Thursday, March 08, 2007

ART GROUP AND THE PALACE


Maging sa ibang bansa ay hindi mapigil ang creativity ng Pinoy. Isang bagong grupo na naman bukod sa Guhit Pinoy ang itinayo ng mga artists sa Kuwait. Ito ang ADHIKA na sa kasalukuyan ay binubuo pa lang ng limang tao. Kasama dito ang aking classmate sa Architecture na si Everlito Villacruz. Nakatakda silang magkaroon ng major exhibit ngayong taon na ito sa Kuwait mismo. Mabuhay kayo, mga kabayan!

Ito naman ang kuha namin sa Malakanyang kung saan pinarangalan ng pangulo ang mga naging personalidad ng komiks tulad nina Don Emilio Yap (publisher of Liwayway), Antonio Velasquez (father of Filipino komiks), Francisco Coching (dean of Phillipine komiks), Mars Ravelo, Larry Alcala at Carlo J. Caparas.



10 Comments:

At Thursday, March 08, 2007 2:16:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Si Carlo ang Alan Moore ng Pilipinas, hindi nag-aahit at nag-aalis ng sumbrero at shades. For life yan hahahaha.

 
At Friday, March 09, 2007 12:32:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Actually, kung titingnan natin ang photo, hindi lang si Caparas ang may baseball cap, si LOFAMIA rin, na siyang gaganap na ATONG GRASA sa LUNETA sa film version ng DIOSA HUBADERA. Dalawa silang Allan Moore ng Pilipinas. Hindi kaya na-OFFEND si MRS. ARROYO sa ganito?

 
At Friday, March 09, 2007 3:26:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

O nga no, pati pala si Jun Lofamia. Dapat ang mga ito e pinalabas ng guard hahaha. Nung nasa komiks ka ba dati, ganyan na ang hitsura ni Carlo C. o nag-ganyan lang sya ng image nung mapasok sa pelikula? Ano ba ang hitrusa nya nung editor pa sya?

 
At Saturday, March 10, 2007 10:01:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Walang sumbrero at maikli ang buhok.
At higit sa lahat... HINDI SHOWBIZ ang dating.
With that kind of attire, he is calling attention to himself, don't you think? I don't think
it's appropriate to be donning such attire when the event is very formal.
It's just not...well... NOT right. Is it?

 
At Saturday, March 10, 2007 10:09:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Naisip ko para palang mascot si Caparas. Hindi puwedeng hindi siya lalabas na suot ang 'costume' niya hahaha.

Yan ang totoong 'image'. Iisa ang 'costume'.

 
At Saturday, March 10, 2007 1:25:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Sana, lubus-lubusin na. Kung si BARETTA ay may ibon sa balikat, Si Cancer Man ng X-Files at may nakasungangang sigarilyo, si Telly Savalas naman ay nakatabako, Maglagay naman kaya ng sawa sa kanyang balikat si Caparas? Magandang imahe iyon, PHALLUS. Symbol of Fertility. He-he.
Machong-macho talaga.

 
At Sunday, March 11, 2007 6:01:00 PM, Blogger dibuho at espasyo said...

salamat pre!

sa pag post..send ko yung ibang gaganapin para sa art exhibit..

kasama nmin d2 c jojo cabrera,anak ng national artist ntin dyan CABRERA..tiyo nya c ben cab..:)

congrats din sa presentation mo..

mabuhay ka!!!

 
At Sunday, March 11, 2007 7:36:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Cool! Ipadala mo sa kin ang mga pics or iba pang details ng exhibit nyo para mai-feature ko dito.

 
At Sunday, March 11, 2007 11:44:00 PM, Blogger Bluepen said...

titigan nyong mabuti ang picture... simulan nyo sa gitna... tapos pansinin nyo kung cno yung malakas ang dating na nang aagaw ng focus... Yan ang astig!

ahehehe FAFAhhhhh!!!

Randy Boy try mo baka pwede pang magpalista bilang congressman...

Toink!

 
At Tuesday, March 13, 2007 2:22:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Para ngang ang laki ko sa picture> Kasinglaki ko si Joelad Santos?

 

Post a Comment

<< Home