ANG MGA NAPAG-ARALAN, PINAG-AARALAN AT PAG-AARALAN SA UNANG KONGRESO NG KOMIKS
Okay, marami nang naghihintay nito…
EXTERNAL
Successful ang nakaraang Kongreso ng Komiks in terms of giving informations to the public na may tao (o mga tao) na gustong pasiglahin ulit ang komiks natin. For the past few weeks, binaha ang kung anu-anong diyaryo (People’s Journal, People’s Tonight, Inquirer, Manila Bulletin, at mga tabloids) ng mga patalastas tungkol sa gaganaping Kongreso at sa pagbubuhay ng komiks.
Two days na magkasunod kaming lumabas sa tv interview. After ng Kongreso, ibinalita pa sa kung saan-saang channels at shows ang tungkol dito.
World ito ng celebrities at mga taong marunong maglaro sa power ng media. What do you expect? Celebrities sina Carlo Caparas, Donna Villa, at mga prominenteng tao sina Cecille Alvarez, Sen. Heherson Alvarez, Manoling Morato, Don Alejandro Roces, etc. Lahat ng mga taong ito ay nasa likod ng Kongreso ng Komiks.
Binaha ako ng text at emails ng mga kakilala tungkol sa sa event na ito. Meron pang isang nag-text: Hayup ka sikat ka na! Dati nangungutang ka lang sa ‘kin ng pamasahe ngayon di ka na ma-reach.
Dahil sa media blast na ito, maraming tao tuloy ang nag-aabang…at UMAASA…na muling mabubuhay ang komiks sa Pilipinas.
Kaya darating tayo sa punto ng…
INTERNAL
Sa kabubuntot ko at kaa-attend ng meeting para sa event na ito, marami akong obserbasyon. Natutunan ko kung paano maglaro ang mga tao. Inaalam ko individually kung ano ang purpose (o hidden agenda) ng mga taong involve para sa event na ito.
Una kong pinag-aralan si Loren Banag. Publisher ng komiks at iba pang prints, at potential na maglabas ulit ng komiks para sa atin. Nagbigay siya ng pera sa mga atists na sumali sa exhibit galing sa sarili niyang bulsa. Pero ang lagi niyang sinasabi, lalo na kay Joelad Santos na isang may katungkulan sa gobyerno, na suportahan siya (Mr. Banag) ng gobyerno para maglabas ulit siya ng komiks. Binabasa ko sa kanyang pananalita na mukhang hindi siya maglalabas ng komiks hangga’t hindi siya tutulungan ng gobyerno. Marami na siyang experiences sa publication ng komiks. Ayaw na niyang sumugal sa isang produktong hindi siya kikita. Sa businessman’s point of view, totoo naman talaga ito.
Ikalawa kong pinag-aralan si Joelad Santos. This man is a hero! Wala akong masabi. Nadagdagan ng isang tao ang mga iginagalang ko sa komiks. Kesihodang umuwi ng madaling araw, magbuhat ng mabibigat, sermunan ni Mrs. Alvarez, at asar-asarin ni Mr. Morato ay nakangiti pa rin na parang walang kapaguran. Dapat si Joelad ang gawing model ng Enervon vitamins! But inside of my head, naglalaro ang isang tanong. Ngayong humahawak ng mataas na katungkulan si Joelad sa gobyerno, ano ang purpose niya sa event na ito? Itinayo niya ang Philippine Komiks Institute of Arts and Sciences noong 1975 (na napabayaan at ngayon lang ulit lumabas ang pangalang ito). Malaki ang naging papel niya sa komiks noong araw as editor-in-chief.
Nasagot ang tanong ko nang lumitaw sa eksena si Dr. Ricardo Nolasco, ang head ng Komisyon sa Wikang Filipino. Sa pagkakaalam ko, under ng NCCA ang KWF. Milyones ang ipinapasok na budget ng gobyerno para sa NCCA para magkaroon ng projects patungkol sa culture and arts. Isa sa nabitiwang salita ni Mrs. Alvarez sa Kongreso ay ito: “Dapat silang magtrabaho at gumawa ng mga proyekto dahil may budget na nakalaan sa kanila (KWF).”
Sa madaling salita, use the money para hindi makuwestyon in the future. Kaya nga meron silang mga pa-contest sa poetry at iba pang activities na involved ang wikang Filipino.
Si Joelad ay taga-KWF, kabisado niya ang mundo ang komiks. At isa sa pinakapamilyar na maiaambag na maging project ng KWF ay pag-aralan nga ulit itong komiks kung paano mai-incorporate sa mga projects na kanilang gagawin.
Dito pumasok ang iniisip niyang Kongreso ng Komiks.
At dito na pumasok si Carlo J. Caparas. Ang isa sa magandang paraan na naisip ni Joelad para lumawak ang impormasyon na kanyang binabalak ay ang kumontak ng mga tagakomiks (na sikat) para makatulong sa project na ito. Kapag hinawakan nga naman ito ng KWF lang (solo lang sila), baka naman magmukahg ‘academe’ ang dating ng pagbibigay ng impormasyon sa komiks.
