FRIENDS, FILIPINOS, COUNTRYMEN…LEND ME YOUR EARS!
Hindi mo rin maintindihan ang tao minsan, dinadaan mo sa maayos na paliwanagan, bigla ka na lang titirahin ng personal. E kung hindi ba naman saksakan ng bobo’t kalahati itong mga ito e (hahahah o e di nakatikim din kayo ng personal na atake), may isyu na pinag-uusapan pero kung saan-saan dinadala ang topic.
Sabi sa akin ng ka-chatmate ko, kumbaga sa showbiz e para daw akong si DJ Mo. Sabi ko sa kanya, mukhang tama ka diyan, kasi ilang beses na rin akong nakatanggap sa email ng ‘Na Mo!’
Pero seryoso, akala kasi ng marami, napakasama kong tao sa personal, kung umatake daw ako e parang lumalabas na ang ugat sa leeg ko. Pero sa totoo lang, natatawa-tawa lang ako sa reaksyon ng mga tao sa mga isinusulat ko dito. Sabi nga minsan ng gf ko nang makita niya akong tumatawa ng malakas habang binabasa ko ang mga comments sa blog na ito, ‘Para kang baliw diyan!’
Yung iba kasi, kina-career ng husto ang mga masasakit na sinasabi ko dito. Talagang hindi pa sila makatulog. Hello? Blog ito. Personal journal ko. Kung may natutunan kayo, e di salamat. Pero kung wala, okay lang. Pasalamat nga kayo nagsusulat pa ko dito, binabasa ninyo ng libre, binabayaran ang sulat ko (yabang hahahaha!). Kung wala itong blog na ito, magbobolahan na lang kayo ng kung anek-anek tungkol sa komiks. Kaya nga sabi ko, dapat may kontrabida. Ako yun!
Pagpasensyahan niyo na ako minsan, mainit kasi ang panahon. Kaya nag-iinit din ako. Saka iba kasi ang oryentasyon ko. Iba ang naging way of life ko kesa sa inyo. Lumaki ako sa mga street philosophers at nakipag-debate ng kung anu-ano sa kung sinu-sino. Paborito kong hangout ang Luneta kung linggo ng gabi, nakikipag-debate ako du’n sa kung sinu-sinong matino at mga baliw. Pero lahat ito ay puro ‘words’ lang. Kaya, please, matulog naman kayo, wag niyong kakaririn ang mga panenermon ko dito.
Kung gusto niyo, gumawa rin kayo ng blog niyo, magsagutan tayo. Pero dapat nasa tema, at hindi personal. At sana, huwag kayong maging super sensitibo, world wide web ito. Open for public, kaya expect the unexpected!
Adventurer akong tao. Kahit bobo e seeker of knowledge pa rin ako. At dalawa lang ang natutunan ko sa pagbabasa—either paniwalaan kita, or hindi kita paniwalaan. Yun lang naman ang totoo. Puwede kitang kontrahin sa isip, or isulat ko din ang pangontra ko sa ‘yo.
Ngayon, kung ayaw mo akong magsulat dito, sulatan mo ang may-ari ng blogspot, ipa-ban mo ako (para lumipat ako sa word press bwahahaha!).
*****
Marami na rin palang reactions ang nangyayari dahil sa pinagsusulat ko dito.
Isa na ito: http://huckbeine.deviantart.com/journal/12785023/#journal
At ito pa: http://lagunapavon.deviantart.com/journal/12787928/#comments
Alam niyo mga kapatid, tama lang naman itong mga pinagsusulat natin. Sumisigla ang mga taga-komiks kapag may ganito. Pero sabi ko nga, words lang ang lahat ng ito. Saludo pa rin ako sa inyo.
Saka hindi kayo yung tinitira ko sa taas ng article na ito, isa rin itong 'friendster' na matagal nang umaatake sa akin kahit doon pa sa luma kong blog. Wini-welcome ko lang ulit hehehe!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home