Sunday, August 12, 2007

NGAYONG MAY PUBLISHER NA…PAANO NAMAN ANG CONTENT?

Naalala niyo pa ba ito? Mahigit isang taon na ring pinagtalunan ito dito sa aking blog.



Ngayong may publisher na sumulpot na katulad ng dapat kong asahan pagdating sa publishing business, ang pagtatalunan na lang natin ngayon ay ang mismong laman ng komiks.

Hindi ko pa masyadong kabisado ang laman ng komiks na lalabas under Sterling- Caparas, pero nakita ko na ang ilang pages na ginawa ng mga beteranong dibuhista, pati mga script/nobela ng mga writers.

Sa aking nakita, ang mga nobela at short stories (kasama na dito ang presentation) ay naka-pattern sa dating komiks. Puwede kong sabihin na ang pinagkunan talaga nito ay ang 70’s-80’s era ng komiks.

Wala namang problema dito kung tutuusin. Ngunit may mga nasisilip ako na dapat nating pag-aralan sa panahong ito:

1. READERS

- Ako ang klase ng reader na nagbabasa ng komiks noong 70s-80s komiks. Ang mga kasamahan kong nagbabasa ay mas matanda sa akin at mas bata sa akin ng ilang taon lang. So, sa lalabas na komiks, ang pangunahing makaka-relate sa komiks ay ang mga readers na tulad ko ang orientation sa kinagisnang komiks.

- Kung ang mga tulad ko (early 30s pataas) ang makaka-relate sa komiks na lalabas, paano nila ito ii-inject sa akin. Ang mga priorities ko sa panahon ngayon ay ang trabaho, pamilya, at ikabubuhay. Sa madaling salita, mas mature ako ngayon kesa noong nagbabasa ako ng komiks noong 70s-80s.

- Ayon sa statistics, mas mahirap ang buhay ngayon kumpara noong 70s at 80s. Ang mga dating nasa bracket noon ng B and C market (high-middle class and lower), ay nalipat na ngayon sa D at meron pang napunta sa E.

- Kaya, kung ang dating B at C ay napunta na ngayon sa D at E, inaasahan natin na ang mga readers na ito ay ‘medyo nakaaangat’ na ang level of understanding. Kaya pa kaya natin silang aliwin sa mga kuwentong ‘Flor de Luna’ o ‘Flor de Liza’ o mas gusto na nilang manood ng mga Koreanovela tulad ng ‘Full House’ o ‘Foxy Lady’?

- Sa madaling salita, ang mga halimbawang ibinigay ko sa itaas ay para sa mga readers na kasing-panahon ko. Puntahan natin ang readers na ipinanganak ng mid-80s hanggang 90s hanggang sa kasalukuyan. Ito ang mga readers na hindi na naabutan ang kasikatan ng komiks, hindi na ito ang kanilang ‘national book’. Ang naabutan nila ay ang family computer, vcd/dvd, manga/anime/American superheroes, alternative/undergrounds scenes ng music at art, internet, gadgets, sub-cultures at high-end pop culture. Paano natin ii-inject sa kanila ang komiks na ang presentation ay 70s-80s komiks?

- Kung ipinalabas kaya ang Transformers sa 80s format nito, tatangkilikin pa kaya ito ng mga audience ngayon? Kailan dapat ipasok ang pagri-reminisce at ang radikal presentation na hinahanap ngayon?

- Paano natin ipagkakasundo ang B,C, D at E market noong 70s-80s sa B,C, D at E market ngayon? Iyan ang mga palaisipang dapat maglaro sa isip natin ngayon.

2. CREATORS

- Karamihan ng writers at artists na hawak ngayon ng Sterling-Caparas ay mga beterano. Totoo, magagaling na sila. Kaya na nilang magsulat at mag-drawing kahit nakapikit ang mata. Kabisadong-kabisado na nila ang craft nila. Ang tanong: Kabisado pa ba nila ang readers/audience ngayon?

- Puwede ba nating sabihin na dapat readers ang mag-adjust sa kanilang presentation o sila ang dapat mag-adjust sa mga readers ngayon?

