MGA EKSENA SA KONGRESO
Masyadong mataas ang expectations ng maraming tao sa darating ng Kongreso ng Komiks. Sa nakikita ko, dahil ang mga komiks creators ngayon ay agresibo at marunong nang tumingin ng mga sitwasyon, hindi na nakapagtataka na mag-stand out ang 'new generation' kapag nagsimula na ang open forum para sa komiks (hindi ito sa pagyayabang, ikinumpara ko ito sa mga nakaraang meeting at sa mga binibitiwang salita sa mga forums at blogs dito sa internet).
Bilang isang 'new gen creator', marami akong natutunan sa past industry ng komiks. Pero proud din akong sabihin na marami rin silang matututunan sa generation namin ngayon. Nag-evolved na ang buhay ng tao (natural na pati ang industry) at marami nang dapat tingnan ngayon kung hinahangad ng Komisyon ng Wikang Filipino, NCCA, Filipino Institute of Komiks Arts and Sciences, na maglabas ulit ng komiks ngayon (kung hindi man pasiglahin ang industriya--na isang mahirap na gawain).
Ako ang magpi-presenta ng maikling kasaysayan ng komiks sa Pilipinas sa Powerpoint presentation sa darating na Kongreso ng Komiks. Bilang isang 'modernong manlilikha ng komiks' na galing sa 'tradisyunal na publications ng komiks', gusto kong masiguro na ang bawat generation ay magkaroon ng partisipasyon sa pagtalakay na gagawin ko.
Bagama't ang program na inilaan para sa akin ay para ipakita lamang ang 'highlights' ng history ng komiks sa Pilipinas, pero hindi maalis sa isip ko na lumihis ng kaunti sa paksa. Gusto kong magbitaw ng maraming hamon sa lahat ng dadalo sa Kongreso. At sana ang mga hamong ito ay magkaroon ng malalim na talakayan.
Sa mga nakaraang meeting ng board ng Kongreso, kalimitang nauuwi ang usapan sa kuwentuhan ng mga nakaraang buhay nila sa komiks, which is nakakatuwa namang pakinggan kapag beterano na ang nagkuwento. Sa araw ng Kongreso, maraming kabataan ang pipiga sa lahat ng issues tungkol sa komiks.
Samantala, habang pinaghahandaan ko ang event na ito, hindi puwedeng pabayaan pa rin ang trabaho. Habang nag-iisip ako tungkol sa komiks ng Pilipino, lahat naman ng gawa ko ngayon ay para sa Amerkano. Weird, 'no?
Well, isa 'yun sa paksang isisingit ko...ang 'talent fee' ng artist at ang 'praktikalidad ng buhay'.
Nitong mga nakaraang meeting ng board, ang dami kong nakikitang nagpapakabayani para sa Kongreso ng Komiks o sa komiks mismo. Naalala ko ang isang kasabihan, 'A nation of heroes is a nation in trouble'. Malaki ang problema ng komiks. Hindi ito kayang i-solve ng Kongreso. Pupunta ako sa Kongreso hindi para i-solve ang problema. Pupunta ako doon, para bigyan ko pa sila ng mas marami pang problema.
Now, back to the drawing board...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home