Tuesday, June 05, 2007

VIC CATAN JR. at JUN LOFAMIA

May nakilala akong matandang Tai Chi master (Chinese Martial art), nagkakuwentuhan kami hanggang sa nabanggit ko na isa akong komiks illustrator. Naging kaklase daw niya noong araw sa Karate si Vic Catan Jr. Nang magkita kami ulit after a week, ibinigay niya sa akin itong trabaho ni Mang Vic. Itinanong ko kung saan ginamit ito, hindi rin niya alam. Basta ibinigay lang ito sa kanya ni Mang Vic noon.

Kung babasahin ang mga nakasulat, napaka-religious at spiritual ang mensahe dito ni Mang Vic. Hindi nakapagtatakang may alam sa spiritual world si Vic Catan Jr., Although Christian teachings itong mga nakasulat, sa pagkakaalam ko, member siya ng ISKCON (International Society for Krishna Consciousness), isang Indian spiritual organization.

*****
Sa mga mahilig mangolekta ng mga original artworks ng ating mga beterano at batikang dibuhista, maraming trabaho na ipinagbibili si Jun Lofamia sa abot-kayang halaga. Ang mga piyesang ito ay lumabas sa magasing Liwayway kaya collector's item talaga.

Bilisan na ninyo ang pagbili dahil madali itong maubos.

Maari kayong bumili sa link na ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home