MGA BAGONG PANANAW SA INDUSTRIYA
Humihingi po ako ng paumanhin sa mga beteranong inaakala nilang inaalisan ko sila ng karapatan na gumawa ng komiks sa kasalukuyang panahon. Kailanman ay hindi ko ipinagdamot na gumawa ang sinuman. Sa simula’t simula pa, nagkaroon na ako ng debosyon sa blog na ito na tatalakayin ko ang lahat ng dapat talakayin sa industriya ng komiks na hindi tinatalakay noon sa alinmang publications.
Napakalaking tulong ng blog para mailabas ang saloobin ng bawat isa. Hindi ko naramdaman ang ganitong kalayaan ng pagpapahayag ng sariling saloobin noong gumagawa pa ako sa GASI at Atlas. Ang blog na ito ang naging confession booth ko, kumbaga sa simbahan.
Hindi ako naniniwala na naluluma ang utak ng tao. Kailangan lang dito ay upgrading, parang computer. Isa sa natutunan ko sa buhay na ito ay ang mag-aral, mag-aral, mag-aral. Walang katapusan ang pag-aaral, dahil ang impormasyon ay hindi rin nauubos.
Hindi ko tinutuligsa ang CJC Komiks,sa katunayan, sa lahat ng blog yata dito sa internet tungkol sa komiks, ako lang ang nagtanggol dito noong ang halos lahat ay magtulong-tulong para tuligsain ang CJC-Sterling tandem.
Gusto kong ilagay sa tamang perspektiba ang lahat. Mali rin ako madalas sa aking mga pananaw ngunit binibigyan ko ng option ang lahat para mag-isip.
Gusto kong makatulong ng malaki sa ilalabas na komiks. Ang mga puntos na ibinigay ko sa nakaraan kong post ay base sa aking opinyon. Maaring mali ako, maaring tama. Ang readers ang makapagsasabi kung alin sa dalawa.
Gusto kong linawin sa lahat na ang pananaw ng mga komiks creators ngayon ay hindi na tulad noong 70s at 80s. Mas agresibo na ngayon ang mga batang manunulat at dibuhista. Marami na silang pagpipilian kung komiks job lang din ang pag-uusapan. Isa lang ang site na ito na madalas mag-post ng komiks job sa abroad. At isa din lang ang agent na ito na naghahanap ng mga talents para makagawa sa komiks sa ibang bansa. Hindi na problema sa mga bata ngayon na maghanap ng publishers o magagawan ng trabaho, ang poproblemahin na lang nila ay kung makapasa sila sa standard.
Gusto ko lang ipakita ang totoong scenario ngayon, na kahit walang Carlo Caparas o Sterling, kayang makagawa ng komiks ang mga batang creators ngayon. At kaya nilang I-market ang kanilang sarili para makagawa sa ibang bansa—sa tulong ng internet at iba pang communication tools.
Tatlong klase ng mga batang komiks creators ang nakikita kong puwedeng gumawa sa CJC-Sterling ngayon.
- Mga impluwensya ng anime, manga at Western superheroes
- Mga batang galing na noon sa GASI at Atlas na gustong gumawa ulit sa komiks
- At mga creators na hindi makagawa sa ibang bansa dahil wala silang agent o hindi pa sila makapasa sa standard ng foreign komiks
Ang mga batang creators na ito ang isasama natin sa mga beterano ng komiks. SA KABUUAN, ITO ANG WORKFORCE NA PANGHAHAWAKAN NGAYON NG CJC-STERLING.
Paano natin ilalapit sa masa ang workforce na ito? Parehong extreme ang dalawang grupo. Isang beterano na may sariling panahon, at isang moderno na mayroon din sariling panahon? Ano ang magiging approach ng kanilang trabaho? Hanggang saan kayang tumanaw sa hinaharap ang mga beterano, at hanggang kailan kayang lumingon sa nakaraan ang mga moderno?
Ang mga tanong na ito ay para sa ating lahat na gumagawa ng komiks. Wala sa akin ang sagot, nasa inyong lahat.
Kung ang mga beterano noon ay handang ipamigay ang kanilang mga original drawings sa publisher, ngayon ay hindi na papayag ang mga moderno. Kung noon ay walang pakialam ang mga beterano sa mga kontrata at copyright issues, ang mga moderno ngayon ay aware na dito. Kung noon ang mga beterano ay kayang gumawa sa mababang rate pero dadaanin sa dami ng trabaho, ang mga moderno ay kayang makipagtigasan na kapag hindi ibinigay ang rate na gusto nila ay hindi na rin sila gagawa at maghahanap sila ng iba na mas malaki ang bayad.
Napakaraming issues. Kaya ba natin itong I-solve?
Kaya kung tutuusin. Walang imposible. Ang kailangan lang natin ay tamang panahon. Gawin nating learning process ang pangyayari mula ngayon.
Kung ako ang tatanungin, hindi na natin kailangan ng industriya ngayon. Ang salitang industriya para sa akin ay trabahador at may-ari. Subject ito for oppression at power-tripping.
Ang kailangan natin ngayon ay ‘movement’. Movement dahil ang kalaban natin ngayon ay ang society. May papel pa ba ang komiks sa society natin?
*****
Naging ugali ko na tuwing madadaan ako sa kahit anong branch ng National Bookstore ay lagi akong tumitingin kung anong mga babasahin ang nasa bestseller list nila.
Halos kalahating taon ko nang nakikita sa listahan ang librong ‘Pera Mo Palaguin Mo’ ni Francisco Colayco. Matagal ding naging number one ito, hanggang ngayon ay hindi ito nawawala sa top ten list. Patunay lamang na financially-aware ang mga Pilipino.
Last year, bago pa man lumabas ang libro, ito ang naisip kong topic ng komiks na pangmasa na makikita ninyo sa nakaraang post ko. Walang magic dito, o premonition. Aware lang ako na maraming Pilipino ang gustong magkapera.
2 Comments:
Randy,
The industry is experciencing GROWING PAINS, ika nga, dahil sa matagal nakatulog ito, eh natural na mi agam-agam. But surely, if Sterling has done its job in marketing, then there shouldn't be a problem, mag a-adjust lang sa current taste ng hoi-polloi. Ito na ang chance ng Sterling, na i-angat ang lasa ng masa. Dahan -dahan, dapat i-expose ang masa sa makabuluhang mga istorya at maayos ng drowing. It need not be a PALANCA or a NOBEL piece for literature, pero sana yung pinagisipan naman na mga scripts , example, yung Character-driven stories na sinasabi ni Kakosang JM.Ang pinaka importante eh ito: STERLING is helping the Dept.of Education in bringing back reading to the masa. Ayon sa mga disturbing reports, eh bumabagsak daw ang literacy skills ng young Filipinos at hindi na masyadong competitive sa global arena, dahil daw sa pag erode ng reading. Eto ang chance ng Sterling para makatulong sa pag- ARREST, ng decline, and kudos to STERLING for doing its share para sa national interest.
Auggie
nice post pareng randy! pero mahirap pa rin intindihin ito ng maga taong sarado ang utak at binabalewala ang paninindigan ng iba. di nila matanggap/aya tanggapin ang mga katuwiran/dahilan ng iba (na kadalasan ay tama naman at dapat lang)lalo na ng mga kabataan.
Post a Comment
<< Home