- Nasa panahon na tayo ng ‘globalized culture’. Malaya nang nakakapasok ngayon sa utak ng marami ang impormasyon galing sa iba’t ibang sources sa buong mundo (tv, movie, internet, magazine, etc), so ang ini-expect ng readers/audience ngayon ay hindi na katulad ng mga naunang creators. Alam na nila kung paano mag-differentiate ng ‘old school’ sa ‘new school’. Aware na sila kung ano ang itinuturing nilang ‘classic’.

- In short, alam na nila kung ano ang ‘classic na totoo’ at ang ‘naging classic dahil hindi marunong sumabay sa panahon’. Alam na nila ngayon ang ‘valued item’ sa hindi gaanong pinahahalagahan.


Ilan lamang ito sa mga dapat nating pag-aralan sa panahon ngayon. Sabi ko nga, ang problema ng komiks ngayon ay napakalaki, makikita natin ang mga details na ito kapag titingnan natin ito ng microscopic at macroscopic.

Malaki ang tsansa ng Sterling-Direk Caparas komiks pagdating sa marketing at distribution. In fact, ito ngayon ang nakikita kong pinaka-the best na marketing strategy ng komiks. Hindi na ako aangal dito. Ito ang matagal ko nang isinisigaw sa blog na ito. Ibalik ang komiks sa lipunang Pilipino! Komiks na available sa lahat ng klase ng readers! Affordable at hindi mahirap hanapin.

Ang malaking tanong na lang sa akin ngayon: Kaya pa bang makipagsabayan ng komiks na ito, in terms of content, sa iba pang klase ng media at entertainment ngayon?

Masasagot natin iyan, makalipas ang ilang buwan kapag lumabas na ang komiks na ito. Sa ngayon, maghihintay muna tayo. At patuloy na mag-aaral kung paano natin iaangat ang industriyang ito—artistically at commercially.

14 Comments:

At Monday, August 13, 2007 7:55:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Iyan talaga ang problema- content. Naiisip ko nga, buhay pa ba ang mga fanatics ng mga nobelistang ito? Ang mga ina-adopt na komiks stories sa TV bagaman galing ang idea sa komiks ay inayos at ini-adjust sa panahon. Minsan ay ibang-iba na ang mga ito at concepts na lang ng komiks story ang natitira. Tama ang obserbasyon mo, Randy, at sana ay muling maging eye-opener ang iyong blog.

 
At Monday, August 13, 2007 1:33:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randolph:

Nang una kong makita ang CONTENT ng lalabas na komiks ay DISMAYADO talaga ako. Sinabi ko nga at UULITIN ko: BUSINESS AS USUAL ang komiks na ito as if it was caught in a time warp na animo'y mid 70s. Hindi ako magugulat kung magsulputan na naman sina O.HENRY at GUY DE MAUPASSANT sa mga pahina ng mga komiks na ito. And God forbid, huwag naman sanang bumalik yung mga pinaggagawa ni Vic Poblete na puro hinugot sa mga popular na libro nina Stephen King & company. Masyadong BLATANT na panggagaya ito, for crying out loud.

Palagay ko'y panahon na ngayon upang bigyanng pansin natin ang mga modern themes. The 70s were more than 3 decades ago. Ang dami nang nabago sa lifestyle ng mga tao sa daigdig. Nag-evolved na ang mentality ng sangkatauhan. If we want to use the classic as our inspiration, DO SO, but create something ORIGINAL, a signature work, so to speak.

Let's do a test. :Let's gather the synopses and teartments of nobelas of the 70s. Let's not put the title of the nobelas. Let's not put the real names used in the original nobelas. Let's just READ them.

I did exactly that.

What I found was not so palatable. Sa 20 models na ginamit ko, I shuffled them and read them and it was obvious that most of them relied only on the plot. Puro plotted stories ang mga ito, at iyon ang emphasis ng nobelas. Meanwhile, hinahanap ko ang kakaibang character, wala. Kung mayroon man ay 50% lamang ang emphasis dito at nangingibabaw pa rin ang plot.

