Saturday, April 28, 2007

HATE THE FILIPINO KOMIKS INDUSTRY!

Nabasa ko ito sa blog ni Gilbert Monsanto na nakuha niya sa isang Deviant Art account.

Hate The Local Comics Industry (click the title to read the article)

Ito ang sagot ko sa gumawa ng article:

Too idealistic. Masyadong general ang angst niya.

Walang perfect na komiks industry, nangyayari din ito sa US. At ngayon sa manga, bumababa ang sales nila.

Hindi komiks industry ang sisihin niya kundi ang culture ng Filipino. Dahil lahat ng nangyayari dito sa Pilipinas ay puro problema--movie and tv shows, elections, employment, economy, government employees, religion, magnanakaw sa kaban ng bayan, mga tamad na trabahador, mga mapagsamantalang businessman...i mean, kung iisa-isahin ko ito ay aabot tayo ng 10 pages.

Revival? Religious thing 'yan para sa akin. Bakit natin kailangan i-revive ang industry? Ang kailangan ay i-uplift ang medium at hindi ang kita. Bigyan natin ng substance ang content at form ng komiks, saka natin pag-usapan kung kikita nga ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home