DRAWINGS OF RIZAL
Nakita ko sa isang second hand book shop ang librong Jose Rizal: Filipino Doctor and Patriot. Sinulat ito ng isang Spanish pediatrician at historian na si Jose Baron Fernandez. Karamihan ng librong isinulat niya ay tungkol sa buhay ng mga doktor. Nagkainteres siyang isulat ang libro ni Jose Rizal dahil doktor ang ating pambansang bayani.
Binuklat ko ang laman ng libro, kasama doon ang mga rare photos at drawings ni Rizal na ngayon ko pa lang nakita. Natuwa ako kasi ang nakikita ko pa lang na drawing niya ay ang gawa niya sa 'Ang Pagong at Ang Matsing'. May nakadikit na sticker sa likod ng libro, eight hundred pesos. Sabi ko, ang mahal naman nito. Pero gusto ko talaga siyang bilhin, kung ibibigay sa akin ito ng P300, kukunin ko na.
Binola-bola ko ang nagtitinda. Sabi ko, P800 ba talaga 'to? Baka P80 lang 'to? Sabay tawa. Inikot-ikot niya sa kamay ang libro, sabay sabi, 'Sige, P75 na lang.' Kung susuwertihin ka nga naman.
Ngayon, walang duda, ang kaalaman talaga ni Rizal ay from A-Z, from art to zoology.
3 Comments:
wow man ang swerte mo naman.
ye, natiyempuhan lang :)
A naku! 'Yang libro ni Baron Fernandez na published by Manuel Morato ay puno ng mga litratong hindi talaga kay Rizal. Hindi pinapansin ng mga historians at libraries 'yan. Kahit sampung piso ay hindi ko bibilhin 'yan.
Post a Comment
<< Home