At dahil nga komiks, dapat ay isang impormasyon na malalaman ng marami. At ang makapagbibigay nito, ang kilalang direktor sa pelikula at dating tagakomiks na si Carlo Caparas. Tanggapin natin ang katotohanan, malaking pangalan si Carlo Caparas sa mundo ng entertainment sa Pilipinas.
Nang unang dumating sa meeting si Direk Caparas, nakita ko sa mukha niya ang pananabik at saya nang makita niya ulit ang mga dating kasamahan sa komiks. Sa pagnanais na makatulong hindi lang sa Kongreso kundi sa komiks mismo, nagbigay siya ng pera para sa isang contest. Pagpapatimpalak ng komiks galing sa sariling bulsa at sa asawang si Donna Villa.
Iba ang mundo ng showbiz na hindi tayo gaanong aware. You have to play with media people, kailangan may mai-project ka sa camera na ma-prinsipyo kang tao at nais mong tumulong, kailangan mong komunekta sa mga maimpluwensyang tao para mag-survive sa ‘show’ industry na ito. Sinabi kong ‘show’ dahil ang mga taong laging lumalabas sa tv—mga pulitiko at artista ay may imahe na iniingatan. Hindi ka puwedeng hindi ngingiti kapag may nakaharap na camera. O kaya makikipagkamay kapag may taong gustong kumausap sa iyo.
Kaya bago pa man ang Kongreso ng Komiks, naglabasan na sa kung saan-saan ang mga promo at press release para sa event na ito. At after din ng event, lalo pang dumami ang press release. Ang pagpirma ng tseke ni Donna Villa, ang planong pag-iikot nila sa buong Pilipinas, ang biro ni Donna Villa na handa siyang magpaa kung sakaling aakyat ng bundok para lang maikalat ang impormasyon tungkol sa komiks, ang pagpunta sa Malakanyang para sa awards, ang picture takings, kuha dito, kuha doon, pose dito, pose doon.
Iyan ang mundo ng mga public figures tulad nila. Hindi nila ito kasalanan. Ganyan talaga ang kalakaran sa mundo nila. You have to play with it.
NARITO NA ANG PROBLEMA
Alam ko na ang mga larong itinatakbo ng mga meetings kaya kinapalan ko na ang mukha ko na magkaroon ng Powerpoint presentation. Na-foresee ko kaagad ang tungkol sa media hype na ito. At iyon ang sinamantala ko para magkaroon ng dramatic entrance ng gusto kong sabihin sa Kongreso.
I have my own agenda. Which is I-educate ang mga lahat ng makakapanood sa presentation ko, partikular na ang mga organizers (Joelad at Caparas) kung ano ang tunay na kalagayan ng komiks sa kasalukuyan.
Nagtagumpay ako, sa tingin ko.
Nang magsalita si Joelad after ng presentation ko, nag-iba ang kanyang tono. In fact, nag-iba ang aura ng buong auditorium hall. Nakita kasi nila ang problema. Ito ang sabi ko:
“Gusto kong ipagdiinan na wala nang interes gumawa ang mga batang creators dito sa Pilipinas. Unang problema, wala namang publisher dito. Saan ka gagawa para mabuhay ka at iyong pamilya? Ikalawang problema, mas malaki ang bayad sa abroad, 50 times higher, sabi ko pa.”
Nang muling magsalita si Direk Caparas, iba na rin ang kayang tono: “Hindi namin kayang I-revive ang komiks industry. Hindi iyan kaya ng isang tao. Narito ako para pasiglahin kayo sa contest na balak ko. Nagpa-contest ako para makita ko kung gaano kayo kagagaling gumawa para malaman natin kung dapat pa ngang tangkilikin ang komiks. Para kapag nakakuha tayo ng potential publishers ay hindi naman ako mapapahiya na mai-presenta ang mga gawa ninyo.”
Sa sinabi niyang ito, nalinawan ako.
Nagsalita din siya sa harap ni Mr. Deo Alvarez, General Manager ng Atlas Publication: “Mr. Alvarez, isang araw ay magkikita tayo dahil hawak pa ninyo ang karapatan sa Pilipino Komiks, Hiwaga Komiks, Special Komiks, at iba pa.”
Tinitingnan ko ang sinabi niyang ito. May balak siyang kunin sa Atlas ang mga titulong ito ng komiks.
Ayon din kay Donna Villa sa interview namin sa TV, ilang movie producers na ang kinausap niya para pag-aralan ang business ng komiks. Kung may kakagat sa offer niyang ito, panahon na lang ang makakaalam.
Marami pang gustong magsalita sa Kongreso ng Komiks. Pero maraming hindi napagbigyan dahil sa igsi ng oras. Kaya magkakaroon ng second session sa March 23 (Friday).