My brethren... this is not the way to go anymore. We have to move on. We have to challenge the readers' imagination, not just to entertain them. We can no longer go back to the old formula of the MUMMIFIED KOMIKS of the 70s. While it true that the 70s were the PEAK OF RP KOMIKS' POPULARITY AND SALES (many titles were published 2 times a week!), but those days are gone. Readers are more discerning now. We don't care about your old, tested and overused SURPRISE ENDING anymore (Night Shamalan, you better shape up or ship out. Just because you got lucky using the old surprise ending of the old film: A CAROUSEL OF SOULS made in 1959, and rehash it as THE SIXTH SENSE in the 90s will always work for the viewers. Don't underestimate us).

Nosiree. Neither do you, Sterling.

We have to wake up and smell the STARBUCKS COFFEE. Coffee is made and marketed way, way different than before. If starbucks did their coffee like the way HILLS BROS. did theirs in the 50s, do you think they will be around today?

Nosiree.

Therefore, sukat na. Yung mga kuwento at nobelang MAGPAPAHIKAB lang sa mga readers dahil sa kalumaan ng tema ay alisin nang tuluyan at ipukol sa PUSOD NG DAGAT ni ARMANDO LAO.

Yung opening pages na inilalagay ang mga characters ng nobela sa umpisa na tulad noong kapanahunan nina COCHING at DEL MUNDO ay magandang gunitain at medyo nostalgic lalo pa't kung ito ang kapanahunan mo, pero sa kapanahunan ko at sa kapanahunan ngayon ng kasalukuyang populasyon ay SPOON-FEEDING ito. Ginagawa kang tanga ng awtor. Bakit kailanang ipakilala pa ang mga ito gayong huhusgahan mo naman ang materyal naayon sa presentation nito?
Para itong ganito. Lumapit sa iyo si Za-zah-Zaturnah at ISINUBO sa iyong bibig ang bato na magmula sa bulalakaw. Kesehodang MABILAUKAN ka sa bato, pero isinusubo pa rin sa iyo na ang tangka'y lulunin mo ito. Ekalvu-eklavu! Obladi-oblada. Elshabu-elshabu.

Ang populasyon sa Pilipinas ay tunay na napakaraming below 20 years old. Kung ninanais nating ipaabot sa mga nakararaming aufdience ang mga komiks na ito, ay mag-isip-isip tayo.

At mag-iwan tayo ng isang katanungan: Bakit naging very successful ang FILIPINO KOMIKS ng RISING STAR? Despite its 100 pesos price, bakit maraming nag-patronize nito, maski sa north America?

Sagot: Mangyari'y hindi ito gumaya sa laman ng 1970s komiks. Nagkaroon ito ng sarili niyang identity. Di ba, kuya KC Cordero?

Hey, tunay na Pinoy, SHUT UP. Huwag SASAGOT!

 
At Monday, August 13, 2007 5:10:00 PM, Anonymous Anonymous said...

JM,

You are right, dapat mi progression at hindi regression.. Magagalit si anak ng Kapre niyan eh, sasabihin walang diversity sa genetics. Bweno, yung mga Classics, pwede rin pero dapat , deconstruction jobs na di ba ?

Auggie

 
At Monday, August 13, 2007 6:54:00 PM, Anonymous Anonymous said...

hmmm... dati pala plot-based yung mga Komiks? pero ba't yung mga naiiwan sa mga ala-ala ng tao ay yung mga character (Panday, Capt. Barbel etc.)?

Yung mga teleserye ngayon ay nakakayanang mabuhay sa plot-based (at paulit-ulit) na kwento kasi ang tumatatak sa ala-ala ng manonood ay yung stars mismo. --para siyang character-based endearment (parang sa Naruto, Batman etc.) pero yung characters nila pwedeng palipat-lipat ng universe o storyline. kaya rin malakas yung chismis industry dito hehehe.

uh may nakagets ba ng sinabi ko?

essentially character-driven talaga yung current content ng media. ang maganda sa Komiks ay hindi simpleng tao lamang ang characters nila, di tulad nila Juday, Richard Gutierrez, etc. may potential na ma-outlast ng fictional characters ang mga real-life stars. naka-ilang actress na ba ang gumanap kay Darna? o diba?

kelangan nga lang ng character na yun ng magandang plot (or premise man lang) at storytelling para ma-endear sa kanya yung mambabasa.
---

ok siguro yung short stories kung filler lang, pero mas maganda sana kung may cause for continuity --

"a comic book should be a satisfying read by itself, but should entice the reader to buy more of it."

nakakapagod kaya magbasa ng sunod-sunod na one-shot stories. yung five years na binabanggit ng Sterling siguro ay sapat na panahon para ma-develop yung Komiks into a drug na nakakaadik sa lahat. hehehe.

