Saturday, June 09, 2007

PURE ART

‘From the standpoint of the traditional or ‘pure ‘ artist, illustrators are renegades, traitors to the cause of true art. ..Prostitution may not be too strong a word for what they do’

From the book ‘The Artist’ by Edmund B. Feldman


Hindi ‘pure’ ang art ng mga illustrators dahil sumusunod lang tayo sa dikta ng writers, ng nagpagawa ng trabaho (commissioner, publisher, studio) at ng market. Mas may freedom ang mga gallery artists dahil walang nagdidikta sa kanila kung ano ang puwede nilang ilagay sa canvass, o kung anong medium ang gamitin nila.

Sa panahon ngayon ng komersyalismo, sa isang makulay na mundong puno ng ilaw at mga biswal at kung anu-ano pang nakikita ng ating mata, may sining pa nga ba na maituturing natin na ‘pure’?

Kung wala kayang gallery o museums, magpipinta pa kaya ang mga gallery painters? Kung walang dealers at buyers, gaganahan kaya silang gumawa? Kung wala silang idolo, o hinahangaan, o guro, ‘pure’ artist nga ba silang maituturing?

Hindi ako naniniwalang may ‘pure’ artist sa panahong ito. O kung meron man, isa lang sa tingin ko. Narito ang kuwento:

Binigyan ko ng lapis at papel ang pamangkin kong 4 years old. Sabi ko, mag-drawing ka ng kahit ano. Pagkalipas ng ilang minuto, ito ang ipinakita niya sa akin.


“Ano ‘to?” tanong ko.

“Paniki, may hawak na pera.”

Kahit saang anggulo ko tingnan, hindi ko ma-visualize kung paano ito naging paniki na may hawak na pera.

Naging palaisipan sa akin ang ginawang ito ng pamangkin ko. Sa paningin ko, na isang tumanda nang artist, hindi ko makuha ang punto niya. Ngunit sa kanyang 4 year-old na understanding, art ito sa kanyang paningin.

Doon ko nalaman na ang ‘child art’ ang pinakapurong art sa lahat. Wala itong halong pilosopiya, walang dikta ng society, walang educational background, walang inhibitions, at walang right or wrong. Isang tunay na interpretasyon ng isang tao (bata) na hindi apektado ng kapaligiran.

Ang tunay na ‘pure’ art ay ang ‘child art’ at hindi ang gallery art.

Renaissance? May ‘pure’ artist ba noong renaissance? Meron, sabi ng iba, dahil ito ang panahon na lumabas ng pinakamagagandang paintings at sculptures sa buong mundo. Michaelangelo, Vermeer, Raphael, etc.

Para sa akin…wala! Kung susundan ko ang premise ng nagsasabi na ang ‘pure’ artist ay hindi nagpapadikta sa society at sa mga tao.

Pero pag-aralan natin ang mga trabaho ng mga renaissance artists. Para saan ang mga painting at sculptures na gawa nila noon? Hindi ba para sa mayayamang tao na nangumisyon sa kanila, sa mga taong gobyerno, at sa simbahan. Hindi sila gumawa ng artwork sa sarili nilang dikta kundi dahil may nangumisyon sa kanila.

Si Leonardo da Vinci lang ang iba sa mga renassaince artists na ito. Kahit tumatanggap siya ng komisyon galing sa ibang tao ay gumagawa siya ng sarili niyang kaalaman sa art. Si Da Vinci ay isang illustrator, conceptual artist at designer. Siya rin ay engineer at inventor ng mga bagay-bagay dahil sa kanyang mga drawings. Kung buhay siya ngayon, malamang ay concept artist siya sa pelikula at gaming industry.

Ibabalik ko ang sinabi ni Feldman sa librong The Artist: ‘Fifty years ago illustrators would have been thrilled to exhibit in an art gallery, to see their work in museum. Today their successors in graphic design work at the cutting edge of visual art. The best designers are the shock troops of art’s avant garde. And the gallery painters and printmakers know it.’

*****

Magkakaroon ng seminar-forum tungkol sa komiks bilang bahagi ng pop-culture sa Pilipinas. Pinasimulan ito ni Prof.Glady Gimena na isa ring opisyal ng Kongreso ng Komiks.

Gaganapin ito sa University of the Philippines, Diliman sa July 6. Iba ang audience dito kumpara sa Komiks Congress at iba pang gathering ng mga taga-komiks. Ang magsisidalo dito ay mga mag-aaral ng pop culture sa ating bansa, mga propesor at dean ng literatura at sining.

Isa ako sa naimbitahang magsalita tungkol sa komiks. Dahil academe ang audience dito, naglalaro sa isip ko ang isang malaman-laman na paksa.

Ibibigay ko sa susunod na pagkakataon ang mga impormasyon tungkol sa event na ito kapag natanggap ko ang mga detalye. Bahagi ito ng advocacy ng Kongreso ng Komiks na dalhin sa academe ang pag-aaral ng kultura ng komiks sa Pilipinas gaya ng ginagawa na ngayon sa Amerika at Europe. Ang lahat ay inaanyayahang dumalo dito. Magkakaroon din ng exhibit ang mga illustrators.

2 Comments:

At Monday, June 11, 2007 1:08:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

For me, the purest artists are the ones who were born truly gifted. They are the ones who can draw whatever their eyes can see... ACCURATELY. They are the ones who do not need to go to school to learn drawing. Their anatomy is perfect as well, because their eyes can see every nook and cranny of the human body.

Same thing with a person who was born with a beautiful voice. Sometimes, compelling him to study Voice Culture would only destroy his natural voice.

For a painter or illustrator, they find their own technique without the help of a Fine Arts degree.

These are the people whose eyes, ears, hands and voices – came naturally with them when they were born.

And the manifestation that we see from these natural born gifts is something that comes straight from the heart, and deep from the soul.

 
At Tuesday, June 12, 2007 11:46:00 AM, Blogger Reno said...

Hindi mo talaga maiintindihan ang artwork ng bata. Dahil iba na ang pag-iisip natin sa kanila. Ang anak kong 3 years old, hilig din gumuhit at magpinta. May mga drawing siya na malinaw na maiintindihan, tulad halimbawa kapag iginuguhit niya ang pamilya namin. Pero minsan, may mga "abstract" siyang gawa. Kapag tinanong mo kung ano iyon, i-e-explain niya. Kapag tinanong mo uli sa ibang araw, iba na naman ang explanation niya, pero same piece of art. Pero sa ibang araw na naman, balik naman dun sa una niyang interpretasyon.

 

Post a Comment

<< Home