ANG TOTOONG PROBLEMA NG KOMIKS
Umatend ako ng launching ng Powerbooks Trinoma noong Sabado. Interesting ang mga naging guests, kabilang dito sina National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, Pugad Baboy creator Pol Medina, may-ari ng National Bookstore na si Nanay Coring, at iba pa.
Isang audience ang nagsalita tungkol sa kalagayan ng publishing industry sa bansa, na ang tunay na problema ngayon ay ang readership ng kahit anong klaseng babasahin. Totoo naman na sa 85 million na mga Pilipino, baka wala pa sa isang milyon ang talagang readers ng kahit anong babasahin.
Maganda ang binitiwang salita ni Bienvenido Lumbera, hindi ito ang aktuwal niyang sinabi pero ito ang punto niya, “Mahal ang magbasa ngayon. Ang talagang mga readers ngayon na nagpupunta sa bookstore ay iyong nakakabasa din ng English. Ang pagbabasa ngayon ay maituturing nating luho. Dahil hindi lahat ng Pilipino ay kayang bumili ng libro. Kahit nga dyaryo ngayon, kung magbabasa ka araw-araw ay maglalaan ka ng P15-P20 bawat isang araw. Na sa isang karaniwang Pilipino ay malaking bagay na ang halagang ito.”
Mataas ang readership as a whole noong 70s at 80s dahil sa komiks. Kahit komiks ang binabasa ng karamihan sa atin, at least nagbabasa pa rin tayo. Nakikita ko ang problema sa ekonomiya. Babalik at babalik tayo sa tunay na kalagayan ng karaniwang Pilipino na hindi kayang maglabas ng pera para sa isang babasahin. Luho na talaga ang pagbabasa ngayon. Malungkot mang isipin pero ang pagbabasa ngayon para sa marami ay hindi na daw nakakabuhay. Sabi pa ng iba na mapurol din talaga ang pang-intindi, “Napapakain ka ba niyang pagbabasa mo?”
Malalim na ang ugat ng problema ng readership dito sa bansa natin. Napapalala pa lalo ito ng mga babasahing hindi accessible sa karaniwang Pilipino. Hindi accessible dahil kung hindi man mahal ang presyo ay mahirap pa itong hanapin.
Maganda ang binitiwang talumpati ni Virgilio Almario sa opening ng Read-or-Die Convention na ginanap kamakailan tungkol sa problema ng pagbabasa. Isa sa nabanggit niya ang limitadong paggamit ng wikang Filipino sa ating mga babasahin. Isa rin sa nakakatawang nabanggit niya, dito sa Pilipinas, kapag ang libro ay bumenta na ng 1,000 copies, matatawag na itong bestseller.
Ilang taon na rin akong pabalik-balik sa mga bookstores. Sumatutal ay may idea na ako kung anong mga babasahin ang mahal ang presyo. Maging ang Booksale na paborito kong puntahan ay nagmamahal na rin, hindi na ito kasingmura noong bagong labas pa lang nito.
Kaya babalik talaga tayo sa problema ng ekonomiya. Parang cycle ito na paulit-ulit nating iisipin. Mahal ang printing, malaki ang kaltas ng ahente at bookstore, at mga may pera lang ang kayang bumili ng libro kaya mahalin na rin natin ang presyo.
Nakakagulat na sa halos mahabang panahon din ng debate dito sa internet kung dapat bang mahal o mura ang presyo ng komiks, heto at naglalabasan itong malalaking publications na nag-iba ng strategy sa paglabas ng komiks. Tiningnan nila ang reyalidad na hindi talaga kayang bumili ng karaniwang Pilipino ng mahal na komiks. Kaya heto at maglalabas sila ng komiks na P10 lang ang presyo.
Testing ground ito sa tingin ko. Kapag hindi ito pumatok, ang tatlong ito ang dahilan:
- Hindi na makuha ng mga publishers at creators ang tunay na ‘kiliti’ ngayon ng modernong mambabasang Pilipino.
- Mahal pa rin ang presyong P10, dahil makakabili na ito ng kalahating kilong bigas.
- Hindi na kasama sa kawawang kalagayan ng ating mga kababayan ang pagbabasa.
Kapag napatunayan natin na ito nga ang mga dahilan, siguro’y puwede na nating tanggapin na luho o luxury na lang talaga itong pagbabasa.
At panahon na rin para magbago na tayo ng marketing strategy at konsepto sa ginagawa natin (mapa-story man o drawing), ang kailangan na nating targetin ngayon ay ang mga luxurious people o ang mga taong may luho.
******
GOOD NEW SA MGA INDEPENDENT PUBLISHERS!
