KOMIKS CARAVAN
Marami pa ring nagtatanong sa akin kung kailan ba talaga gagawin ang 2nd session ng Kongreso ng Komiks. Nahihiya ako dahil kahit ako ay hindi ko alam kung kailan o kung tuloy pa ba ito.
Malaki ang expectation ng maraming nagku-komiks sa Kongreso ngunit parang pagkatapos nito ay parang wala nang balita kung ano na ba ang nangyayari. Ang totoo niyan ay may kani-kaniya nang programa ang mga tao ngayon na kabilang sa bumubuo ng Kongreso ng Komiks.
Ang programa ni Carlo Caparas ay libutin ang mga eskuwelahan at munisipalidad at magpa-contest sa mga estudyante tungkol sa scriptwriting at drawing. Ngayong araw na ito, papunta sila sa Meycauayan, Bulacan kasama sina Joelad Santos at ilan pang opisyal.
Sa darating na Abril, maglilibot naman ang iba pang grupo sa Visayas, hawak naman ito ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamumuno ni Dr. Nolasco. Pakiramdamam ko, hindi ito under ng proyekto ni Joelad Santos kundi kay Dr. Nolasco mismo.
Napakahirap buuin ng isang organisasyon kapag mayroon kayong iba’t ibang agenda. Nakita ko ito noong mag-meeting kami last week, kasama ang mga writers at illustrators, na dinaluhan din nina Joelad Santos. Minabuti ko na lang manahimik sa mga isyu, kung kukunin nila akong opisyal ay okey lang sa akin, kung hindi naman ay okey lang din.
Sa mga nakapaligid sa Kongreso ng Komiks, nakita ang dalawang klase ng tao na may magkahiwalay na plano para sa komiks. Ang una ay ang mga short-term planners. Sila iyong mga taong ang gusto ay maglabas kaagad ng komiks para magkaroon kaagad sila ng instant pera.
Ang ikalawa ay ang mga long-term planners. Isang officer ang may balak na habang ginagawa ang Caravan ay kasama na ang proposal sa mga municipalities at lugar para magkaroon doon ng distribution network kung sakaling may lalabas na komiks galing sa Maynila.
Isang representative ng malaking publisher ang dumalo sa aming meeting noong nakaraan at nagsabi na maglalabas sila ng 4 na titles ng komiks. Naglatag siya ng mga isyu para sa long-term na pagpa-publish ng komiks, halimbawa ay ang pagkakaroon ng line of books na puro graphic novels, at ang pagsasalin nito sa electronic media. Maganda ang mga plano, pero binara lang ng isang beteranong illustrator, “Marami pang paliguy-ligoy, kukunin mo ba kami?”
Maging ang Komiks Caravan ay may isyu sa pagitan ng organizer at ng mga komiks creators. Pinagtatalunan kung ano ba ang mahalaga sa Caravan, iyung ibabayad sa writer at artist na magtuturo o iyung advocacy na magbigay ng awareness sa mga tao?
Mahirap I-organize ang mga tao. Dapat ay kailangan munang ma-organize ang isip ng bawat isa. Kasama ako sa mga long-term planners para sa komiks. Narito ang mga isyu na gusto kong pagtuunan ng pansin:
1. Makapagbuo ng isang solid na samahan ng mga propesyunal na manlilikha ng komiks para sa projects na:
-a. Magbigay ng seminars at workshops para sa mga bata at baguhang gustong pumasok sa linyang ito.
-b. Makapagbuo ng team na makakagawa ng magandang produkto na puwedeng mai-propose o makahanap ng publisher/s.
2. Magkaroon ng library ng komiks. Maalagaan ang mga lumang materyales (printed komiks at mga artworks).
3. Alagaan ang karapatan ng mga gumagawa ng komiks.
4. Magkaroon ng mga taong ang linya ng pag-aaral ay tungkol sa komiks ng Pilipino (researchers, theorists, writers, speakers, etc.) para maging representative sa kahit anong gathering o okasyon.
Para sa iba, napaka-idealistic ng plano kong ito. Pero kung hindi ko ito sisimulan sa isip, hindi ito mangyayari. Matutupad ito kung may kapareho akong mga tao na ganito rin ang vision. Pero ngayong ‘sabog’ ang isip ng marami, lalo na iyong mga capable maglabas ng pera at influential, mahirap mangyari ito ngayon.
Saludo ako sa mga independent publishers sa panahong ito. Habang abala ang mga opisyal at mga may pera na gumawa ng kani-kanilang agenda para sa industriya ng komiks, kayo naman ay tuloy lang sa pagpa-publish ng komiks. Pinakamahalaga ang produkto sa lahat.
