Wednesday, August 01, 2007

MAGSURI, MAG-ARAL AT…MAMALENGKE

…Nang hindi tayo nagiging inosente (o ignorante).

Subject: PILIPINAS

Population: 88 million Filipinos

Quality of living (rough estimate):

75 percent- below poverty line

15 percent- middle class

10 percent- rich (as in!)

Sino sa 88 million dito ang nagbabasa ng komiks na gawa sa Amerika o kaya Manga? Taas ang kamay.

Sino sa 88 million dito ang nakakakilala kay Jim Lee? Taas ang kamay.

Sino sa 88 million dito ang nakikinig ng kanta ni Freddie Aguilar at April Boy Regino? Aba! Nagtaasan ang kamay at paa!

Iyan ang masang Pilipino.

Sa ayaw man natin at sa gusto, ito ang existing na majority dito sa Pilipinas.

Bakit ko sinasabi ito? Simple lang…

Gusto kong umalis tayong lahat sa ating mga sariling kahon. Pag-aralan natin ang galaw ng bawat tao. Suriin natin ang lifestyle ng mga tambay sa kanto, nagtitinda ng taho, driver ng jeep at sidecar, nagtitinda ng banana cue at barbecue, naglalako ng puto at kutsinta, nag-aararo, mangingisda, cigarette vendor, nangunguha ng basura sa kalye, mga batang nagpupunas ng sapatos sa jeep, mga vendor ng isda at gulay sa talipapa, mga aleng walang ginawa maghapon kundi magtsismis sa kapitbahay, mga mister na pagdating ng alas sais ng hapon ay red horse na kaagad ang hawak, mga batang maagang natutong mag-marijuan at mag-shabu, mga labandera, mga nagtitinda ng pirated na dvd sa quaipo, mga palakad-lakad sa mall na wala namang pambili, mga sabungero, mga nanay na problemado sa mga anak, mga tatay na hindi makahanap ng matinong trabaho…

Sa tingin niyo…kagaya kaya natin sila mag-isip? Ang kanilang art appreciation? Ang kaalaman nila sa literature? Nakakita na kaya sila ng gawa ni Alex Ross? Kilala kaya nila si Brian Michael Bendis?

Bago niyo sagutin ‘yan, bibigyan ko kayo ng assignment:

Pumunta kayo sa palengke, kahit dito na sa Metro Manila. Subukan niyong magtanong sa mga tindero doon. Sino ang mas kilala nila: Si Alan Moore o si Gilda Olvidado?

Kapag napatunayan niyo sa akin na mas kilala nila si Alan Moore…isasara ko ang blog na ito. Dare?

Ano ang punto ko dito?

Simple lang din. Dito masasagot ang mga tanong niyo. Bakit ibinabalik sa masa ang komiks? Bakit kailangang gawin ito ng isang businessman na nakalinya sa entertainment field at nakatira dito sa third world country?

Bakit P10 ang komiks? Simple lang ang sagot. Tatanungin ko lang din kayo. Bakit mas maraming tao sa Jollibee kesa Yellow Cab? Bakit ang dalawang malalaking tv stations dito ay puro ‘jologs’ ang palabas?

Kapag nasagot niyo ‘yan, email niyo lang me.

Samantala, manonood muna ako ng Wowowee.

13 Comments:

At Thursday, August 02, 2007 12:51:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Malinaw yung punto mo, kaya lang yung statistics ay hindi tama. According to market segmentation ito ang info:

Rich (class AB): 1%

Middle class (upper C): 9%

Broad middle class (lower C): 45%

Lower income and poor (class D and E): 45%

Ang percentage below poverty line ay nasa 40%, at karamihan nasa probinsiya.

Ang pagkaalam ko, ang cut-off ng class AB ay yung P100,000/month ang kita. Pero di ako sigurado.

Ang class D ay yung mga tipong pamilya ng katulong o family driver.

Ang class E ay yung mga namumulot sa basurahan.

 
At Thursday, August 02, 2007 9:42:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Rob,

So roughly, it's 10% vs 90%. By sheer volume alone, doon ka yayaman mag-cater sa 90%, gaya ng ginawa na ni Nora Aunor, Sharon Cuneta, CJCaparas, ABS-CBN/GMA7, Mother Lily, Jolina Magdangal, WOWOWEEE, April Boy, Eddie Peregrina, JOLLIBEE. Ika ng isang kaibigan ko, kung gusto ko daw yumaman, magpaka masa ka !
On the other hand, catering to the small segment seems to be a losing proposition, dahil sa liit ng profit margins mo , saka cost of investments.
Wala bang middle ground ?
Ang nakikita kong solution eh e-educate at payamanin yung 90% para mas lalong lumago at lumaki yung 10%. Palagay ko nangyayari na ito, dahil sa mga OFWs natin. Nae-educar na sila, at umaayos na rin ang economic well-being nila, but at a staggering social cost, like broken marriages, adultery/infidelity/ lack of parental care and love, homosexuality, AIDS and other STDs. But it's extremely slow, baka hindi natin makita ang results ng social change within our lifetime. Sana mi mabilis na agent for social change.

Randy,

Mabuti pinalawak mo ang perspective regarding komiks consumers in Pinas (economic profile)at ang implications nito sa lahat ng Komikeros. But you would be surprised. Ng nasa UPLB pa ako noon, mi nagkwento sa akin na isang researcher, nagiinterview ng mga rice farmers along the Laguna/ Quezon border, nagulat daw siya, isang farmer, nagaararo sa bukid, mi transistor radio nakasabit sa kaniyang araro, at nakikinig ki... hulaan mo ? Nora ? Vilma ? Sharon ? Eddie P.? Ruben Tagalog ? Victor Wood ? sirit na ? none of the above ! Ki DAVID CLAYTON THOMAS, at sa BLOOD, SWEAT, & TEARS sa kantang And When I Die... how do you explain that ?

