Monday, July 30, 2007

UMIINIT NA DISKUSYON

Puno ng kontrobersya ang komiks na ilalabas ni Carlo Caparas.

SULUTAN

Base sa iba, sinulot daw ni Carlo ang project sa Mango.

Mango lang ba ang may karapatang maglabas ng komiks? Sila ba ang unang nakaisip ng P10.00 na komiks?

Sa palagay ko ako. Hindi ba nagkaroon pa nga ng diskusyon dito kung dapat bang murahan ang komiks? Ako ang nanalo. Baka nagbabasa nito sina Caparas at Mango?

Sinulot ni Caparas ang Sterling sa Mango?

Sabi ni Donna Villa: Maraming publishers ang kumakausap sa kanila noong pang Caravan. Sabi naman ng vice president for marketing ng Sterling: Sinubaybayan nila si Caparas mula pa noong unang araw ng Caravan nito.

Lumalabas na hindi si Caparas ang sumulot sa Sterling. Ang Sterling ang lumapit kay Caparas.

Business. Kailangan nating matutunan ito.

PAGE RATE

Malaki ang offer ng Mango sa mga writers at artists.

Hindi masyadong malaki ang kay Caparas, pero sapat na kung ikukumpara sa Atlas at Liwayway.

Pero mismong si Hal Santiago ang nagsabi: Magdu-drawing ako ng libre, para ito sa komiks industry! (sabi niya kay Caparas sa huling meeting namin sa Maxs restaurant.

Mas excited gumawa ang mga beterano kay Carlo kesa sa Mango. Wala silang pakialam kahit mataas ang rate ng Mango?

CONTENT

Kung magsusulat ka sa Mango, bibigyan ka ng synopsis ng ‘Love Notes’ at ‘Maalala Mo Kaya’, ita-translate mo ito sa komiks.

Mag-isip ka ng istoryang kahit anong gusto mong isulat, puwede mong I-submit kay Carlo. Puwede ka ring mag-propose ng nobela at pumili ng artist na gusto mong maka-partner.

WORKERS

Sa Mango, ayon sa pagkakaalam ko, 16 pages ang gagawin ng isang artist at writer. Kung 32 pages sila, apat na tao lang ang makagagawa. Hindi ko rin sure kung monthly sila or weekly.

Kay Caparas, weekly ang labas. 5 titles kaagad. Bawat isang title, 8-12 persons ang magtatrabaho.

REVIVING THE INDUSTRY

Sa isa lang sila nagkasundo.

Pareho nilang ipinagmamalaki na: Bubuhayin namin ang komiks!

Ang dalawang 'propeta', hindi magkasundo. Hehehe!

Buti na lang may sarili akong kulto.

11 Comments:

At Monday, July 30, 2007 3:16:00 AM, Blogger Bluepen said...

Da bEst ka talaga Ka Randy. Pasukin mo narin ang pagiging reporter! Na ulaga ako sa mga binibitawan mo lahat alam mo! hahaha Lakas ng Radar mo sa mga ganyan! Panalo ka!

 
At Monday, July 30, 2007 10:52:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Randy ang hirap basahin itong mga entry na me mga closed parenthesis na (If Support the) ANO BA YAN?! Very distracting

 
At Monday, July 30, 2007 12:15:00 PM, Blogger Bluepen said...

Nilagyan mo kasi ng restriction ang pag post ng message dito sa blog mo. Kagabi ko pa ni post itong post ko. ngayon lang lumabas. hahaha

 
At Monday, July 30, 2007 2:27:00 PM, Blogger jay_panti said...

Di naman siguro sulutan, me mas magaling lang mag-handle ng business.

Mr. Randy, Napag-usapan ba kung pano idi-distribute yung mga komiks? Nakausap ko kasi ang mga taga psicom at sabi dito, sa P10 daw, malamang daw na P4 mapunta sa National bookstore at iba pang magazine stands, P1 sa magdi-distribute. Sa probinsiya naman daw eh halos ganun din at napakataas daw ng bayad sa barko at tricycle ngayon. So sa P5 na natitira, dun ang sa papel, printing at sa mga artist. Masyado daw atang risky ito.
Ang theory namin dito, kahit di kumita ang mga komiks na gagawin nila, panalo pa din si Caparas at Sterling dahil puwede nilang maibenta ang mga rights nito (kapag alam na ng masa ang mga characters at istorya nito) ng milyones sa mga movie and tv outfits.

