CAPARAS’ PRESSCON AT KOMIKON
Super bongga naman itong presscon ni Carlo Caparas. Pagpasok ko pa lang sa Intramuros ay sinalubong na ako ng mga streamers sa lahat ng poste tungkol sa pagbubukas ng bago niyang komiks. Meron pang banda sa harap ng NCCA, may mga majorette pang nagsasayaw.
Ibang klaseng event ito sa komiks dahil pipitsugin ang mga bisita—Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Heherson Alvarez, Manoling Morato, National Artists Napoleon Abueva at Alejandro Roces, isang Governor, isang Vice Mayor, mga opisyal ng Department of Education, mga kawani ng Komisyon sa Wikang Filipino, sangkatutak na reporters at journalists galing sa lahat ng television stations, mga dyaryo at magasin, mga dealers mula sa Luzon, Visayas at Mindanao tulad ng Newspaper, Magazine and Komiks Dealers Association of the Philippines (NMCDAP), Central Luzon Newspaper and Magazines Dealers Association, Newsmag Dealers Association of Visayas (NDAV) at ang Mindanao Print Media Association.
Mahigpit ang security, pero ang dami pa ring tao. May giveaways tulad ng tshirt, pentel brush, 2 signpen, 2 notebooks, malaking photo album, pamaypay, at isang kilong bigas (totoo ito ha). Merong libreng kape sa bagong dating, merong free lunch, may Jolibee nu’ng merienda time. O di ba ang taray!
After ng presscon ay nagkaroon ng open forum. Mas natutok ang usapan between the publisher and the dealers. Sila kasi ang walang humpay na nagtanong kina Caparas at sa Sterling. Masyadong teknikal na ng distribution topic ang nangyari kaya hindi ko gaanong nasubaybayan. Bigla pang may sumulpot na representative ng Philippine National Bank (PNB) para sa dealings ng publishers at dealers. Nag-aanounce na rin na magkakaroon ng hotline (parang call center) ang Sterling para lang sa komiks department nila para kung sakaling may tanong ang lahat ay doon lang tatawag sa number na madaling kabasaduhin.
Seryoso sila. As in.
Tutal ay tapos na ang presscon, puwede na akong mag-tsismis ulit sa mga nakaraang pangyayari. Naka-attend ako ng unang meeting between the contributors and Sterling almost a month ago sa Raffles Building sa Ortigas (dito isi-setup ang opis ng bagong komiks). Nang una kong malaman na Sterling ang business partner ni Caparas, napaisip agad ako: “Kala ko Mango ang may hawak sa Sterling?”
Nasagot ang tanong nang sa una pa lang pagpapakilala ng vice president for marketing ng Sterling ay nabanggit niya ito: “Updated kami sa nangyayari. After ng Komiks Congress ay nasubaybayan na namin ang balita tungkol sa balak na Komiks Caravan ni Direk Carlo. Hindi na namin tinigilan na subaybayan siya, hinabul-habol namin siya kahit saan siya magpunta. At ‘yun ang simula ng pakikipag-deal namin bilang partner sa kanila ni Donna Villa.”
Kanina, sa open forum, ito naman ang binanggit ni Donna Villa: “Maraming kumontak sa aming mga malalaking publishers habang ginagawa ang Caravan para makipag-partner sa paglalabas ng komiks. Pero dito kami sa Sterling mas napalagay ang loob.”
Kung pagbabatayan natin ang mga dialogues na ito, ang laki ng naitulong ng awareness ng Komiks Congress at Komiks Caravan para sa mga business entities na sumusubaybay sa ginagawa ni Caparas.
Package deal si Direk Caparas kung tutuusin, sikat na, maraming koneksyon (pati sa gobyerno), at hindi mahirap lumabas sa mga tv stations. Kung ako ay isang financer at gusto kong sumubok ng isang business na meron nang foundation, kukunin ko na nga itong si Caparas. Nagtrabaho siya ng husto simula noong February, lumabas sa dyaryo araw-araw at laging balita sa tv.