May plano akong magsarili na lang sa mga agenda ko. Parang hindi na ako komportable pang umasa sa mga organizers at may pera/power although kasama pa rin ako sa kanilang mga proyekto. Mas matutupad pa siguro kung ako na mismo ang kikilos para sa sarili ko.
Natapos ko na ang course outline para sa Tesda, ang problema ko ay kung ipapakita ko pa ba ito sa grupo o dapat pa ba akong sumangguni sa kung kani-kaninong Pontio Pilato. Mas magandang idirekta ko na itong ipakita sa Tesda mismo. Ang niri-represents ko lang dito ay ang sarili ko at ang komiks. Wala nang backer o kung sinumang mga pulitiko at known personalities. Just plain course outline para sa gustong gumawa ng komiks, isang kursong magtuturo sa mga estudyante kung paano mahalin ang komiks at hindi lang para kumita ako. Kasi kung kita lang ang gusto ko, puwede ko nang kalimutan ang lahat ng ito at tumutok na lang sa mga drawing projects ko na kikita ako ng malaki.
******
Natanggap ko na ang huling sulat sa akin ng Visionary Comics Studio, natapos na rin sa wakas ang Headlocked. Hihintayin ko na lang ngayon na matapos ang colorist para maibigay na sa printer. Mga ilang buwan ay mag-aanounce na ang studio kung kailan ito magiging available sa market.

Out na sa market ang Slambang #2 ng Fan-Atic Press kung saan mababasa sa loob ang story and art ko na ‘Silence Means Yes’ na inilabas ko dito noong mga nakaraang buwan. Maari na kayong umorder ngayon. Hinihintay ko na lang ang complimentary copies ko na dumating.
Malapit na rin ang April at lalabas na rin ang The Malay Mysteries #4 ng Shoto Press kung saan ako ang gumawa ng kalahati (50 pages) ng graphic novel na ito. Maari nang mag-pre order ngayon. Sa lahat ng indie na ginawa ko, ito ang maipagmamalaki ko ang kuwento.
Mawawala ako ng mahigit isang linggo sa pagpasok ng April. Magtitika ako ng mga kasalanan ko sa probinsya, puro drawing muna ang aasikasuhin ko doon at wala munang internet. Kailangan kong gawin iyon para matapos na kaagad ang mga trabaho. Dahil pagbalik ko, itong Komiks Caravan naman ang aasikasuhin ko. Narito ang mga schedules na ibinigay ng Komisyon sa Wikang Filipino, kaya kung narito kayo sa mga probinsyang ito, ilagay na ninyo ito sa kalendaryo:
April 24-25................. Cebu
April 26- 27.................. Iloilo
April 28-29.................. Bacolod (Hindi pa sigurado ito dahil maghihintay pa sa resulta ng Guhit Pinoy, sila ang co-organizer dito.)
April 30- May 1............ Davao
May 2- 3 .................... Cagayan de Oro
May 4- 5..................... Baguio
May 6- 7..................... Bicol
May 8- 9 .....................Pampanga
9 Comments:
Ayun! nde ako nag iisa, ahehehe... Nakakatuwang isipin at may plano kang ganyan. Ewan ko lang kung masasabi mong magkaparehas tayo ng iniisip. Maski man ako, simula ng mapag aralan ko ang komiks at nakita ko ang potential nito na talagang makaka tulong sa mga kabataan na mahilig sa komiks at manga.
Naisipan ko na, kapag nagkaroon lang ako ng budget, mag bubukas ako ng workshop dito sa Tacloban City na kung saan ituturo ko sa kanila kung ano ang komiks, kung pano gawin at ma ehance ang skills nila, nde lang yun ituturo ko din sa kanila kung pano kumita, lalo na sa labas ng bansa incase na wala talagang publisher na kumuha sa kanila dito sa pinas.
Nasubukan ko nang mag workshop at ito ay ang Basic Animation workshop. Natuwa ako dahil nde ko akalain na sa pag post ko ng Poster sa door ng Internet cafe ko dati at may magkaka interest. Nagkaroon ako ng 6 students.
Apat sa High School level (Dalawang 2nd year, isang 3rd year,isang 4th year)
Isa naman sa College level, 3rd year kumukuha ng Fineart course sa Cebu City.
Isa naman sa Veteran Level (cute)
Isa syang veteranong artist dito sa tacloban, nagtuturo din sya tungkol sa art, pero nde sa comics, more on traditional at advertising design ang linya nya, nde ko lang alam kung nasa UEA parin sya ngayon.
