Thursday, June 14, 2007

BALITANG KOMIKS

Malapit nang ilabas ang first issue ng joke-komiks ng PsiCom na pinamagatang TOPAK.

TOPAK cover by Ron Tan and Allen Geneta.

Dito mababasa ang kaululan ko na pinamagatang:


Bukod dito ay may isang section din para sa akin ng ‘How To Draw The Topak Way’. Tutorial ito kung paano mag-drawing. Tatlong magkakasunod na issues ang iku-contribute ko sa section na ito.

Magiging monthly ang labas nito kaya naghahanap pa rin sila ng mga cartoonists para mag-contribute sa mga issues na darating. Puwede ninyong kontakin ang editor na si Stanley Chi para sa mga impormasyon.

*****

Kasalukuyan nang ginagawa ang pagbubuo ng ‘directory of komiks creators’. Project ito ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang ilalaman nito ay listahan ng mga aktibong writers, artists, editors at publishers ng komiks dito sa Pilipinas—kasama ang infos tungkol sa kanilang trabaho at contact address.

Hangad ng Komisyon na makiisa ang lahat ng komiks creators sa proyektong ito dahil malaking oportunidad ito sa atin na magkaroon ng isang aklat tungkol sa komiks na nasa ilalim ng KWF at NCCA. Gusto ko lang ulit linawin na ito ay DIRECTORY at hindi compilation ng mga trabaho ng mga komiks creators. Kumbaga ay para itong yellow pages.

Mayroon akong ipapadalang mga questionnaires sa mga kakilala ko, lalo na sa mga active dito sa internet, nandito man sa Pilipinas o nasa ibang bansa (sila kasi ang madaling kontakin). Magpi-fill up lang naman kayo dito at I-send niyo na lang ulit sa email address na ibibigay ko din sa inyo. Abangan ninyo ang form na ito sa inyong mga email address. At hinihingi ko rin ang tulong sa iba pang creators na kung maari ay pakibigyan din ako ng email address ng iba pa para maipadala ko rin ito sa kanila.

*****

Tuloy na tuloy na ang Komiks Caravan ng aming grupo na gaganapin sa Iloilo City. Ito ay magaganap sa June 28-29 sa Western Visayas University. Dalawang araw na magsasagawa doon ng workshop ang mga writers at artists para magturo.

Ang ilan sa batikang magtuturo sa drawing ay si Karl Comendador at sa scriptwriting naman ay si Ofelia Concepcion.

Sa ngayon, hindi pa gaanong nararamdaman ang epekto ng Kongreso ng Komiks na ginawa noon sa NCCA. Gaya nga ng sabi ko, ipina-plano ang lahat. Maaring madaming frustrations at disappointments ang lumutang pagkatapos ng Kongreso ng Komiks, ngunit huwag kayong mag-alala, napag-uusapan lahat ng hinaing ninyo.

*****

Tingin ko ay pare-pareho tayo ng problema lahat—mapaluma man o bagong komiks creator. Dahil kahit mga datihan na ay problemado rin sa printing cost, distribution at marketing. Ang mga ito ay hawak ng mga pribadong kumpanya at wala tayong magagawa kundi sumunod sa kanila.

Naitanong ko sa ilang nakakaalam kung possible ba itong ‘6-years tax exemption’ para sa mga bagong negosyo. Sinabi sa akin na hindi daw ito ganoon kadali. Kasi kung simple lang ito, e di sana lahat na ng bagong negosyo na lumabas ay nag-apply na sa ganito.

Pero hindi pa rin tayo dapat mawalan ng pag-asa, maraming paraan ang isang desididong magtagumpay.

*****

Kasama sa paglilibot ni Carlo J. Caparas ay ang paglabas ng karakter na si Berdugo sa People’s Tonight. Ang nag-drawing nito ay isa ring batikang dibuhista at masugid na tagasunod ni Coching na si Jun Borillo. Ang isusunod naman dito ni Caparas ay ang Kamandag na idu-drawing naman ni Karl Comendador.

Ang kagandahan dito, mababasa na rin ito on-line bilang isang web comic.

Narito ang link ng Berdugo.


1 Comments:

At Saturday, June 30, 2007 6:02:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sa bumubuo ng batikang dibuhista sa pilipinas katulad nina SIr Karl Comendador saludo kami sa inyo! at sa mga bagong henerasyon na manguguhit sa kay Sir Randy Valiente pag patuloy ang sinimulan na legasiya ng ating mga beteranong mang-guguhit.

 

Post a Comment

<< Home