At ito pa ang nasagap ng aking mala-agilang mata kanina sa presscon, gagala-gala si Joe D’Mango habang ginagawa ang presscon. In fact, sa harap ko lang siya nakapuwesto hehehe. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Hmmm…
Hindi ko pa alam kung ano ang nangyayari ngayon sa Mango. Pero last week ay nakatanggap ako ng balita na itutuloy nila ang paglalabas ng komiks, at hindi nila ito iiwan. Malakas nga ang kutob ko, may niluluto silang project. Abangan na lang natin.
Samantala, napapansin ko sa sarili ko…na tsismoso na nga ako hahaha! Puwede na ba sa The Buzz?
*****
Nakausap ko rin kanina sina Tagailog at Jon Zamar. Itinanong ko ang tungkol sa Komikon. Sabi nila ay baka maurong ito sa November 17, final na ito.
Gusto ko ang konsepto nila ngayong taong ito. Parang kakantahin ko yata ang sikat na kanta ni Verna Liza: Magkaisa….at magsama…kapit-kamay….
20 Comments:
ayus yan dy, mabuhay ang pinoy komiks!
Randy, kung gusto mo malaman ang nangyari sa Mango, basahin mo ito:
http://zionson.multiply.com/journal/item/18
At sa tingin ko nabasa mo na rin ito:
http://gerry.alanguilan.com/archives/145
Natutuwa ako na mabubuhay na muli ang komiks. Isang magandang bagay ito. Pero nasusuklam ako sa pamamaraan para maabot natin ito.
Base sa mga nabasa ko, question na ito ng pag-uugali (manners) ng bawat taong involved. Sa business world, iba na ang usapan.
Ayoko lang mag-komento sa bawat isa sa kanila baka i-ban nila ako hahaha. Gusto ko pa namang gumawa sa kanilang dalawa sa abot ng aking makakaya.
Sa contributor's point of view: sa Mango, may mas mataas na page rate, kay Carlo may freedom sa stories. Base sa mga beteranong nakausap ko, hindi isyu sa kanila ang rate na ibinigay ni Carlo dahil na nga rin dito sa sinasabi kong 'freedom' sa creation. Sa pagkakaalam ko kasi sa Mango, ang ipapasulat sa iyong kuwento ay galing sa synopsis ng Love Notes, which is, para sa isang writer (lalo na ako), hindi ko trip gawin. Mas gusto kong magsulat direct sa istoryang naisip ko.
Para ma-testing ko ang rate na sinasabi ni Carlo, nagsulat ako ng short story na 4 pages. Hindi pa man naipapasa ang script ko sa artist, ay pinasingil na kaagad ako ng Sterling. At nagulat ako dahil hindi siya 25% higher from Atlas (nang huli akong magsulat sa komiks nila ng 2002), mas malaki siya ng 150%.
I mean, mas mataas pa rin talaga ang bigay ng Mango. At alam kong makakahatak sila ng maraming contributors na gagawa sa kanila.
Ultimately, it's up to the creators. If they feel they're being treated fairly, then good for them. But if, as a creator, sa tingin mo you're being shortchanged, then don't do it.
Sabi ko nga sa PKMB, business is business. Sometimes, may mga "underhanded tactics" being employed. Ganoon talaga. Pero kung hindi illegal, e wala ka talagang magagawa.
I've read the Mango side of things, but then, I've also heard some things on the Caparas side of things. Each has their own valid arguments. Mahirap mag-judge. He said, she said, ika nga.
Sana magtuloy ng paglalabas ng komiks ang Mango. Di lang naman siguro Sterling ang puwedeng maging investor. Sana magtagumpay si Caparas, dahil ibig sabihin makikita ng mga investors na viable business ang komiks. Kung magkaganoon, e di lapitan ng Mango itong mga willing mag-invest sa komiks. At sa ganoon din, hindi mamo-monopolize ng Caparas komiks ang market. Healthy competition ang mangyayari.
Sinong panalo? Ang mga readers.
From what I read in the blog entry, I see nothing wrong with what happened to Mango comics.
There's no such thing as "bad manners" to try to get someone's business from somebody else. That's what competition is, and that's what keeps prices low for consumers.