Kaya ko naman ito na ikwento dahil dito animation workshop na ito ako nag simula bago ko pasukin ang komiks at dahil sa naging success ang pag self study ko sa komiks gusto kong ituro naman ang tungkol sa komiks, yun nga lang kailangan talaga ng budget para dito. Kailangan talaga meron magsisimula ng proyektong tulad nito, maraming kabataan ang nagkaka interest na gustong matuto pero walang mapupuntahan kung pano nila malalaman ito.
Pero kung sa kwento mo na parang nag ka kanya kanya sila ng plano. Sa tingin ko malabo ang komik congress na yan.
Pero ako Randy, itutuloy ko parin ang plano ko sa komiks workshop, budget lang talaga ang kulang ko.
Masaya kasi ang komiks! weeee...
Sige kumpadre de dos! Ituloy mo yang balak mo at itutuloy ko balak ko balang alang! toink!
Sana meron mayaman na mag donate para sa proyektong ito! toink! ahehehe
Waaahhh! parang ang gulo ng comment ko. Walang hinto, tuloy tuloy at puro ITO, KO at NITO. Buti nalang nde ako naging si ATOY KO. ahehehe sensya na sa comments ko, niratrat ko ang pag comments kaya walang hinto hinto sabay post... ahehehe
ask ko lang po kailan ung sa Pampanga..sobrang natuwa po ako ng nabasa ko ung Pampanga...gusto ko po kasi malaman if may mag tao sa probinsiya namin na may pagpapahalaga sa komiks at gusto ko po talagang pumunta para makilala kayo ng personal..sana po sagutin nyo po..salamat po.
Bluepen-
Pwede ka namang magpa-workshop na hindi ka gagastos. Kung meron kang makukuhang venue na libre, puwede na yun. Ang kailangan mo lang ay mag-announce dyan sa lugar ninyo. Maglagay ka kahit mga xerox lang ng poster para sa workshop, ikalat mo lang sa kung saan-saan.
Edward-
May 8-9 ang target schedule namin. Pero wala pang venue kung saan gagawin. Mag-aanounce ulit ako dito kung saan ito gaganapin.
Bigla na lang palang lumabo ang mga plano.
Bakit kaya sa ating bansa, hindi mawala yung tayo-tayo, sila-sila.
Saludo rin ako sa mga independent publishers, at Kay KC Cordero sa ginawa niyang paglabas uli ng komiks.
May posibildad itong lumago at lumawak ang popularidad na hindi na kinakailangan ang presence ng isang ex-starlet sa tagalog films, o mga nagtatrabaho sa Malacañang. Parang lumalabas tuloy ngayon, na ang maliit na halagang ipinagkaloob sa mga beteranong komikeros ay kabayaran sa additional votes ng kung sinong pointio pilato ang nangangailangan nito.
Ginamit lang kaya ang mga walang malay na mga old komikeros?
Sayang, hindi mo isinulat kung ano ang ITINUGON doon sa isang beterano na nagtanong ng: "Kukunin n'yo ba kami o hindi?"
Parang serial komiks noong unang panahong bata pa si Sabel, kung hindi
ITUTULOY
ay
DURUGTUNGAN
ang susunod na kabanata.
Masarap din sanang malaman bilang mambabasa sa blog na ito, kung sino ba ang PRANGKA at MATAPANG na illustrator na ito na nagsalita nang ganito. Hindi ko rin masisi yung tao. Para nga namang LARU-LARUAN lamang ang naganap na kongreso.
- Padre Taurus Warrior, ATLAS, GASI, REX, LIWAYWAY.
Pahabol: Bluepen, astig coloring mo. Isa ka sa the best, kung hindi man ang the best. Congratulations.
Supporter pa rin naman ako ng kahit sino sa kanila, kahit magkanya-kanya sila. Pwede akong mag-attend kahit ano pa ang mga kanilang mga miting at plataporma. Pero ako sa sarili ko, meron na akong mga naka-line up na gagawin, hindi ko na sila hihintayin pa.
Gusto mong malaman kung sino yung illustrator na malakas ang loob na nagtanong? Katukayo mo hehhe. Si Jomari Moncal. Siguro naiinip na rin siya sa resulta ng Kongreso, naghihintay na siya na makapag-drawing ulit.
Hmmm, outspoken din pala siya. Mabuti iyon para malaman ng lahat kung ano ang nasa sa loob nila.
Yes, it's a good idea for you to MOVE ON. Nag-invest ka na ng maraming oras at pagsisikap para matupad ang kongreso. Kung hindi nila ito ipagpapatuloy, wala ka nang magagawa. Just make your own dollars :D
Sige balitaan mo na lang kami pag may ibang developments.
Good day!
Thanks, Jon.
Post a Comment
<< Home