Monday, February 26, 2007

TV EXPOSURES

Iba talaga kapag hawak ng gobyerno ang project na kasasangkutan mo, samahan pa ng isang sikat na direktor sa pelikula na kayang mag-promote sa kung saan-saan. The power of press release!

Kahapon ay nag-taping kami sa Channel 4 sa programang ‘Gising Sining’ ni Cecille Guidote-Alvarez at ipinalabas ng alas onse ng gabi. Ito ay promotion at patikim sa mangyayaring Kongreso ng Komiks na gaganapin bukas ng umaga sa NCCA building. Kasama sa interview na ito sina Commissioner Joelad Santos at Direk Carlo J. Caparas.

Katatanggap ko lang ng text na ipinapatawag daw ulit kami ng direktor ng naturang show at muli kaming babalik mamayang 9pm sa Channel 4 para sa isa na namang balitaktakan tungkol sa komiks. Ang totoo niyan, dahil limitado ang oras namin kahapon, at nataon pang Edsa celebration (kaya may ‘Diwa ng Edsa’ ang usapan namin sa halip na komiks lang). Mamayang gabi, mas malalim na talakayan tungkol sa komiks ang mangyayari (sana).

Iba’t ibang reaksyon ang natatanggap ko, at nababasa, tungkol sa event na ito ng Kongreso ng Komiks. May positive at may negative, normal lang naman ito. Ang nakakatawa dito, kaming mga taga-komiks lang ang nagbibigay ng mga reaksyong ito. The public? Who the hell cares? E kung kayo ngang tagakomiks hindi ninyo ma-organize ang mga sarili ninyo, paano ninyo io-organize ang mga Pilipino na makisimpatya dito sa Kongreso ninyo?

Hindi ko alam kung ano talaga ang problema. Tinitingnan ko ang sitwasyon ng mga beteranong bunga ng lumang industriya at mga present creators na bunga ng independent scene. Talagang may gap.

Pero ang gap na ito ay hindi gawa ng both parties. Ang problema dito ay communication. It’s either ayaw makipag-communicate ng isa, o talagang inosente o ignorante ang isa na may nag-I-exist na isa pa. Ang gulo ‘no?

Sa araw ng Kongreso, kaya siguro kinapalan ko na ang mukha ko na mag-Powerpoint presentation, para maunawaan ng both parties ang pagkakaiba nila. Hindi ito ego tripping ko lang. Gusto ko lang talagang ipaalam sa marami, na may ganito, at may ganoon.

Siguro kung wala akong pagpapahalaga sa industriyang ito, dapat noon pa ay hindi na ako nakisangkot, di ba? Pakialam ko sa inyong lahat, kumikita ako ng dollar hahaha. Pero kinalimutan ko muna sandali itong pagkahayok kong kumita. Wala nang ibang pagkakataon, tingin ko. Ito na lang. Ang Kongreso ay balitaktakan, at ang Convention ay tindahan at palabas. So, ang Kongreso ang pinili ko para magsalita.

Kaya mamayang gabi, abangan ninyo sa Channel 4 (9pm) ang iba pang mapag-uusapan sa komiks. At bukas ng umaga, sa NCCA, ang iba pang pagtatalunan at pag-aawayan.

Paalala ko nga pala sa mangyayaring Kongreso bukas, ang idea dito ni Com. Joelad ay tulad ng isang lumang Kongreso. Lahat puwedeng magsalita sa mikropono, bibigyan ka ng ilang minuto para magsalita kung ano ang gusto mong sabihin tungkol sa komiks. Papakinggan ito ng lahat. Pagkatapos ay tatanungin ka sa mga pinagsasabi mo. Nakakita na ba kayo ng eksena sa Congress at Senate na nagsisigawan ang mga pulitiko? Ganu’n ang mangyayari sa Kongreso bukas.

Well, hindi naman siguro aabot sa ganoong sigawan. May kaunting kabaitan pa naman tayo.

Kaya kung sanay kayong pumunta sa conventions, seminars at workshops ng komiks, hindi po ito ang mangyayari sa Kongreso. Ito ay battleground!

4 Comments:

At Monday, February 26, 2007 12:46:00 PM, Blogger Jon said...

Hindi naman siguro aabot ang aksyon sa level ng Ultimate Fighting Championship ("Let's get it on!"). But as I read and hear it, mukhang maraming sasabihin ang new gen sa Kongreso na ito. Sana makatakas ako bukas sa trabaho at maka-attend ako.
Here's hoping for the best for tomorrow's Komiks Congress!

 
At Monday, February 26, 2007 3:02:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Yeah sana makarating. Gusto nga namin mas maraming tao, mas maganda.

Re:your komiks, nakipagdebate pa ako sa board kung dapat bang maglaga ng mga indie komiks doon sa exhibit. Hindi nila ako pinagbigyan. Ang gusto daw kasi nilang makita ay artworks mismo para daw madala sa next level ang art ng komiks. Ayaw nilang mag-accpet ng published na dahil daw baka magmukhang convention. Pero pipilitin ko pa ring magkaroon ng table sa araw ng congress para maidespley doon ang ibang gawa. Kahit siguro doon na lang sa entrance ng auditorium.
Magkakaroon pa ng maraming exhibit, may nakaset na kaagad sa UP at PLM, dapat makasama na kayong lahat.

 
At Monday, February 26, 2007 3:57:00 PM, Blogger Jon said...

Sure, OK lang.

 
At Tuesday, February 27, 2007 4:55:00 PM, Blogger derrick macutay said...

Nakow.pacencya na at nde kami nakarating ng aking kasamang editor at writer sa wikang pilipino...si Ginoong Rogelio G. Mangahas. Natambakan na kami ng gawain at si Ka Roger nmn ay masama ang pakiramdam.

NApanood ko un interbyu nun sunday at kagabi.Naibanggit ko din kanila Rey at Elmo,aywan ko lang kung nakapanood din sila. Napakabilis pala talagang magsalita ni komisyoner Joe LAd SAntos...e lao na si pereng Mar. Putsa ilang miles per hour un?....napakabilis magsalita,d ko n nainitindihan un iba hehehhehehhe.

WEll pareng Randy ganun talaga sa mundo ng mga algad ng sining..d mawawala ang manipis n linya sa pagitan natin, gap ika nga. D mo masisis un iba dahil sa maraming dahilan. may mga artist na di makrelate...ayaw nang makihalubilo...ayaw ng makisama...hanggang duon na lang sila...tinatamad...techno phobiac...social differences..estado sa buhay..etc.

At least marami p ding alagad ng sining ang nagpupursigi na maiaangat ang antas nga kanilang estado ,pagiisip at talento. At laong lao na na maiaangat muli ang industriya na kanilang kinamulatan at natutuhan ng mahalin sa napakahaba at napaikling panahon. Ang in industriya ng komiks ay napakalayo pa ng dapt na kanyang lakbayin, sama sama nating iaangat itong muli.

"Ang mga mangaggawa ay nakahanda na, at ang lupa ay hindi baog."

Salud! Sa husay at sipag ng mga alagad ng sining! Mabuhay ang Komiks!

 

Post a Comment

<< Home