 
At Monday, August 13, 2007 9:19:00 PM, Anonymous Anonymous said...

JM, si Vic Poblete ay isa sa mga writers na naimbitahan nina Carlo at Sterling na magsulat sa kanila. Hamo't padadalhan ka namin ng copy ng mga nobela nyang lalabas. :-)

 
At Monday, August 13, 2007 11:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sir JM,
Tama lahat ang obserbasyon mo. Sa hanay ng mga nobelista, parang iisa lang ang tono nang mababasang kwento, soooo 70's/80's. Halatang hindi ito pinag-isipan at minadali. Masyadong dumepende sa pangalan ng mga nobelista. Iba na ang panahon. Ano ang magiging hamon para pagandahin ng artist ang kanyang sining kung wala namang challenge ang istoryang idudrowing niya? Lumalabas itong si Randy pa ang mas nag-iisip kaysa Sterling at editorial board ng CJC Komiks. Pati itong cover ni Randy, mas interesante. Wala bang nag-iisip na kunin siyang consultant? Tama na kasi puro showbiz. Seryosohan ito. Kahit mahusay ang marketing, aapektuhan yan kapag walang lasa ang ipinagbibiling produkto.

 
At Monday, August 13, 2007 11:52:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Kakosang Garro (nagkasama tayo sa Bilibid, I believe?):

I wasn't refering to PERSONALITIES as in Juday & Piolo, Guy & Pip or Amalia & Romeo. He-he.

I am talking about unplotted stories where the focus are very strong characters and the plot is a subordinate. What we need to see are VILLAIN DEFEATS HIMSELF type, DECISION stories type (bawa't swing ng pendullum ay patindi ng patindi), and many more types that are character-driven. Sa lumang komiks, PLOT ang pinakamahalaga, at ang characters ay sige na lang ng sigue (Tama! Sigue-sigue ka nga pala noon at ako ay OXO at sa Bilibid tayo nagkita).

Tunay ka, may naiwang ala-ala sa isip ng audience (Panday, Bondying, Darna, DEVIL CAR - ay, di ba galing ito kay Christine ni Ste[phen King?), pero kung babalikan mo ang materyal nito, lahat ay plot-driven.

Mula sa aking gunita, tatlo lang ang lumabas sa komiks natin na Character-driven talaga:
MARS RAVELO's GALO GIMBAL, Mar's Ravelo's BARTOLA and Carlo Caparas' ANGELA MARKADO.

Ito lang ang puwede kong ihalimbawa dahil nariyan ako sa Pilipinas noon. But reading OFELIA CONCEPCION's work, I dare say that this lady writer is one heavy duty of a storyteller and you can feel her characters right at the bat.

Kung ngayon na uso na ang 3-D anmation, bakit hindi natin gawing 3-D rin ang mga characters natin sa komiks diyan sa RP?

Ito ang ibig kong tumbukin, kakosang (1960s ba itong word na ito, Auggie?) Garro. Panahon na para naman makabasa tayo ng komiks na ang mga characters ay buhay na animo'y tunay na taong nakakasalamuha natin dito sa daigdig sa bawa't araw. May mga kaugaliang unique sa kanya lamang, may mga nuances na hindi mo makita sa iba. Siguro, kung aalalahanin lang natin ang sinabi ni Karl Jung: EVERY INDIVIDUAL IS UNIQUE, ay ano pa? nuff said. Di bah?

