Friday, March 30, 2007

FILIPINO KOMIKS WITH AN ‘F’

Nakatanggap ng sulat ang Risingstar Ent. galing sa abugado ng Atlas Publications dahil sa paggamit ng titulong ‘Filipino Komiks’. Binanggit sa sulat na ang pangalang ‘Pilipino Komiks’ ay pag-aari ng Atlas simula pa noong 1947.

Sa pagkakaintindi ko sa sulat ng Atlas, ang nakakapagpabahala sa kanila ay ang salitang ‘confusing the reading public’ dahil nga sa pagkakahawig ng ‘Filipino Komiks’ at ‘Pilipino Komiks’.

Okay, ipagpalagay na nating confusing nga. Pero pagbali-baligtarin man ang mundo, iba pa rin ang ‘F’ sa ‘P’. Wala itong pinagkaiba sa Pinoy Komiks (Pinoy is Pilipino rin naman), at sa Komix Pinoy, na ganoon pa rin naman ang ibig sabihin. I mean, laruin mo lang ang letra, rambulin mo ito at pagbali-baligtarin, iba na ang labas nito.

Si KC Cordero ang editor ng Filipino Komiks, dati siyang empleyado ng Atlas sa pamumuno ng yumaong si Mr. Tenorio. Sa pagmamahal ni Kuya KC sa industriya, kaya inilabas niya ang Filipino Komiks. Ang ginawa niyang ito ay hindi para sirain ang Atlas kundi mag-ambag sa industriya ng komiks na ngayon ay nakadapa pa rin.

Sa panahong ito na wala ni isa mang komiks na inilalabas ang Atlas, ano ang kontribusyon nila para sa industriya? Wala! Sige, inyong-inyo na ang titulong Pilipino Komiks, buhayin niyo, kung kaya niyo!

Sa panahong ito na ‘mapili’ na ang tao sa entertainment at kanilang binabasa, hindi lang basta title ang tinitingnan ngayon kundi ang CONTENT. Kahit pa ipangalandakan mo ngayon sa publiko na PILIPINO KOMIKS ang hawak mo pero kung ang laman sa loob ay kasing-tanda pa ni Lapu-lapu, at ang mga drawing at kuwento ay isinusuka na ng mambabasa, walang mangyayari sa produkto mo!

HINDI NA UUBRA NGAYON ANG STRATEGY NG LUMANG KOMIKS! MAG-EVOLVE NA KAYO!!!

May kutob ako na nakatawag ng pansin kay Mr. Alvarez (General Manager ng Atlas) ang titulong Filipino Komiks nang gawin ko ang Powerpoint Presentation noong Kongreso ng Komiks. Siguro hindi pa sila aware dito, at dahil naipakita ko nga, saka sila nag-react ng ganito.

Ang masakit dito, kung sakali bang maipatigil ninyo ang paglabas ng Filipino Komiks ay ilalabas ba ninyo ulit ang Pilipino Komiks? I’m sure na hindi rin naman! Sino ang mga contributors niyo? Mga taong kaya ninyong bayaran ng P75 per page ang drawing at P216 per story? At babayaran ninyo after publication na inaabot ng isang buwan mahigit?

Mapagmatyag na ang mga komiks people ngayon. Hindi gaya noong araw na halos dilaan ang mga tumbong ninyo dahil sa inyo lang umaasa. Ngayon hindi na kayo puwedeng kumontrol dahil nagkalat na sa mga komiks people ang trabaho galing sa iba’t ibang kumpanya, local man o abroad.

Hindi ko pa alam kung ano ang magiging aksyon ng Risingstar sa isyung ito. Pero kung sakali mang I-pullout nila sa market ang Filipino Komiks at hindi na nila ulit ito gamitin, madali lang namang mag-isip ng bagong titulo—mas CREATIVE, mas MAGANDA, mas MALAMAN, at hindi na nakasandig sa pangalang Pilipino Komiks.

Ilang mga empleyado ng Atlas ang nagbabasa ng blog na ito, siguro magandang I-print ninyo ito at ibigay sa ‘head’ ninyo.

At para sa pamunuan ng Atlas, pupurihin ko kayo sa pagtatanggol ninyo sa Pilipino Komiks kung nakikita lang sana namin na pinapaangat ninyo ang industriya at kalidad ng komiks. Kaso hindi! Sinasayang lang ninyo ang malalaking printing machine, ang distribution networks, ang National bookstore branches. Bakit hindi ninyo kayang gawin ang strategy ng PsiCom, Precious Pages, Summit Media, at ilan pang matagumpay na publishing houses? May problema ba sa management? Well….

Siyanga pala, ano nga 'yung komiks ng Atlas na ginaya sa WITCH? CHARM BA 'YUN? AS IN TALAGANG GINAYA! Sukat at quality ng papel, presyo, coloring, pati 'yung artist nu'n na si Danny Lorica, sinabi sa akin na pati drawing ng Witch ay ipinagaya sa kanya.

Narito ang sulat na ibinigay ng abugado ng Atlas sa Risingstar, paki-klik lang para sa mas malaking image.


Susubaybayan ko ang isyung ito at ilalatag ko sa bumubuo ng Kongreso ng Komiks sa April 2 sa Malakanyang. Kukuha ako ng reaksyon sa mga tao.

4 Comments:

At Friday, March 30, 2007 8:49:00 PM, Blogger Bluepen said...

Grabe! pati ba naman yun! talagang magkaiba ang F sa P. Di kaya may bagong lalabas na Dictionary na ang F at P ay iisa ahehehe... Toink!

Cge Randy boy, tuloy mo yan, ipagtangol mo ang karapatan nating mga maka komiks!

 
At Monday, April 02, 2007 2:23:00 PM, Blogger jay_panti said...

About Risingstar Ent., i think baka makatanggap din sila ng demanda mula naman sa PSICOM, about dun sa pagkakagaya nila sa True Philippine Ghost Stories na ginawa naman nilang True Pinoy Ghost Stories.
Baguhin na lang kaya nila yung mga titles nila para walang poblema.

 
At Tuesday, April 03, 2007 10:45:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Well, buong word naman ang deperensya nito. Bahala na ang mga abugado nilang mag-judge dito.

Interesting pala yung book mo, pag nakabalik ako sa bookstore, hanapin ko yun para bumili.

 
At Thursday, September 06, 2007 1:27:00 AM, Anonymous Anonymous said...

lolo, KC! bigtime ka na pala wala ako alam. tahimik ka lang. pero ito lang ang masasabi ko. ang salitang 'PILIPINO' ay pag-aari at karapatan ng bawa't pilipino na pwedeng idugtong kahit saang pangalan ng negosyo. Ginawa na ngang 'Filipino' wala pa ring right si Lolo KC na gamitin 'yon????? aba, nabili na ba nila ang word na 'PILIPINO' at 'FILIPINO" at di na pwedeng gamitin ng iba?

 

Post a Comment

<< Home