Monday, April 30, 2007

VIOLENT REACTION

May nag-email sa akin, hindi ko na babanggitin ang pangalan. Ito ang laman ng sulat:

Randy, this refers to your latest article in your blog. as far as i'm concerned you don't have to blame those publishers who did not accept your illustrations then. admit it to yourself man, your drawing during those days were utterly horrendous, it cannot pass even to illustrate a Shocker komiks short story. Yet you are aspiring to draw a novel??? just compare your drawings then with the illustrations of veteran artists who draw novels, you will see a thousand miles difference. To draw a novel was really your wildest dream randy. you blame GASI and its editors for all your failed dreams??? look again, it's all your fault man. HINDI ka magaling na artist much more a writer. look at you now, where are your contemporaries? naunahan ka pa nina leinil, carlo, mico, etc. be true to yourself, magpakatotoo ka. this is just a wake up call. kumusta kay pareng mario lawrence, at john.



Ito naman ang sagot ko:

Ha?

I think you don't understand my article, man. Reply ko yun sa isang nagsulat ng article na may title na 'I Hate The Local Comics Industry'. You should read his article. Kaya ko naisulat ang mga experiences ko dahil angal siya ng angal sa industry ngayon, so ikinuwento ko rin ang nangyari sa akin noon na mas mahirap pa sa nararanasan niya ngayon dahil yung time ko, sa komiks lang ako umaasa--pagkain, pambayad sa bahay, etc. hindi gaya niya na na-pissed off lang siya sa komiks pero kumakain pa rin naman sila sa bahay nila.

Hindi ko bini-blame ang GASI or others, sinasabi ko lang na kapag magpu-propose ako ng novel (writing at hindi drawing) ay sinasabihan kaagad ako na kailangan may experience ka muna as novelist. E pano nga akong magkaka-experience na maging novelist e hindi nga nila binibigyan ng break? Got my point?

And for your information, hindi ko ka-contemporary sina Nil at Caloy(well, ahead ako ng ilang years sa kanila, at mas may edad ako sa kanila), nauna ako sa kanila sa local industry, pero tumigil ako for so many years to pursue writing. At talaga namang nauna sila sa akin sa US comics (mid 90s si Nil, nasa Marvel na) so mas senior sila sa akin sa US comics, and in fact, ang batch na ito ng mga batang artists sa US ang malaking inspirasyon sa akin kung bakit panay ang praktis ko ng pagdu-drawing Ako during that time (mid 90s), nagsusulat ako ng pocketbooks at stageplays. Nagsimula akong mag-drawing ng indies sa US as a full time career, 2 years ago pa lang.

So kung nakaka-offend yung article na sinulat ko, siguro kasi hindi mo nasusubaybayan ang nangyayari kaya ako nag-react dun sa article na 'I Hate Local Komiks Industry'. Although personal thing yun ng nagsulat, kaya personal din akong nagsulat ng 'I Love the Filipino Komiks Industry'. Sana nakuha mo ang point ko?

Kung tutuusin, ayoko nga sanang mag-react dun sa article. Pero maraming makakabasa nun na gustong pumasok sa komiks, ang iisipin kaagad nila, 'Wala naman palang kuwenta ang komiks industry dito, wag na tayong pumasok dyan.' So kailangan kong depensahan ang industry. Dahil sabi ko nga, kung isa kang komiks creator at hindi mo naman mahal ang komiks industry, e anong ginagawa mo bakit gumagawa ka pa ng komiks?

Ayokong makasakit ng damdamin ng iba pero wala akong choice kundi sabihin ang honest opinion ko. Kailangan nating makarinig ng ibang point of view para maintindihan natin kung saan tayo tumama at saan tayo nagkamali.

Bilib ako sa reaction ni Syeri Baet (Carpool) sa article na nasa DA: Gawa lang ng gawa ng Komiks! Wag titigil! Wag mawawalan ng pag-asa!'

Yan ang pinakamagandang attitude ngayon sa isang industry na naghihingalo at kailangan ng suporta ng mga komiks creators.

1 Comments:

At Tuesday, July 03, 2007 5:37:00 PM, Anonymous Anonymous said...

RV,

You know there are people who loves to comment in a nasty way. I must say yong nag comment dito ay di niya narealize na nakasakit siya ng damdamin ng tao. Or maybe sinadya niya to downgrade you. Anyway, I am a fan of Pilipino komiks and arist.... and also fan din ako ng guhit pinoy arts and artists...keep up a good work guys!!! Hope he is not a member of guhit pinoy.

 

Post a Comment

<< Home