Napakarami pang problema na dapat harapin. Ang Kongreso ay usapan lamang. Hindi ito ‘sumbungan ng bayan’ na kaagad-agad ay makikita kaagad ang kasagutan. Kailangan nating maghintay.
Mabuti na lang ay mismong si Direk Caparas ang nag-nominate sa akin para makabilang sa ‘sectoral’ representative ng komiks. Wala akong pakialam kung sino ang mga opisyal at mga posisyon nila sa Kongreso, ang mahalaga ay nakapasok ako. Magiging bantay ako ng mga susunod na hakbang ng grupo.
In the meantime, payo ko sa lahat, huwag mag-expect sa Kongreso na parang dumating na si Hesu-Kristo. Ang Kongreso ay unang hakbang. Ito ay bahagi ng proseso. Hindi pa ito ang solusyon.
Tingnan ninyo ako, tumanggap ako ng isang project para sa pulitiko heheheh. Para may pera naman ako pambili ng Jollibee.
Ang Powerpoint presentation ko noong araw ng Kongreso sa Komiks.
TV guesting sa Dial M. Ako, Mario Macalindong, Alfredo Alcala's nephew, Sec. Cecille Guidote-Alvarez, Donna Villa, Direk Carlo J. Caparas, Alfredo Alcala Jr., Joelad Santos, (seated) Manoling Morato at Maggie dela Riva.
Salamat kina Azrael Coladilla at Alfredo Alcala Jr. sa mga litrato.
*******
4 Comments:
Sige hintay na lang ako ng next meeting and I'll do my best to attend. At least nasa secretariat ka at malaking tulong na magagawa mo.
Kamusta ang luncheon sa malacañang? I hope ok ang lahat. Good day!
"and my eyes were wide open, and my brain suddenly grown millions of eyes so that my heart can see clearly what lies beyond"
hehhhehhehe wala lang naisip ko lang hehheh.....you experienced a rude awakening tol! welcome tol to the other side and the other side of politiks! Nakita mo kung paano magpaikot ikot ang sitwasyon..ang mga tao..ang mga isyu...Marami na akaming na experience ni utol na ganyan. Some people do..hinde nmn lahat, but almost always meron hidden agendang mangyayari at mangyayari. May laman un ibang usapin.meron nmng wala.
Ang point ko sana nag kongress na ito ay maglabas ng TUNAY at DALISAY na adhikain ng nakararami,ang makita unti unting mabuhay ang industriyang ito. Hindi man ngayon kundi sa kinabukasan..ng walang halong pagiimbot at makasariling interest ng iba. Lahat na yata ng bagay dito sa atin ay hinaluan na ng politika..tsk tsk tsk. Natawa ako sa reaksyon ni Manoling sa sinabi mo last monday. Aloof p rin sila sa tunay na isyu, nasasaktan sila pag may nasaling kang isyu tungkol sa kanila o sa mundong kanilang ginagalawan.
Ganun talaga ang showbiz randy, napansin mo ba si----- kung paano magmura off camera? O si---------habang panay ang papogi off camera? O si---------habang nakatingin sa mga guest at dancers? O si---------habang pinaguusapan ang politka at paano sila makakakubra? Mga bagay na di nakikita ng kanmera at ng masa pero nakikita ng dalawang mata mo? Rude awakening d b? Matagal na kaming gising..mas marami pa rin ang tulog hehehehhe
Inom na lang tayo!
Jon-
Okay naman sa Malakanyang. Busog hehehe, sarap ng pagkain. Ang pinakamaganda dun, nakita ko ang original painting ni Juan Luna, nalula ako ng husto. Nakita ko rin ang mural painting ni Botong Francisco, nalaman ko na isa pala si Mang Ernie Patricio na nag-restore nun. Kasabay din namin na binigyan ng awards ang Mr. & Ms. Universe, seksi nung tsiks heheheh. Dapat pagkuha nya ng award, bigla siyang nag-bikini hahaah.
Derrick-
Dilat na ba ang mata mo? Baka naman sa kaboboso? hahaha. Sayang wala ka, hinihintay ka pa naman ng lahat. Next time sana dumating ka, sama mo sina Rey, Elmo at Meng.
heehheheh kakaboso sa likod...likod ng sitwasyon ng pinas at sa politikang kanyang ginagalawan....pero kasama n din un kapitbahay namin hehheheh. honga e d rin pala nakarating sila rey.elmo,meng fei,meyo. try ko isama si toti sa march.grupo ng anak ni Ka Tomas Bernardo ang mga restorer ng mga historical paintings sa malaknyang, sayang lang at sinira ng mga tao un malaking mural ni botong duon at ni amadeo manalad..lost to the mob ika nga. May gagagwin akong mural din dun,ala pa date para umpisahan...abangan ang susunod na kabanta ta ta ta (echo,alingawngaw).Abangan namin 2nd part ng komiks kongress. More power!
Post a Comment
<< Home