kelan naman isang tulog na lang ay saka magbibigay ng ganitong report sa amin.Nag-usap kami ni Mario Macalindong at pareho kami ng saloobin. Naka-front kami sa inyong lahat, kasama si John Becaro, pero hindi namin hawak ang schedule ng Komisyon at NCCA.

Kami ay representative lamang at tumutulong sa programa nila.Noon pa man ay very vocal na ako sa mga weakness na nangyayari sa grupo ng Komisyon, particular na sa scheduling, kahit na mga miting noong nakaraan, na nauuwi sa kuwentuhan sa halip na pagtuunan muna ng pansin ang event ng congress. Hindi talaga nila isinasapuso ang mga pinagsasabi ko.

4 Comments:

At Thursday, February 22, 2007 11:08:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

sayang yong momentum.

Thanks sa pag clarrify pareng Randz!

 
At Thursday, February 22, 2007 12:16:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

O nga. Ready pa naman ako para isuot ang bago kong sapatos hahahah joke.

Ang dami ko ngang tinext para sabihin na hindi tuloy. Ubos ang load ko. Dapat to ipa-reimburse sa Komisyon at NCCA.

 
At Thursday, February 22, 2007 12:46:00 PM, Blogger gothicathedral said...

Putik, paalis na ako in 30 minutes mabuti nakapg-open pa ako ng internet. Nakapagpaalam na rin ako sa office, tsk! Pinag-absent ko pa asawa ko para samahan ako ngayon.

Di bale next time na lang. Thanks Randy!

 
At Thursday, February 22, 2007 1:00:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Pasensya na, Gothic. Ang dami talagang na-frustrate dahil dito.

 

Post a Comment

<< Home