Wednesday, June 20, 2007

NAR DE MESA

Pumanaw na si Nar de Mesa na isa ring beterano nating dibuhista. Ilang beses din siyang naka-attend ng meeting noong mga buwan bago ganapin ang Komiks Congress. Hindi na rin niya nagawa ang script na dapat sana ay kasama sa ‘Patimpalak Carlo J. Caparas Para Sa Komiks’.

Marami na kayong naiambag sa industriya, Mang Nar. Tatanawin namin iyon na isang malaking karangalan. Ang lahat ng bagong henerasyon ng mga komiks creators ay saludo sa mga beteranong tulad ninyo na hindi na umalis sa linyang ito ng paggawa ng komiks.


Kasama si Mang Nar sa unang meeting ng pagbubuo ng Komiks Congress noong Pebrero sa bahay ni Loren Banag sa Valenzuela.

Ang ikatlong meeting ng Komiks Congress kung saan isa siya sa nagsalita. Makikita sa larawan sina Jess Jodloman, Danny Marquez at Karl Comendador.

1 Comments:

At Thursday, June 21, 2007 8:41:00 AM, Blogger Reno said...

Condolence sa pamilya ni Mang Nar.

 

Post a Comment

<< Home