Friday, August 10, 2007

SULAT GALING SA STERLING

Magandang Umaga Randy,

Kami ay nagpapasalamat sa inyong lahat sa industriya ng komiks sa inyong interest at mainit na pagtangap sa amin. Alam ko po na marimi na ang nasabi bago pa man lumabas ang unang kopya ng bagong pagsibol ng Pilipino Komiks nguni't kami po ay narito para maging kasapi sa pagbubukas ng bagong pahina ng komiks.

Kami po din ay nagpapasalamat kay Ms. Guia Yonzon at ang kanyang organisasyon sa pagtulong sa bagong yugtong ito.

Gusto po lang namin sabihin sa forum na ito ang apat layunin namin sa pagpasok sa komiks:

1. Makapagbigay ng mura nguni't dekalidad na komiks sa aming merkado na ang Pilipino Masa. Dahil diyan, napasyahan po namin na P 10 lang ang Komiks.

2. Bigyan ng bagong panimula ang mga dating bigatin ng Pilipino Komiks Industry sa larangan ng panunulat at dibuho.

3. Bigyan ng oportunidad and mga baguhang manunulat at debuhistang Pilipino ng isang alternatibong venue para sa kanilang mga istorya at dibuho. Kami ngayon ay bukas ang pinto para sa lahat ng mga kasapi na industriyang ito, baguhan man or batikan. Alam ko po ang rate ang laging hadlang sa pagpasok ng Indie Komiks Illustrators and Artist sa segmentong ito nguni't dapat natin pag-usapan dahil napakalaking oportunidad ang maibibigay ng mga bagong Komiks sa masa kung mababasa nila ito sa halagang abo't kaya. Let's talk and work it out, walang hindi maaayos pag pinag-uusapan. Ang email address ko po ay martincadlum(at)yahoo(dot)com. , sasagutin ko po ang lahat ng inquiries po sa email address na ito.

4. Ang Komiks ay para sa lahat, at kami sa Sterling at mga dealers namim nationwide ay sisiguraduhin na sa bawa't kanto ng Luzon, Visayas at Mindanao babalik muli ang Komiks.

Mabuhay po ang Bagong Yugto ng Pilipino Komiks!


Martin S. Cadlum
Vice-President
Sterling Publishing

7 Comments:

At Friday, August 10, 2007 2:19:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Maraming salamat din sa mga clarification mo Mr. Martin. Ako naman ay natutuwa at mayroong STERLING na magre-revive ng dating passion ko. Mayroon lamang akong tanong: After ba ma-address ba ang masa nitong murang comics, eh mi balak ba ang Sterling na gumawa din ng HIGH END comics/ Graphic Novels, to address a different audience ? please advice.

Auggie

 
At Friday, August 10, 2007 3:22:00 PM, Blogger Reno said...

Salamat po, Mr. Cadlum, at binuksan niyo ang pinto para sa lahat ng gustong malinawan sa mga tanong na bumabalot sa isyung ito. Balak ko po kayong sulatan sa lalong madaling panahon. :)

 
At Friday, August 10, 2007 3:46:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

You should probably edit how his email address is written para hindi siya ulanin ng spam. No need to publish this... thanks.

 
At Friday, August 10, 2007 6:03:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Rob,
Actually sa comment section niya ito inilagay kaya inilipat ko lang dito. Gusto rin kasi niyang mabasa ng lahat ang side nila.

 
At Friday, August 10, 2007 9:18:00 PM, Anonymous Anonymous said...

hmm andaming follow-up questions ah. Interview na 'to!

Martin had me at "ako nakaisip ng maliit na latang corned beef". hehe.

 
At Saturday, August 11, 2007 8:43:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ang hindi na lang nasasagot sa usapang ito ay kung mare-retain ba ng mga writers at artists rights ng kanilang trabaho? Maisasauli ba ang mga original drawing nila gaya ng ginagawa sa US comics? Wala pa akong nakitang post na nagsasabi nito.

 
At Friday, August 31, 2007 9:18:00 PM, Anonymous Anonymous said...

hello o c edrick to ng mariveles batan ..ako po ay gumagawa din ng komiks pero ang istayl ko po ay manga style ..pero my stories are in pinoy traditions ,kultura and attitudes!!....can you give an oppurtunity for those who like me na gustong mag kontribyut sa pinoy komiks ..but in manga style ...to get the younger audience and share the ORIGINAL pinoy marals ...sa ating makabagong panahon...think of wat the Japanese do to their manga!? they share the culture and attitudes in the most creative way to catch the audience appeal...kung sakali gusto ko kasing ipaalam sa mga pinoy na di alam na ang manga style ay di pambata though may mga pambata talaga but if yo do it in a more mature story ...pwedeng pwede...lalo kung mabebenta ito sa mg akanto ng bawat lugar sa pilipinas di ba!?! kukunin natin ang attention ng masa sa mas creative na paraan ng ko miks pinoy!!!!!!!!

salamat po!~!!

 

Post a Comment

<< Home