KAKOMIKS, KATEXT AT KASHOWBIZAN
Malungkot ang nangyari kay Boy C. de Guia na isang dating emplyado ng komiks sa Atlas Publication na nalipat sa showbiz. After niyang ma-stroke at naging down ang kanyang buhay ay nawalan na rin siya ng mga kaibigan. Ipinalabas ito sa programang ‘Wish Ko Lang’ ng Channel 7 at humihingi ng tulong. Lumalabas na napabayaan na siya ng mga dating kasamahan sa industriya ng komiks maging ng showbusiness. O mas mainam na tawaging napabayaan din niya ang kanyang sarili kaya nangyari sa kanya ang ganitong bagay. Malungkot at nakakaawa kung tutuusin, ngunit ang buhay, kapag hindi natin inayos habang bata at malakas tayo, hindi rin maayos ang dadatnan natin sa ating pagtanda.
Ilang beses na ba tayong nakarinig ng ganitong kuwento sa showbiz at maging sa mga boksingero. Mga dating nasa itaas na ngayon ay walang-wala na at wala man lang nakaalala.
Nasa pangangalaga ng Golden Acres ngayon si Boy C. de Guia. Anumang tulong, pinansyal at moral, ay malaking bagay na para sa isang dating kasamahan natin sa komiks.
****
Text: ‘Walang common sense ang article sa blog mo, lalo na yung tungkol sa komiks publishing with sponsor, mag isip ka naman!’
Sumagot ako: ‘Thanks. At least nalaman ko na nagbabasa ka ng blog ko. Pag na-publish ito, pasasalamatan kita sa acknowledgement page.’
Text ulit: ‘Yeah. Nabasa ko first and last time, nakakabobo articles mo! Walang kuwenta! Kaya gudlak na lang!’
Sumagot ulit ako: ‘Ows? Aminin mo regular visitor ka ng blog ko kaya ka apektado heheeh.’
Nag-text ulit: ‘Magsama kayo ni…***!
Bigla akong natigilan. Dating taga-publication. Away ng mga beterano, pati ako e dinamay.
Hindi na lang ako sumagot.
*****
Tinanong ako noon ni Gerry Alanguilan sa book signing ni John Beatty sa Robinsons Ortigas. “Maganda na rin naman ang takbo ng trabaho mo, bakit ka pa nagsusulat tungkol sa komiks. Why get yourself into trouble?”
Tama si Gerry. Bakit nga ba?
Ilang beses ko na rin ngang itinanong ‘yan sa sarili ko. Hindi naman ako sinusuwelduhan sa blog na ito. Ni hindi nga kumikita ang Google Adsense ko. Marami na akong weird na narinig. “Mabait ba ‘yan si Randy?”
Binaitan ko na nga kung tutuusin. Hindi ko na inilagay ang iba pang articles dahil baka meron na namang masaktan (gaya nu’ng teorya ko sana sa ‘Monopoly of Form’, hindi ko na itinuloy).
Pero on the second thought, dumating ako sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Sinamantala ko ang free blogging sa internet, at eksakto ring panahon ng pagiging agresibo ko as a komiks creator. Kaya nabuo ang blog na ito.
Alam ko lilipas din ang lahat ng ito. Baka dumating ang time na tamarin na akong magsulat. At hindi na ninyo mababalitaan ang nangyayari sa akin. Pero sa kasalukuyan, walang makakaawat sa akin dito.
Hangga’t gumagana ang Pentium 4 ko na 3 taon nang outdated, at habang maganda pa ang koneksyon ng Smart Bro.
4 Comments:
Wag kang titigil sa pagsulat, Ka Randy. Pag tumigil ka, e di hindi ka na makakatanggap ng kung anu-anong mga text. :P
Korek! Dapat pala Chikka ang ginamit ko para ubos ang load niya heheheeh.
Minsan kaya ka nagsusulat o nagpapahayag ng iyong saloobin ay dahil napa-trouble ka at nais mong linawin ang mga bagay-bagay. Ngayon kaya ka napapa-trouble ay dahil nagsusulat ka at naglilinaw ng mga bagay-bagay. Ang mundo ay bilog... tuloy lang Randy.
Parang ginebra...bilog ang mundo hehehe:)
Post a Comment
<< Home