Saturday, July 14, 2007

TEASER AND PRESS CONFERENCE

Ilang buwan na akong nag-iisip ng isang kakaibang project. Iyon bang puwede kong gawin kapag nanonood ako ng tv (yes! nakakapag-drawing ako habang nanonood ng tv). Kung anu-ano ang naiisip ko, puro ka-weirduhan basta magkaroon lang ng project na hindi naman masyadong nalalayo sa ginagawa.

Then isang araw na-meet ko na lang ang isang writer na si Mia Sereno through Tin Mandigma of Read-or-Die. Nag-usap kami tungkol sa plano, tapos ipinakilala ako sa isa ring award-winning writer na si Rebecca Arcega, nag-meet kami one morning sa isang coffee shop. Iyon na, nabuo na.

Puwede ko sigurong sabihin na first time lang mangyayari ang ganitong klase ng collaboration dito sa Pilipinas. At hindi ko muna sasabihin kung anong klaseng collaboration ito. Malaki ang role ng bawat isa sa amin sa project na ito, mawala lang ang isa dito, hindi matutuloy ang project.

Napakaaga pa para ibigay ko ang ilang details, at 'very rough' teaser pa lang ang nakikita ninyong image sa itaas. Pero gusto ko nang magkaroon kaagad ng early promo dahil nagbabalak kaming magpakita ng ilang pages sa 28th Manila International Bookfair sa August.

*****
Magkakaroon ng press conference ang 'big' publisher ng komiks na binabanggit ko dito sa July 26 (12:00 noon) sa NCCA Bldg., Intramuros, Manila. Ang lahat ay iniimbitahan na saksihan ang pagbubukas na ito ng opisyal na pangalan ng mga komiks na ilalabas at ang pangalan ng 'mga' publishers.

Magkakaroon ng kaunting kainan (as usual, 'yun naman ang habol ko hahaha!) sa lahat ng dadalo.

Hindi ko na muna babanggitin kung sino ang 'mga' publishers na ito. Mas magandang sa presscon niyo na malaman kung sino sila at ano ang plano nila sa mga komiks na ilalabas.

May opisina na sila sa Ortigas at isa ako sa naka-attend sa first meeting noong isang araw. Nagsimula na ring magbigay ng mga contributions ang mga writers at artists dahil nagsisimula nang ipunin ang mga materyales.

Magpo-post ulit ako ng tungkol dito bago ang July 26.

2 Comments:

At Monday, July 16, 2007 4:47:00 PM, Anonymous bhex said...

hi sir randy! the teaser art is gorgeous! i couldn't help but plug! :D

good luck po sa atin!

 
At Monday, July 16, 2007 9:41:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Thanks Bex :)

 

Post a Comment

<< Home