Saturday, June 02, 2007

GUHIT PINOY—HUSAY PINOY PARA SA BUONG MUNDO!

Dumadami na ang mga Pilipino sa larangan ng komiks, animation, advertising, storyboarding, designing, 3d at concept arts. Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang Guhit Pinoy na pinasimulan ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa Middle East. Active ang grupong ito sa mga art gatherings, exhibits, contest, etc. at laking karangalan para sa akin na maging coordinator ng grupong ito dito sa Pilipinas.

Abangan ang mga activities ng Guhit Pinoy at nasisiguro kong para ito sa kapakinabangan ng ating mga dibuhista.

Sa kasalukuyan, bukas ang grupo kung sinuman ang gustong maging member. Mag-aanounce ako dito sa mga susunod na araw ng mga requirements kung paano kayong makakasali. Pero sigurado ako, WALA KAYONG BABAYARAN. Ang hangad lang namin ay makatulong sa mga bagong sibol na dibuhista, mapasigla ang mga dati nang dibuhista, at maiangat ang ilustrasyong Pilipino sa buong mundo. Hindi madali ang adhikaing ito, ngunit kung may magsisimula, hindi puwedeng hindi ito matuloy.

Narito ang mga kasalukuyang aktibong coordinators ng Guhit Pinoy sa iba’t ibang bansa.

Guhit Pinoy Global - Edbon Sevilleno
Guhit Pinoy Philippines - Randy Valeinte
Guhit Pinoy Jeddah KSA - Val Pabulos
Guhit Pinoy Riyadh - Edbon Sevilleno
Guhit Pinoy China - Gil Arceo
Guhit Pinoy Hongkong - Elmundo Garing
Guhit Pinoy USA - Dell Barras

Narito ang trabaho ng ilang miyembro ng Guhit Pinoy. At marami pa kayong dapat abangan sa susunod:

Mario Macalindong


Natalio Alob
Val Pabulos

Mel Valdez

Romy Villanueva

Romeo Tanghal

Floro Derry

Dell Barras

Mel Verzosa

Nes Gelito

George Besinga

Ismael Esber

Edbon Sevilleno

2 Comments:

At Tuesday, June 05, 2007 11:40:00 AM, Blogger Ner P said...

pareng randy, sama ako dyan!

 
At Tuesday, June 05, 2007 4:02:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Ner, may private message ako sa yo sa board ng Guhit Pinoy.

 

Post a Comment

<< Home