Monday, May 21, 2007

POLITICAL KOMIKS O PROPAGANDA KOMIKS?


Bukod sa mga komiks na nabibili ay konokolekta ko rin ang mga komiks ng kandidato. Ang isa sa nakuha ko na nagulat ako ay itong kay Atty. Lambino ng BANAT party list. Nakabandera sa front cover ang pangalan ni Pablo S. Gomez. Sanay na akong makakita ng mga beteranong illustrators sa ganitong klase ng komiks, ngunit sa mga batikang writers ay ngayon lang.

Although alam kong marami na ring komiks writers ang gumagawa nito noon pa pero hindi sila naglalagay ng pangalan. Kunsabagay, ang mga artista nga ay kinukuha ng mga pulitiko para mag-endorso sa kanila, puwede rin naman ang mga sikat na komiks creators.

Ang artist ng komiks na ito ay si Rico Rival. Sa palagay ko, ito na ang huling komiks na ginawa ni Mang Rico bago siya nagpunta sa Middle East.

*****
Speaking of Rico Rival, masaya ang pagsalubong sa kanya ng grupong Guhit Pinoy Middle East. May handaan na, may tugtugan pa. Nagulat si Mang Rico dahil hindi niya akalaing ganoon na lang ang paggalang sa kanya ng mga dibuhista natin na nasa ibang bansa at binigyan pa siya ng magarbong welcome party.

Salamat kay kasamang Edbon Sevillano sa pag-set up ng webcam, nakita namin ng live ang party nila. Sa mahilig sa usapang Pinoy illustrations, dumalaw lang kayo sa forum ng Guhit Pinoy na makikita ninyo dito.

Kainan at tugtugan sa welcome party ni Rico Rival.
Darwin C., , Rico Rival, Edbon Sevilleno at Mario Sta. Maria.

2 Comments:

At Tuesday, May 22, 2007 5:39:00 PM, Blogger Hazel Manzano said...

they really use komiks as a medium of adver in the province

 
At Thursday, May 24, 2007 12:07:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Yeah, kahit sa manila. Mas madali nga namang intindihin kesa magbigay sila ng leaflets na pagkahaba-haba ng letters.

 

Post a Comment

<< Home