Direktoryo ng Komiks
Narito na ang mga pormulasyon (questioners) na ibinigay ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa pagbubuo ng ‘Direktoryo ng mga Scriptwriter, Illustrator, Editor at Publisher ng Komiks’. Kung kayo ay writer o artist lamang, mangyaring pakisagutan lang po ang questionnaire na para sa inyong partikular na posisyon.
Narito po ang link ng mga questionnaires:
http://wika.pbwiki.com/Mga+Pormularyo
Dahil hindi po ako kumpleto ng email address at contact information ng iba pa nating kasamahan sa komiks, humihingi po ako ng tulong sa inyo na pakipasa din po sa kanila ang impormasyong ito o kaya ay ibigay ninyo sa akin ang kanilang mga email address.
Wala naman pong particular na deadline kung kailan ninyo ito isa-submit, ngunit kung mas maaga ay mas maganda para madaling matapos ang aklat na ito na kasalukuyan nang ginagawa ang iba pang detalye. Nakapadepende po sa ating submissions ang pagbubuo nito kaya malaking kagaanan sa kanila kung maipapasa natin ito ng maaga.
Napagkasunduan na ipasa na lang ninyo sa akin ang mga nasagutang questionnaires at ako na ang magbibigay sa kanila ng sabay-sabay. Narito ang aking email address na puwede ninyong pagpasahan valiente(dot)randy(at)gmail(dot)com.
Marami pong salamat sa inyong pakikiisa.
*****
Ang mababasa sa ibaba ay ang liham ng Tagapangulo ng KWF na si Dr. Ricardo Nolasco para sa pagbubuo ng proyektong ito:
Hunyo 11, 2007
Sa mga Kinauukulan:
Ang Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ay bubuo ng isang ‘Direktoryo ng mga Scriptwriter, Illustrator, Editor at Publisher ng Komiks’. Ang direktoryo ay maglalaman ng mga detalydong impormasyon tungkol sa kanilang mga nagawa (accomplishments) at iba pang maaring magawa na makatutulong sa pag-unlad ng sining ng pagbuo ng komiks. Ang proyektong ito ay magiging reperensya ng sinumang nangangailangan ng mga impormasyon hinggil sa mga scriptwriter, illustrator, editor at publisher ng komiks.
Kaugnay nito, amin pong hinihiling na sagutan ang kalakip na talatanungan at huwag mag-iwan ng anumang puwang upang maging kapaki-pakinabang ang nasabing direktoryo. Maglakip din po ng inyong pinakahuling larawan (latest photo) sa nakalaang espasyo sa talatanungan.
Pauna ang taos-pusong pasasalamat sa inyong pakikiisa at suporta upang maisagawa ang nasabing proyekto.
Matapat na sumasainyo,
Ricardo Ma. Duran Nolasco, Ph.D.
Tagapangulong Komisyoner
0 Comments:
Post a Comment
<< Home