Nakausap ko si Tin Mandigma ng Read-or-Die at naibalita niya na gusto niyang isama ang mga independent publishers ng komiks (kasama na ang Xerox) sa gaganaping 28th Manila International Bookfair sa August.
Kung sino sa inyo ang gustong magtinda ng inyong mga ginawang komiks ay puwede ninyong kontakin si Tin Mandigma o kaya ay pumunta sa link na ito sa ilan pang detalye.
4 Comments:
i agree. its quite expensive to read newspaper everyday... people will just watch news on tv.
SIGURO tama ang sinabi ni bien..pero sa isang banda bakit SIGURO!,kasi hangang ngayon marami parin ang nagbabasa at nakikibasa,kung ang pagbabasa ang pagbabasihan milyon milyon satin ang gumagawa nyan,hindi sa mahal ang mga libro kundi talagang nagbago lang ng pananaw ang mga tao tungkol dito..una agree ako kay hazel., may TV,dati bibihira lang satin ang nagkakaruon ng TV,so, nung time nayun,marami ang nagbasa at sikat ang mga komiks stand at mga pocketbooks,pangalawa lumawak ang internet,maraming nagbago di lang sa pagbabasa pati sa pagaaral narin..kung ang dati libangan ang magkwentuhan ngayon libangan ang maglaro at mag surf o makipagchat sa internet..click lang nasa ibang bansa kana...so iisipin nila no need na magbasa o bumili ng libro..di yun sinadya kusang dumating sa isip ng tao..pero may napansin ako dito sa ibang bansa(kuwait),mas lamang parin ang pinoy na nagbabasa ng libro o anumang babasahin,bakit? kasi ang pagbabasa ng tungkol satin dyan ay nakakapagtangal ng homesick,nakakapagrelax,nakaklimutan ang pressure sa trabaho at nakakaaliw..madalas nauubusan ako ng dyaryo sa tindahan para bumili,ang siste pumupunta pako sa kuwait city para makabili ng dyaryo natin..so dipende pala yun sa sitwasyon..ako dahil sa malayo ako sa pinas mas intensyon kong magbasa at maghagilap ng babasahin..SIGURO PARIN HA..para SAKIN HA,ang kailangan lang gawin eh baguhin ang pagsusulat,para kasing paulit ulit lang ang tema ng nababasa ko eh.SORY HA,alam kong wala akong karapatan,pero bilang isang mambabasa ayun yung nakita ko,di nako bibili ng isang bagay na alam ko naman na pareho lang ang tema,alam kong maraming matalino satin,gaya ng mga scientis,trial and error,dapat pinagiisipan din,at kailangan na nating magimproved,gaya ng pag-upgrade araw araw ng cellphone..(SA MADALING SALITA DAPAT MAY SOMETHING NEW-ika nga)
ever
Sa dating article mo, me pina-link ka sa website ng National Book Development Board. Doon, may estatistika 2003 na nagsasabi na maraming Pilipino ang nagbabasa ng Textbook kesa sa NON-textbook. Mas marami ang bilang ng textbook kesa sa NON-textbook.
Ang NON-textbook na mas marami ang bilang at laging binabasa ng Pilipino ay ang BIBLIYA at Tagalog Romance Pocketbook. Ang ibang NON textbook gaya ng mga nasa National Bookstore ay konti lang ang bilang.
Dahil dito, medyo mahirap isipin na me katotohanan ang proposisyon na konti na lang ang nagbabasa ngayong mga Pilipino. Marami pa rin ang nagbabasa pero dahil nga sa kahirapan ngayon, ay may prioridad sila kung ANO ang dapat basahin.
Kaya marami ang nagbabasa ng textbook ay bukod sa imposisyon ito ng paaralan, ay kailangan ang edukasyon kung gusto mong guminhawa ang iyong buhay, mas magkaroon ng halaga ang iyong serbisyo sa iba.
Sa komiks ngayon, WALA NIYAN. Mahal na, kadalasan ay wala pang katuturan ang mga nilalaman nito. Bagkus, gaya pa ang mga komiks ng Amerika at Japan.
Sa ngayon, ang konting mga NON-textbook tulad ng komiks ay nakatuon sa mga mayayaman. Inaakma ng mga komiks na ito ang hilig at pihikan ng mayayaman na audience: ang babasahing banyaga. Dahil dito, konti ang bilang, mahal ang presyo, limitado ang sirkulasyon at may temang banyaga ang mga komiks ngayon.
Dahil ba sa ito ang nangyayari ngayon, ibig bang sabihin ay walang lunas? Wala ba tayong kapangyarihan para mabago ang sitwasyon?
nuong bata pa ako. nagbabasa ako nuon ng funny komiks. buhay pa ba ang funny komiks?
Post a Comment
<< Home