Friday, July 06, 2007

GUHIT PINOY + ADHIKA + MY JAPANESE STYLE

Malaking inspirasyon ang ginagawa ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Nakapagtayo ang mga Pinoy artists na ito ng community para maisulong ang galing ng Pilipino sa larangan ng pagdidibuho. Ilang beses ko na rin silang nai-feature dito sa blog ko, pero kailangang ulit-ulitin hindi lang para mai-promote ang grupo kundi para makapagbigay-sigla sa atin.

Mapapanood dito ang exhibit ng Guhit-Pinoy na ginawa noong nakaraan taon pa pero magandang mapanood na rin nating lahat.

Sa mga interesadong matuto ng pag-drawing ng human figure sa isang simpleng paraan, matatagpuan ang mga drawing na nasa ibaba sa section ng Advance Human Anatomy ng Guhit Pinoy Drawing Board.


Gumawa ako ng isang simpleng backgrounder ng Guhit-Pinoy kung saan puwede ninyo itong ma-download ng pdf file. Makikita ninyo ito dito: Guhit Pinoy.

Isa pa ring grupo ng mga modern painters ang nabuo sa Kuwait at handa na rin sila sa kanilang major exhibit ngayong taon na ito. Maari ninyong bisitahin ang kanilang blog dito: Adhika.






*****
Kausap ko sa YM noong isang araw ang boss ko. Ito ang tanong niya: ‘Can you draw manga?”

Napanganga ako. “What do you mean?”

“Can you draw Japanese style?”

“I mean…why?”

“Because I am thinking of a new project for you and I like it to be in manga style. Can you draw me a sample manga style?”

Sa isang struggling artist na tulad ko na binubuhay ng freelancing sa aking drawing, may mga bagay na kailangan kong isantabi. Mabuti na lang at flexible ako. After an hour, ipinadala ko ito sa kanya.

Tuwang-tuwa. “Perfect!”

Hindi ko alam kung magkakatuluyan kami sa project na ito. Pero isa lang ang naaalala ko, “When money talks, everybody listen.”

4 Comments:

At Sunday, July 08, 2007 1:24:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Randy V doing manga... now that will put you on the shit list of someone I know.

 
At Sunday, July 08, 2007 7:37:00 PM, Blogger Royale Admin said...

HANEP Randy, di biro ang Manga mo! Marami kang paiiyaking bata. Puwedeng-pwede. Ferpect!

And i say, "you better listen, and listen well." Hahaha!

 
At Sunday, July 08, 2007 10:03:00 PM, Blogger Unknown said...

matutuloy ba kayo dito sa Cebu? Kelan un? Kontakin mo ko ha.

 
At Monday, July 09, 2007 12:39:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Filipino Mafia? astig! XD

about sa manga style at sa mga nagsasabi na hindi siya "Filipino" na style, ba't di nalang pwedeng sabihin na magaling yung pinoy sa lahat?

"oh, Filipinos? damn, they could do all kinds of comics."

o diba?

 

Post a Comment

<< Home