Tuesday, April 03, 2007

KOMIKS WORKSHOP ON TOUR

Kasado na ang workshop ng komiks writing and drawing sa iba't ibang probinsya. Narito ang listahan ng mga magtuturo:

Scriptwriting:

Ofelia Concepcion
Glady Gimena
Josie Aventurado
Terry Bagalso
Jocelyn Domingo
KC Cordero
Beth Lucion-Rivera

Illustrations:

Abe Ocampo
Joey Celerio
Nar Castro
Al Cabral
Joemari Moncal
Jun Lofamia
Ernie Patricio
Mario Macalindong
Randy Valiente

Na-assign sa akin ang Cebu, kung saan ka-team ko ang beteranong si Al Cabral at dalawang editors from Atlas na sina Terry Bagalso at Jocelyn Domingo. Sa akin na rin ang Baguio, kung saan ka-team ko naman si Nar Castro, at KC Cordero.

Hmmm, pareho kong makakasama ang taga-Atlas at Risingstar. Ahahahah! Ang saya-saya!

Abangan ang mga susunod na updates kung saan partikular na gaganapin ang workshop.

****

Na-interview ako ni Kristin Mandigma, isa sa organizers ng Read or Die Convention! para sa website na Propaganda. Mababasa dito ang interview sa akin.

****

Nag-announce na rin pala ng mga finalists para sa Gawad Carlo Caparas Para Sa Komiks. Sinuwerteng napasama ang inyong lingkod sa 30 finalists na pagpipilian kung alin ang tatlong mananalo ng grand prize. May mga nag-iisip, baka daw niluto! Kasi member ako ng Kongreso ng Komiks. Aba malay ko! Sa baranggay na kayo magpaliwanag! Hehehe.

6 Comments:

At Wednesday, April 04, 2007 4:07:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy:

Tama iyan! Sa Barangay Tambol Mayor sila humabol. He-he.

Knowing you, it won't be HIKA BOY, is it?

Wha-ha-ha!

 
At Wednesday, April 04, 2007 9:26:00 AM, Blogger Reno said...

Dapat ang ituturo mo both writing AND drawing. Pareho kang qualified sa kahit alin doon.

 
At Wednesday, April 04, 2007 12:12:00 PM, Blogger Bluepen said...

Oi! Sabihan mo ako kung kelan ang workshop nyo hah. mag enrol ako ahehehe... marami pa akong gustong matutunan nde sa reading at research lang gusto kong makita ng actual at naririnig, mas okay yun dibah!

 
At Wednesday, April 04, 2007 12:13:00 PM, Blogger Bluepen said...

Yung sched sa Cebu!

 
At Wednesday, April 04, 2007 10:22:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

JM-
Hahaha, baka sabihin nilalait na natin ng husto ang Hika Girl. Pero nagtataka ako, akala ko yearly ang komiks contest ng Fully Booked? Mukhang ayaw na ni Neil Gaiman hahahah.

Reno-
Dun na lang ako sa mga artists, masyado nang maraming magtuturo sa mga writers. Actually hirap nga maghanap sa artists, karamihan kasi mahiyain humarap sa maraming tao.

Bluepen-
You mean pupunta ka ng Cebu? malapit na lang ba yan sa inyo? Sa April 24-25 ang sched namin, di ko pa alam kung saan ang venue. balitaan kita.

 
At Thursday, April 05, 2007 12:02:00 PM, Blogger Bluepen said...

uu 4 hours ang biyahe papunta sa cebu galing dito sa tacloban city. 2 hours sa van at 2 hours naman sa Supercat.

 

Post a Comment

<< Home