MALAKING KOMIKS
Napag-usapan minsan sa PKMB na kung ano kaya at may maglabas ng komiks na malaki ang size. Ginawa ito ng Siklab two years ago, kasinlaki ito ng regular size na tabloid, at ipinamigay ng libre. Ginawa na rin ito ng Marvel noong late 70s sa comics adaptation ng Star Wars. Hinanap ko sa baul ang kopya ko at laking gulat ko nang makita na may sira na pala ito, hindi ko alam kung kinain ng ipis o daga. WAAAHHHH! Paborito ko ang komiks na ito dahil ang nag-drawing ng inside pages ay si Al Williamson.
3 Comments:
Yung ganito ko noon wala na, ginupit-gupit ko na noong bata ako at ipinagdididikit kung saan saan. Pero nakabili ako ng local reprint nito (Universal publishing yata ang naglabas) noong panahon na ni-re-release yung Star Wars trilogy. Pati Return of the Jedi naglabas sila, na si Al Williamson din ang gumuhit.
Merong versions nito na maliliit, regular sized comics, kumpleto ako nito. Ang ganda ng gawa dito ni Williamson. Pati na yung sa Blade Runner.
Si Al Williamson lang ang nakita ko na nakakapag-drawing ng helmet ni Darth Vader na perfect. Yung iba laging distorted ang itsura.
Yung bladerunner meron din ako. Sana ire-print nila yung Flash Gordon movie adaptation niya, since magkakaroon naman ng bagong edition sa DVD yung movie (starring Sam J. Jones), tapos may bago din yatang Flash gordon miniseries sa scifi channel sa august.
Post a Comment
<< Home