MAHALAGANG MENSAHE MULA SA STERLING
Maraming Salamat po sa inyong mga comments!
At ang mga dagdag na mga sagot sa inyong mga tanong :
1. Yes, ang dedikasyon sa pagtaas ng Pilipino Komiks ay hindi titigil sa P10 Komiks, pero ang layunin namin ay mapalapit ang mga gawa ng mga Dibuhista at Manunulat (Indie man o Tradisyonal, Bata man o Beterano) sa lahat ng Pilipino. Pag-gawa po naman ng "high end" na nobela, high end po ang gusto po namin na Dibuhista at Manunulat, Pati na ang Printing at Papel mataas ang quality, NGUNI'T AFFORDABLE SA LAHAT. Magagawa po namin yan sa tulong ng mga bago at proresibong Indie Komiks Illustrators and Writers at ang lakas ng aming manufacturing plant and nationwide distribution.
2. Nag-email po ako kanina lang sa tanong ng pag-aari ng orihinal na Dibuho. Ang sagot ko po sa nagtanong ay ang huling pag-aari ng orihinal na Dibuho ay sa Dibuhista at hindi Publisher. Ang Publisher ay hahawakan lang ang mga orihinal na Dibuho habang tumatakbo paang nobela o istorya. pagkatapos ay meron turn over process at meron parang kasulatan ang Debuhista at ang Publisher na ang may hawak ng mga Dibuho ay aalagaan ito at di-gagamitan sa pamaraan na detrimental sa Dibuho o makakasira sa imahe sa publiko. Inaayos ko pa po ang detalye na ito nguni't yan po in a nut shell ang magiging polisiya.
Ako po ay di galing sa Publishing Business at sa tingin ko marami pang dapat maintindihan sa Industriya. Sa tulong ninyo po ay baka maayos po natin ang Industriya na lahat ng kasapi nito ay walang ma-aapi.
Maraming Salamat po muli at BUHAYIN ANG KOMIKS!
Martin S. Cadlum
Vice-President
Sterling Paper Products Enterprises Inc.
6 Comments:
tingin ko, ito ang nagawa ng pag-iingay ng mga komikeros - ang mabuksan ang landas para sa isang mas maganda at mas paborableng karapatan para sa mga komiks creators. kung ang lahat ay tumahimik lang, maaaring hindi maisip ng sterling ang mga bagay na ito. salamat din dahil nakinig sila. pero sana, iayos na rin ang rate. kudos to sterling.
Maraming salamat Mr. Martin sa sagot ninyo. May mga suggestions po sana ako para mas lalong lumago ang negosyo ng Sterling sa publishing, kaya lang ang layo ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin dito in public, kasi nga confidential ang nature nito,at for your ears only,ika nga, pero I'm sure magugustuhan mo. Matagal ng nasa isip ko ito,mga ilang dekada na, hindi lang makabwelo dahil wala akong makitang financier. Pero ngayong andiyan na ang STERLING, palagay ko malaki ang chances for its realization.Pwede ba tayong mag-usap personally, in the future, o kung makaluwas ako ? Please advice. Thank you.
Auggie
Tigbauan, Iloilo
"Ang Publisher ay hahawakan lang ang mga orihinal na Dibuho habang tumatakbo paang nobela o istorya. pagkatapos ay meron turn over process at meron parang kasulatan ang Debuhista at ang Publisher na ang may hawak ng mga Dibuho ay aalagaan ito at di-gagamitan sa pamaraan na detrimental sa Dibuho o makakasira sa imahe sa publiko."
Why does the publisher have to have the original drawings in his possession, even for a certain period of time? Couldn't they simply ask the artists to scan the drawings and keep the files, handing back the drawings to the artists immediately? Can't they just legally prohibit the artists not to have the drawings be published ever again? Holding on to the original drawings, seems to me, to be unnecessary how briefly it may be, tsk, tsk.
Peace.
ngayon nasagot na yung isang malaking issue nung pumunta ako sa meeting sa max, yung isa na lang na issue regerding copyright ang hindi. lalo na kung ang materyales or characters ay nagamit na sa ibang pagkakataon at kung puede itong gamitin sa Sterling komiks na retain ng creator yung rights.
sana masagot din ito.
Maraming salamat po muli sa inyong mga komento at suhestiyon!
1. Auggie, nasa Iloilo ako next week maybe we can discuss it there. Just email me sa martincadlum@yahoo.com kung paano kita ma-kontak.
2. Ner P, di-ko pa masasagot yan pero as soon as ang aming legal department ay mag-bigay na ng advice ay babalikan ko kayong lahat.
Maraming Salamat Po muli!
Mabuhay ang KOMIKS!
Martin
::martin::
maraming salamat po sa pagsagot, antayin ko po ang feedback ukol dito. ang issue po kasing ito ay isang malaking issue rin sa international publishing at maraming creators dito sa bansa, kaya gusto kong malaman kung saan papanig ang sterling.
Post a Comment
<< Home