 
At Tuesday, August 14, 2007 10:53:00 PM, Anonymous Anonymous said...

hay naku, halos nagkakaisa ang opinyon ninyong lahat at iyan rin ang opinyon ko. minadali at hindi pinag-aralan ang market ng bagong komiks na ilalabas. kc, by this time, 'yung supporters ng traditional komiks ay puro senior citizen na o candidate na for being one. naturalmente, karamihan sa kanila ay baka jobless na at umaasa na lang sa pension, malabo na nga mata o baka wala ng perang pambili ng komiks. inshort, hindi na intresadong magbasa. too bad, hindi nag-isip ng deviation ang mga nag-conceive nitong komiks sa sterling, i mean itong pangalawang grupo. sobrang malabo ang concept nila o wala nga yatang concept. isa ako sa dumalo sa meeting sa sterling. nang hindi man lang nilinaw kung ano bang klaseng komiks ang ilalabas. basta magsulat lang raw. pwede ba 'yon? sana, bawa't komiks, may malinaw na concept. kahit ba naman komiks lang 'yan, gumawa naman sana ng project feasibility study para nakita ang pulso ng market o kaya nag-conduct ng survey para malaman kung ano ba ang gustong mabasa ng tao. sa panahon ngayon, kailangan talagang makasabay ang mga characters na bubuuin ng isang writer, sa fashion, sa lengguwaheng gagamitin, sa klase ng character na susulatin. ang nangyari kasi, 'yung gusto ng mga publisher? ang namayani at hindi ang gusto ng mga makabagong mambabasa na tatangkilik sa kanila. naku, good luck na lang sa kanila. sana nga ay magtagumpay sila at nang magkaroon ng trabaho ang maraming taong umaasa sa industriyang ito.

 
At Wednesday, August 15, 2007 11:05:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Good Day!

Sir may plano kami dito sa iloilo mag invest sa komiks. Lahat kasi ng kasama kong animators mahusay din sa Larangang Ito.

Arnold

 
At Wednesday, August 15, 2007 11:20:00 AM, Blogger Azrael Coladilla said...

iniisip ko pa din ay yung target market.
nakapag interview ako ng mga tao re: sa pag labas ng mga ganito komiks.

isa lang nasabi nila.

di daw nila alam kung tatangkilin pa nila ito.
at ayun..isa lang ang sinabi nila..

may TV naman daw..bakit sila magbabasa ng komiks.

siguro malalaman natin pag sakali lumabas na yung komiks. kung ano ba ang reaksyon ng tao dito
kahit 10 pesos pa din yan, di natin alam kung magclick

may mga kabataan ngayon ng pinanganak nung 80's, medyo yung iba interesado sa pagdating ng komiks uli.

pero alam ko matatagalan pa ito bago malaman ng lahat ng tungkol sa comics.

kelangan ng media talaga para ipromote ito

 
At Wednesday, August 15, 2007 4:36:00 PM, Blogger Unknown said...

Magandang araw Randy at mga Bloggers,

Salamat sa iyong bagong posting at obserbasyon sa pagbago ng komiks para sa merkado ngayon.

Base sa iyong naisulat, mabilis akong umaksyon at ibinigay ang inyong mga komento sa inyong nakikita sa editorial team at mga dibuhista/manunulat.

Kami po ngayon ay magbabago ng ibang laman ng komiks para maipasok ang inyong pananaw. In fact, maraming "lumang" istorya ang natanggal sa line-up gawa nito at pinasok ang mga bagong gawa ng mga bagong dibuhista at manunulat.

Makakapagbigay ako ng marami pang detalye sa pagbalik ko sa Maynila. Kasalukuyan sumusuyod kami sa Vis-Min para siguruduhin na ang komiks ay makakarating sa lahat.

Balikan kita mula sa mga pagbabago sa akin pagdating.

Marami Salamat muli sa inyong mga komento!

Mabuhay ang KOMIKS!