Auggie

 
At Thursday, August 02, 2007 10:25:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Rob-
Thanks for the infos. Binase ko lang ang statistics ko base sa madalas kong marinig sa mga nagra-rally sa Mendiola. Pero at least ngayon alam ko na, 1% lang pala ang mayayaman dito :)

Auggie-
Meron pa rin exceptions to the rule. Individuality na ito.

 
At Thursday, August 02, 2007 10:37:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

Pareng Randy Congrats!

Sapul! I like the way you tell us your point on hows and why. The logics are very clear!

Galing! Nanindig balahibo ko dito.

Maging Negosyante ka nalang kaya pare Randy?><

 
At Thursday, August 02, 2007 12:34:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Auggie,

Actually when you talk about pang-masa consumer items, you're generally just catering to upper and broad C market. Ang class D and E are practically not in the radar (kumbaga, class D can hardly afford Jollibee, and class E can't even afford to commute to Jollibee in the first place). That's just about 54% of the population.

 
At Thursday, August 02, 2007 3:52:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Dahan-dahang naumulat ang mata ng mga burgis sa blog ni Randy. Di nasayang ang laway dito last year.

 
At Thursday, August 02, 2007 4:53:00 PM, Blogger Bluepen said...

Ayos ganda na naman nito! ahehehe

About sa 10 pesos na komiks:

Yun kasi ang target ni Carlo J. ang mahihirap, kung 88 million ang magbabasa ng komiks at naghihirap at bumili ng 10 pesos na comiks. Wlang hiya hindi lang tubong lugaw ang kita nya dyan kundi ga swimming pool na lugaw na yan kung ganun ang mangyayari. hahaha

Kumpara sa P50 to P120 na babasahin, wala pa atang milyon ang bumibili nyan.

Tulad ng sabi ng iba, Additional na income pa, kapag naging movie or lumabas sa tele serye ang komiks nila.

 
At Thursday, August 02, 2007 5:40:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Tama ang point mo Randy. ang P10 ay maaabot ng majority ng Pilipino, at ang Sterling Publishing Machine lang (baka rin ang NBS) ang may kayang abutin yung demands ng sheer volume.

Kung sa point of view ng smaller, or startup na publisher, mas madali siguro isipin habulin yung middle to upper class kasi mas maliit (therefore mas madali) yung distribution. Tas pag kumita, duun lang siguro nila iisipin yung Komiks para sa masa, kasi nagkaroon na ng puhunan.



Auggie,

OFW remittances + BPO incomes = expanding middle class. middle class buys 100 to 150 peso magazines monthly, while AB classes buy graphic novels and expensive books. baka ito yung tinatanong mong middle ground.

 
At Thursday, August 02, 2007 11:14:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Siguro nga, kasi personally, I can't afford those 600 plus Graphic Novels.

Rob,

Eh yung tinatawag ng Left na mga LUMPEN-PROLETARIAT, saan sila pumapasok ?

Auggie

 
At Friday, August 03, 2007 6:13:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Mukhang di yata tama ang figures ni Vilabona. Ayon sa kanyang undisclosed source, 45% daw ang composition ng middle class sa Philippines, o mga taong kumikita ng P15,000 to P30,000 a month.

Sa Metro Manila, tama ito. Me inilabas ang Inquirer kamakailan ng estatistika dito hango sa survey na ginawa ukol sa kanilang readership.

Sa Metro Manila LANG (at iba pang konting highly urbanized areas ng bansa tulad ng Cebu at Calabarzon) maaaring sabihing me lumalaking middle class.

Pero sa BUONG BANSA, hindi ganyan. Mas maliit ang porsiyento ng Middle Class. Mas MALAKI ang income class lower C, at lower income class D at E. Ito ang mga taong nabubuhay sa P100 to P53 kada araw bawat katao sa 5 miyembro ng pamilya. Kaya nga THIRD WORLD ang bansag pa sa ating ng mundo.

Sa Metro Manila at urbanized areas mo lang makikita ang mga "mahihirap" na mas magaan ang buhay kesa sa mga nagugutom sa probinsiya.

 
At Friday, August 03, 2007 10:27:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Anonymous,

First of all, I did not say what broad C salary range is, because I do not know for a fact. It's more likely that the salary range you mentioned is within the upper C group (which is 9% of the population). Pls don't put words in my mouth to make it appear that I'm claiming that 45% of our people are well off. I merely corrected the notion that 75% are below the poverty line. It's actually 40%. But still a sizeable amount (broad C) don't make a comfortable living -- not the 15-30K you mentioned.

Although I agree with you (and I did state) that the large percentage of D/E are outside Metro Manila and other urban centers.

Here's the source if you want to read for yourself:

http://rubycalo.wordpress.com/2006/10/16/public-administration-in-the-philippines/

 
At Monday, August 06, 2007 11:21:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

More stats:

According to the CIA World Fact Book, the percentage of the Philippine population below the poverty line is less than 18%.

Just goes to show there's no universal definition of "poor".

 
At Monday, August 06, 2007 11:48:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Ay mali, pala yung nakita ko. Sa Indonesia pala yon. Just ignore this post and the previous.

 

Post a Comment

<< Home