Tuesday, June 12, 2007

KOMIKS DAY

Isa sa inilalakad ngayon ng mga taong gobyerno na involved din sa paggawa ng komiks ay ang pagkakaroon ng ‘Araw ng Komiks’. Ito daw ay magiging festival kung saan ang isang araw ay ilalaan natin sa komiks—may exhibits, forums, tindahan, etc. Pinag-aaralan din kung isasabay na rin dito ang mismong araw ng iba pang events tungkol sa komiks, halimbawa ay ang komiks convention na ginaganap sa UP, para mas malawak ang sakop ng pagdiriwang ng araw ng komiks.

Kung ito ay maaaprubahan ng pangulo, sana naman ay makiisa ang lahat ng taga-komiks. Huwag naman kayong killjoy. Kukurutin sa singit ang hindi sumunod.

Pero bago natin pag-aralan itong ‘Araw ng Komiks’ ay mabuti sigurong pag-aralan muna natin kung kailan ang ‘Araw ng Pagkabuhay’.

*****

Magkakaroon ng exhibit ang komiks veteran at Guhit Pinoy honorary member na si Floro Dery sa 6th Toy Convention ngayong June 16-17 sa Megamall. Ipapakita ang kanyang mga trabaho (concepts and designs) sa Transformers The Movie.

Kaya kung may panahon kayo ngayong sabado at linggo, huwag ninyong kalimutang dumaan sa Toycon.



*****

Nakita kong naka-display sa Fullybooked ang graphic novel na ito na pinamagatang Yun na ginawa ni Paul Hattaway. Dahil hindi nakapasok sa plastik, nabuklat ko ang loob. Malakas ang kutob ko na si Rico Rival ang nag-drawing nito. Hindi ko pa naitatanong sa kanya kung siyanga.

Kaya ako nagka-interes ay dahil nai-translate ito sa iba’t ibang lengguwahe at bestseller bilang isang religious/inspirational book.



*****

Sa pagnanais kong makatulong sa mga beteranong illustrators na bigyang sigla ulit ang hilig nila sa pagdu-drawing (at dagdag income na rin sa kanila), magbubukas ako dito ng section kung saan puwede na kayong mangumisyon sa kanila ng artworks.

Hindi ako magiging agent ng mga artists na ito. Kung interesado kayong magpa-drawing sa kanila ay ibibigay ko sa inyo ng direkta ang kanilang mga contact numbers at kayo ang bahalang makipag-usap.

Narito ang ilang artists na nakausap ko, siguradong susundan pa ito ng marami.

Yong Montaño
Ding Abubot
Rene Clemente
Baggie Florencio

Kung hindi kayo pamilyar sa kanilang mga trabaho ay ilalagay ko dito ang ilan sa kanilang mga artworks sa susunod.

*****

May Francisco Coching komiks-novels na mabibili ngayon sa Ebay.ph. sundan lang ninyo ang link na ito at siguradong mapapa-wow kayo sa dami. Collector’s item ang mga ito kaya samantalahin niyo na.

3 Comments:

At Tuesday, June 12, 2007 12:30:00 PM, Blogger Gio Paredes said...

Napakagandang idea po nyang "Araw ng Komiks". Sana nga maisabay na lang sa UP, para mas masaya.

Sana maaprubahan na. :-)

 
At Wednesday, June 13, 2007 3:16:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

ARAW NG KOMIKS is a brilliant idea.
Dapat mag-participate ang lahat ng mga komiks artists and writers na nariyan sa Metro Manila at malalapit na provinces. Isa itong vehicle para maipakita sa masa na hindi naman talaga TIGBAK nang tuluyan ang komiks kundi medyo ano lang... on HIATUS lamang.

Sana maging isang malaking success itong event na ito.

 
At Thursday, June 14, 2007 1:15:00 PM, Blogger Ner P said...

sana ngayon, e wala ng magpataasan ng ihi para naman maging success ito.

 

Post a Comment

<< Home