Martin S.Cadlum

 
At Wednesday, August 15, 2007 7:52:00 PM, Anonymous Anonymous said...

sana, tingnan muli ng sterling ang mga scripts ng bituin komiks tutal ay kanila naman ito. ikumpara nila sa mga nobelista nila. nagsulat ako rito kaya alam ko kung gaano kabusisi sa pag-aapruba ng mga scripts. hangga't hindi swak, ipari-revise talaga. yung sa illustration, hindi ko alam ang style nila. basta ang alam ko, ang artists ng bituin ay siya ring mga artists na pinagdrowing sa cjc komiks - nestor malgapo, abe ocampo, lan medina, joe mari mongcal, etc. - kaya hindi pwedeng sabihing pangit ang illustration ng bituin dahil ang ibig sabihin noon ay pangit din ang illustration ng cjc. wala naman po sanang mang-away sa pagku-comment ko. dahil lahat ng comment dito ay makatutulong para magtagumpay ang muling pagsusulong sa komiks. peace!

 
At Thursday, August 16, 2007 5:13:00 PM, Anonymous Anonymous said...

What we need to see are VILLAIN DEFEATS HIMSELF type, DECISION stories type (bawa't swing ng pendullum ay patindi ng patindi)...

...Panahon na para naman makabasa tayo ng komiks na ang mga characters ay buhay na animo'y tunay na taong nakakasalamuha natin dito sa daigdig sa bawa't araw.


agree! :D now to find writers capable of doing so.

 
At Friday, August 24, 2007 2:43:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Maari bang lumihis sa karamihan ng mga pananaw dito? Huwag kayong mag-alala. Matino ito.

70 milyon ang potensyal na mambabasa ng komiks sa bansa ngayon. Nasa edad 16-45.

Sa 70 milyon na iyan, nasisiguro kong iba't-iba at sari-sari ang kanilang mga pananaw at panlasa.

Dahil dito, kailangang marami at sari-sari ang uri ng mga Pilipinong komiks na lalabas ngayon.

Nawawari ko mula sa mga comments ni Jomari na tinanggap ng karamihan dito, na dapat daw "character-driven" ngayon ang mga komiks. Di na daw uso ang mga "plot" oriented na kwento.

Sa aking wari, ay may isang segment ng napakalaking 70 MILYON potensyal readership na tatangkilik sa kanyang klase ng editorial policy ni Jomari.

Pero paano naman ang iba-iba pang segment ng potensyal market na ito? Paano ang market para naman sa mga mahihilig sa plot-driven stories? At ng kung ano-ano pang maaaring maimbento?

Sana'y wag naman tayo sarado sa iisang editorial at publishing philosophy.

Palagay ko, masyadong overly conjectural at speculative ang comment na walang babasa sa "old style" komiks ni Mr. Caparas dahil sa ang mga readers nito ay matatanda na at malalabo na ang mga mata. Nasaan ang datum ninyo dito? Hindi pa nailalabas ang mga komiks ni Mr. Caparas, nahuhusgahan nyo na agad?

Ang readership ay hindi nagtatagal. Tumatanda ito. Tapos, may mga batang lilitaw. Tatanda ito. Me mga bagong batang mambabasa nanamang lilitaw and so on and so forth. Sa tingin 'nyo ba walang market ang nostalgia?

Sa mga batang mambabasa maaaring wala. Pero sa mga matatandang dating nagbabasa ng komiks noong kabataaan nila, ME MARKET PA IYAN. Ibig nyong sabihin, walang nostalgia market para sa 60's, 70's, at 80's? Ibig nyong sabihin walang segment ng 70 milyon potensyal readership para dito?

Napakalaki ng market. Wag nating isipin na iisa lang ang isip at hilig nito. May market para sa mga komiks ng mga progresibo daw na mga indies, may market para sa manga, may market para sa mga experimental, may market para sa luma at bagong Pilipino komiks, atbp. ad inifnitum.

Kailangan ay diversity o variety of editorial/publishing viewpoints.

Kailangang hindi lang Sterling ang makapasok na publisher. O dili kaya'y dapat malawak ang editorial policy ng Sterling; hindi lang tali sa klase ng nostalgia komiks ni Mr. Caparas.

Matugma lang natin ang diversity ng komiks content sa diversity at paiba-ibang hilig ng 70 MILYON potential readers, ay natitiyak kong nasa tamang daan tayo ng muling pagbangon ng pinagsamantalang, minaliit at inaping industriya ng komiks.

Salamat sa pagkakataon.

 

Post a Comment

<< Home