 
At Monday, July 30, 2007 3:31:00 PM, Blogger Royale Admin said...

KONTROBERSIYA! Eksklusibo mula kay Randy Boy! ABANGAN!

Langhiya, showbiz na showbiz ka na Bro! Scoop na scoop ang dating!

Kaya lagi akong nakaSUBAYBAY!!! Sa pagbabalik ng EKSPLOSIBONG PAGLALAHAD dito lang sa nag-iisang THE BLOG!!! (ni Randy) hehehe...

 
At Monday, July 30, 2007 10:28:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Bluepen-
Marami akong spy hehehe.

Anonymous-
Magpalit ka kaya ng browser. Firefox na gamitin mo.

Jay-
Ang pagkakaalam ko ay walang balak dalhin ni Caparas ang komiks sa bookstore. Sa bangketa niya ito dadalhin, gaya ng mga tabloids at dyaryo. Actually, lahat ng tanong mo ay sinagotng Sterling sa launching ni Caparas dahil puro dealers ang nagtanong nito.

Mike-
Hehe! Ekslusibong ekslusibo mga kapamilya at kapuso!

 
At Wednesday, August 01, 2007 4:33:00 PM, Blogger Bluepen said...

May nabasa akong isang blog ni post ni John B.

http://comicspotting.blogspot.com/2007/07/its-tug-of-war.html

Kung iyong babasahin, parang may sulutan na nangyari. hahaha kaka baliw...

 
At Wednesday, August 01, 2007 8:51:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Randy,

Ano ba page rate ng kulto mo? :-)

 
At Wednesday, August 01, 2007 11:01:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Ahahaha, dito sa local hindi uso sa akin ang mag-expect ng malaking bayad. Karamihan ng gawa ko ngayon dito ay 'for the love of komiks' lang.

Sa mga Kano na lang akong bumabawi hahaha.

 
At Thursday, August 02, 2007 1:00:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Here's a semi-serious thought that perhaps artists here should seriously think about: maybe it's time to cut down on doing komiks for the love of it (i.e. accepting low pay for local stuff). If you cut the supply, the prices for services for local work will go up (principle of supply and demand). That will be beneficial to local artists. At puh-lease, sa mga artists, wag na kayo paloloko sa mga publishers who will sweet-talk you to lower your prices to help kick-start the comic. Payag lang kayo pag bigyan kayo ng balato sa future growth (written in black and white). Spec work like these also keep service prices low.

 
At Monday, August 06, 2007 5:13:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Reply re Caparas

Walang away ang Mango kay Caparas. YES Inc., owner of the brand Mango
Comics, was contracted by Sterling to develop into komiks form the
franchises Joe D’Mango’s Love Notes and Maalaala Mo Kaya of ABS
CBN. YES Inc., much less Mango Comics, has no stake in these two titles.

Sterling later decided to get another contractor to produce subsequent issues of the two titles after the first ten issues (5 Love Notes and 5 Maalaala Mo Kaya) were done. It was a purely business decision on their
part and YES Inc. has no quarrel with that.

However, there was a text barrage sent to artists and writers doing
work for YES Inc., to wit: “Yons(sic)on’s publications ceased to exist as of tonight. So with their business with writers and illustrators”, sending the persons who received it into a panic. Because, truth to tell, YES Inc.
gives them a good rate for their work: P1,000/inked page – a rate
that has been given by the company from way back when it did Darna and Lastikman.
We do not know how much the new contractor will be paying.

YES Inc. is rooting for the success of the two titles as well as of Caparas’ comics. In its view, the success of these projects will mean opening of channels for the rest of the creative people in the industry.

But YES Inc., Mango Comics or its people never arrogated unto
themselves the title savior of the local comics industry. Never did they even lay claim to reviving it single-handedly.

Suffice it to say that the company is committed to upholding the
dignity of creators by giving them fair compensation and respecting their intellectual property rights. YES Inc. has been consistently doing this since its foray into comics publication several years ago. “We walk our
talk,” so to speak.

We at YES Inc. welcome you, Randy, in your endeavors regarding local
comics. The industry needs all the help it can get.

More power!

Guia Yonzon
General Manager
Yonzon Entertainment Syndicate, Inc. (YES Inc.)
Email: guia@yonzon.com, guia@mangocomics.com

 

Post a Comment

<< Home