There's no such thing as "bad manners" to steal a POTENTIAL deal from someone else by offering better terms. This is business, not marriage. There's no contractual breach from what I understand. If you a approach a negotiation by treating strangers as your friends, you're most likely to get screwed over. But that's just business.
I think the blog entry is plain sour-graping.
On another note, that Komikon poster(?) is inspired. My compliments to the designer and conceptualizer.
Diversity should trump intolerance, no matter what the motivations are.
I agree, Robby. In the advertising industry, clients are stolen from under your nose all the time. That's the nature of it. But you don't see our bosses complaining about it. We just try to attract other clients.
Para ma-testing ko ang rate na sinasabi ni Carlo, nagsulat ako ng short story na 4 pages. Hindi pa man naipapasa ang script ko sa artist, ay pinasingil na kaagad ako ng Sterling. At nagulat ako dahil hindi siya 25% higher from Atlas (nang huli akong magsulat sa komiks nila ng 2002), mas malaki siya ng 150%.
Randy, ang nabasa ko dun kay Zionson was "existing rates plus 25%". ang ibig mo bang sabihin ay ngayon naging existing rates plus 150%, so papatak ng P300 + P450 = P750, or 150% ng existing rates-- P450?
Karagdagan lang, nabanggit ng asawa ni Carlo J. noong presscon na habang isinasagawa nila yung Caravan ay nilapitan sila ng maraming publishers, pero yung Sterling ay yung pinili nila. Kung totoo iyong sinabi nya ay sa tingin ko ay maraming ibang options parin ang mga may gustong kumpitensyahan sila.
Garro-
Ang rate ng Atlas nang huli akong magsulat noong 2002 ay P200+. Ang rate na ibinigay ni Caparas ngayon sa akin ay aabot ng halos 200%+. Mas malaki pa rin naman ang sa Mango.
Re: Donna Villa's statement, at sa Sterling na rin mismo, kung pag-aaralan natin mabuti, walang sulutang nangyari. Ang Sterling mismo ang naghabol kay Caparas. Kaya nga sinabi ko na isa ito sa bunga ng Caravan at Kongress, nabigyan ng attention si Carlo. Kaya ng mas magandang marinig ngayon ay ang side ng Sterling.
Wala rin namang dapat ikabahala ang Mango, kung tingin nila ay bebenta ang produkto na kanilang naisip, maari pa silang maghanap ng ibang partner. At dahil mas mataas din ang rate nila sa contributors, makakahanap pa rin naman sila ng mga gagawa.
Randy,
Mabuti na-clarify mo na wala naman palang sulutan na nangyari, kundi mismong Sterling ang nag decide, ng na -compare nila ang quotations ng competing bidders. Well, nangyayari talaga ito. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit mabilis makakita ng business opportunity ang Sterling kesa sa iba, halimbawa, National Book Store na mahaba din naman ang pisi at walang problema sa marketing. Fast on the draw sila. Para tuloy HOT PANDESAL SYNDROME ito, pakiramdaman, pag nag-click, ang daming papasok, at alam mo na ang mangyayari, it will peter out. Nakita na natin ito sa Pandesal, Shawarma, Litson Manok, etc....
auggie
Hindi ko 100% sure kung wala ngang sulutan na nangyari. Binase ko lang ang analysis ko ayon sa mga binitiwang salita ni Donna Villa at ng Vice president for marketing ng Sterling. Lumalabas kasi na sila ang naghabol kay Caparas. Kung totoo ito, walang dapat ikagalit ang mga Yonzon kay Caparas, dapat ang Sterling ang kuwestyunin nila kung bakit nagkaganito.
