Saturday, April 14, 2007

MORE KOMIKS NEWS

Binubuo na ngayon ang KOMIKLOPEDIA kung saan mababasa dito ang ilan pang impormasyon tungkol sa komiks. Inaasahang sa mga susunod pang buwan o taon ay dadami pang lalo ang websites at blogs tungkol sa komiks ng Pilipino, ang ganitong mga proyekto ng iba't ibang tao na may pagmamahal sa midyum na ito ay nakakatulong para maipakalat ang impormasyon.

Ang lahat ay inaanyayahang mag-contribute ng mga impormasyon tungkol sa komiks para sa KOMIKLOPEDIA para mapalawak pang lalo ito.

*****

Sulat galing kay Joe Digno ng Komix Pinoy sa Saipan na inilagay ko dito kamakailan...

Dear Randy,

Salamat naman kahit paano ay naa-appreciate ninyo diyan sa Pilipinas ang aming trabaho. Totoong nag iistragel kami sa pag iimprenta ng aming komiks, una sa materials na aming i pi feature, pangalawa cost of production.

Although lahat nang aming mga artists at novelists ay voluntary at walang bayad, dahil ang gusto lang nila ay maging bahagi ng history ng unang komiks na lumabas dito sa Saipan, CNMI at of course magkaroon sila ng outlet para maalis ang homesick. Natutuwa na sila kapag lumalabas ang komiks namin at marami ang sumusubaybay sa mga kuwento.

I will give you more news in the future at salamat sa offer mong assistance we need that kind of offer, mabuhay ka!!

Regards,
Joe Digno
Komix Pinoy
Saipan, USA



*****
Nakipag-meet sa akin ang isang Pilipinong nakabase sa US at nagbabalak magtayo ng negosyong komiks dito. Siya si Ric Espinosa na nakatakdang i-feature sa Channel 23 sa mga susunod na linggo dahil isa siya sa mga Pinoy na may inspirational stories. Maikli ang dalawa niyang kamay, at bawat isa ay may tigdadalawang daliri lang. Ngunit siya ay design engineer sa isang malaking kumpanya at hinahangaan ng mga Amerkano dahil sa angking husay.




Makikita sa larawan ang komiks writer na si Rosahlee Bautista, sexy actress Allona Amor (aaminin ko na, siya ang naging inspirasyon ko kung bakit nabuo ko ang 'Diosa Hubadera'), Ric Espinosa, showbiz writer Timi Basil at Andy Beltran ng Kongreso ng Komiks at KWF.

****

UPDATES SA KOMIKS CARAVAN

Hindi matutuloy ang grupo namin sa Cebu kung saan magtuturo sana kami ng komiks scriptwriting at illustrations. Dahil sina Direk Carlo J. Caparas ang pupunta doon, magsasagawa sila doon ng maikling seminar. Ang pagkakalam ko ay kalahating araw lang silang bibisita doon para magsalita tungkol sa komiks. Kung natuloy sana ang sa amin, dalawang araw sanang turuan para sa mga estudyante ang mangyayari. Pero wala kaming magagawa dahil nauna silang naka-schedule doon.

Nalipat ako sa Iloilo City kung saan kasama ko si Karl Comendador. Magaganap ito sa April 26-27. Abangan ang iba pang updates tungkol dito.

8 Comments:

At Saturday, April 14, 2007 5:17:00 PM, Blogger Bluepen said...

okay yung komiklopedia ah... May tanong lang ako under ng Artist section, yung bang mga walang link na naka list dun ang ibig sabihin ay buhay pa? at may link eh mga yumao na?

curios lang kc nung ni click ko ang ibang artist dun, mga yumao na sila, then yung mga name na walang link mga buhay pa tulad ng name mo dun at saka yung iba dun na walang link mga buhay pa.

Tama ba ako? Kung ganun, parang katakot mapasama ang name dun, parang listahan ng mga dedbol na artist na pinoy...

 
At Saturday, April 14, 2007 5:23:00 PM, Blogger Bluepen said...

Wahhhh! talangang nde pa ukol na tayo eh magkita Ka Randy! bat namannnnn ganyannn ano ba naman yannnn!

BLNT!!!

B=utter
L=uck
N=ext
T=ime

Ahehehe wala lang magawa, sha! trabaho na ulit!

 
At Saturday, April 14, 2007 11:38:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Yung mga artists na walang link, ibig sabihin nun ay wala pang mailagay na profile sa kanila, or wala silang website. Kaya kailangan ng administrator ng mga additional informations.

Re: Caravan, oo nga, imbes na magkikita na tayo sa Cebu, naudlot pa. Hindi bale, pag nakaluwag ang sched ko, ako na lang ang pupunta dyan sa lugar nyo. Anyways, pwede ka pa namang pumunta sa Cebu, sina Carlo Caparas ang aabutan mo.

 
At Sunday, April 15, 2007 3:17:00 PM, Blogger komiklopedia said...

Mr. Randy,
Thank you very much for featuring Komiklopedia in your blog. Sa lawak ng visibility nitong blog mo, umaasa ang Komiklopedia na maraming magko-contribute rito. Since 2-week old pa lang ito, kaunti pa lang ang mga entries but Komiklopedia will make sure that in the next few months, maipost na lahat ang mga available informations on hand. Komiklopedia is made possible through various websites about komiks like your blog. Komiklopedia is taking this opportunity to ask your permission fo geting more informations from these blogs.

Maraming salamat uli at mabuhay ang mga komikeros.

Komiklopedia

P.S.
Mr. Randy, may favor sana akong hihingin from you. Mas maganda sana kung may custom image header itong komiklopedia. Since hindi naman ako artist, hindi ko kaya itong gawin. Maybe you can help? Thanks!

 
At Monday, April 16, 2007 10:53:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Komiklopedia-
Mas maganda ngang may header ang site dahil medyo maliit ang lettering at hindi masyadong mapansin ang nakalagay ngayon. Pag medyo nakaluwag ang time ko, pwede akong gumawa, or pwede tayong humingi ng tulong sa members ng PKMB kung sino ang may time na gumawa ng header. I'm sure, maraming tutulong.

 
At Monday, April 16, 2007 2:36:00 PM, Blogger komiklopedia said...

Randy,
Maraming salamat! Ang Komiklopedia naman ay para sa lahat lalong higit sa mga taong nagmamahal at may pagmamahal sa komiks. Sabi ng iba, bakit pa raw gagawin eh wala ng komiks ngayon. Well, sa paniwala ko naman ay nariyan pa rin ang komiks at marami pa rin ang may interest dito.

Ito naman ay voluntary effort lang, just a hobby kumbaga. But later on, pwedeng maging reference material din sa mga magreresearch about komiks.

Maraming salamat ulit!

 
At Monday, April 16, 2007 3:57:00 PM, Blogger SLICK! said...

Hello, Sir Randy, I'm "pusher" of the "The Philippine Komiks Message Board".

Although I may likely not be able to attend the seminar your group would have held in Cebu due to my work, I am no less saddened by your group's decision. Why was rescheduling it earlier or later not possible? The Caparas' own seminar is commendable but your group's, based on length, would have been at lot more.

Thank you and God bless on all your endeavors and that of your group's.

 
At Tuesday, April 17, 2007 11:38:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Thanks. After the Komiks Caravan, may mga plano na ang group na magkaroon ng sariling projects, na hindi na kami aasa sa NCCA or KWF or sa iba pa, kasama na dito ang workshop ulit. Makakarating din kami sa Cebu.

 

Post a Comment

<< Home