Re: National, yup magagawa nito ito. Ang problem, kahit na hawak ng National ang Atlas ay para rin silang magkahiwalay na entity. Ewan ko ba kung bakit. Kung magtagumpay itong ginagawa ni Carlo, baka biglang magising ang National at pagsi-sermunan na ang mga taga-Atlas.
randy,
hindi gagawin ng nbs ang ganito kasi nga ay pinatay nila ang komiks industry para ang basahin na lang ng mga pinoy ay ang mga tinda nilang angkat na babasahin, na halos kalahati ang kanilang tubo. Harry Potter sells for P1,300+ a copy. 40 percent niyan ay sa nbs. kung maglalabas sila ng komiks na P10, apat na piso lang kikitain nila, nagastusan pa sa editoryal at printing.
they just bought and mothballed atlas... for their own business interests. no wonder hindi na sila nagreregular ng employee and though they are maintaining some, only to look operational.
and remember, bangketa ang tinarget nina carlo at sterling. no copies for any nbs outlets—or any other bookstores for that matter. they knew better...
it's getting interesting. what does old deo of atlas now cooks in his mind?
Mahina lang siguro ang persuasion skills ng mga taga-Atlas ki Aling Coring. Kung makakausap ko lang at mi access ako ki Aling Coring, bibigyan ko siya ng scenario na nangayayari ngayon sa global arena. Limpak-limpak na salapi ang i-aakyat nito sa kanya. At hindi lang iyan, 70% of the infrastructure at marketing eh yari na dahil nga sa NBS niya, 30% na lang ang bubunuin. Kausapin mo Randy, at willing akong magtrabaho ki Aling Coring kahit part-time lang, at king ikaw ang project manager. Time to Un-retire na siguro... At naghintay pa ki Caparas at sa Mango, ang daming sinayang na oras at opurtunidad.
I tend to agree that P10 comics is not in NBS's interest. For almost the same shelf space you can display a P150-P500 magazine instead. Siguro yung mga graphic novels magka-interes pa ang NBS.
Rob,
Yun ang magandang i-discuss ki Aling Coring, reviving the art of the Golden Age. Siya lang ang may wherewithal to do this. Siguro pag nakita niya ang EL INDIO, na ni revive ni Gerry A., baka mag ka idea na rin siya. Ang daming gagawin actually....Pwedeng i-package into a high end Graphic Novel, side by side sa mga DARK HORSE, MARVEL, DC, na naka-displey sa NBS.
Auggie
Rob,
Yun ang magandang i-discuss ki Aling Coring, reviving the art of the Golden Age. Siya lang ang may wherewithal to do this. Siguro pag nakita niya ang EL INDIO, na ni revive ni Gerry A., baka mag ka idea na rin siya. Ang daming gagawin actually....Pwedeng i-package into a high end Graphic Novel, side by side sa mga DARK HORSE, MARVEL, DC, na naka-displey sa NBS.
Auggie
Auggie,
Ginagawa naman na nila ito para sa mga local graphic novels (kahit na siguro mas maliit ang profits nila dito). Makikita mo ang mga nobela ni Arnold Arre at Carlo Vergara katabi ang mga imported. Hindi nga lang sila ang publisher -- pero marami namang interesadong publisher sa nakita ko. Diba ilalabas nga ni Gerry A yung EL INDIO sa Komikon ngayong taon?
Oo pero iisa lang yun, sangkaterba pa ang nasa lumang baul that needs immediate publishing pronto ! publisher lang na mi datung ang kailangan. Biruin 20 years of pure unadulterated sheer beauty ! papaano ka mauubusan noon ? Saka, baka si Aling Coring eh nag basa rin noon ng mga nobela sa ACE at CRAF, you never can tell.
Auggie
Problema lang kung nais mang i-compile ang old works as Graphic novels. walang archives. San nila kukunin yung mga nawalang pages? Sayang talaga no?
At para magawa ito, sangkatutak na paglilinis ang gagawin. Buti kung may magbibigay ng pondo para dito, si Gerry kaya niya nagawa ang pagtiyagaan ang el indio ay dahil gusto niya talaga. Marami kayang Gerry diyan na handang magsakripisyo?
Si Aling Coring nga eh, mi ari ng NBS, paldo yun, kahit ilang tagalinis kaya niyang i-hire. At kaya niyang magcreate ng bagong division sa NBS. ARCHIVES and REVIVAL DIVISION. Walang gagawin ito kundi ang maghanap ng materials noong 50s-60s at ire-revive. Wala silang problema sa funding at marketing dahil existing na.
Post a Comment
<< Home