Saturday, September 01, 2007

BAKIT INDEPENDENT?

Noong nagsusulat pa ako sa songhits noong early 90s, isa sa article na nagawa ko ay ang pagsulpot ng alternative music sa Pilipinas. Kung medyo aware kayo sa music industry dito, malalaman ninyo na nagsulputan ang mga alternative bands noong 1990, ilan diyan ang Eraserheads, RiverMaya, Color It Red, Yano, Tropical Depression, The Youth, After Image, at napakarami pang iba.

Dahil sa pagsulpot na ‘yan ng mga alternative bands, nahukay din ang mga underground bands na noon ay walang pumapansin, nariyan ang Wudz, The Jerks, Death By Stereo, at napakarami pang iba.

Naghari ang mga ito sa music industry ng early 90s. Sumulpot ang mga radio stations tulad LA 105 na puro alternative music lang ang tugtog. Maging ang ilang radio stations at mga ‘english-speaking’ stations tulad ng NU 107 at RJ ay nagpatugtog na ng mga alternative Filipino music.

Binago nito ang buong music industry. Ito ang panahon ng kalayaan sa mga batang musikero.

Early 90s din, nagsusulputan na ang maliit na grupo ng mga alternative filmmakers. Nagkakaroon na ng awareness ang marami sa mga filmmakers tulad nina Kidlat Tahimik (although 80s pa siya), Raymond Red, Roxlee, at marami pang iba.

Naging ‘trigger point‘ ang 90s ng movement na ito. Tinawag ko itong ‘movement’ dahil hindi naman sila ‘industry’.

Binago ng alternative music at alternative films ang kani-kanilang industriya in terms of appreciation, quality, artistic value, etc. Ang ‘alternative’ sa mga media na ito ay kakabit ng katawagang ‘independent’.

Kaya bakit independent?

Bakit nagsulputan ang mga taong ito (na tatawagin ko ulit na ‘movement’) the fact na ang babanggain nila ay ang mala-palasyo at mala-diyos na mainstream industry?

Simple lang ang sagot. Mayroon silang gustong I-express na hindi pinapansin ng mainstream. Artistic expression man ito, self-expression o dinidiktahan na sila ng maraming tao na gumawa ng bago.

Nitong mga huling dekada, nang magsulputan na ang mga devices ng communication, kasama na diyan ang internet at cable tv’s, lumiit ang mundo. Nagsanga-sanga na ang culture ng mga tao sa mundo. Ang resulta, naging ‘global’ ang pag-iisip ng mga bansa. Kahit ang mga komunistang bansa (sosyalista pala dahil wala pa namang komunistang bansa sa mundo), binuksan ang kanilang mga pintuan para tanggapin ang pagpasok ng kung anumang ibinibigay ng buong mundo, mapa-ekonomiya man ito, cultural, political, philosophical, o kung ano pa.

Sa ganitong kalawak at kabilis na takbo ng panahon ngayon, mahirap nang makulong ang tao sa isang bisyo, unless bisyo ito ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Maagang namumulat ngayon ang mga bata sa kultura ng ibang bansa, ang mga magulang naman ay natututo na ring sumabay kung ano ang nakahain sa kanila ngayon. Wala silang choice. Kailangan nilang tanggapin ang katotohanang ito.

Ang punto ko dito, ang Pilipinas ngayon ay hindi na katulad ng Pilipinas noong panahon ni Marcos at Cory. Of course, ang mga politicians, naririyan pa rin. Pero itong mga batang sumisibol ngayon, ibang-iba na sa inaasahan natin. Ayokong nang detalyehin pa ang mga ito dahil baka magmukhang philosophy class tayo dito.

So, ano ang papel nito sa komiks?

Simple lang, katulad ng ibang media, meron na rin naman tayong independent komiks. Pero nasa very early stage pa tayo. Hindi pa natin nahuhukay ang tunay na ‘essence’ kung ‘bakit independent?’ At mas lalo pa, hindi pa natin nahuhukay ang esensya kung ‘bakit alternative?’

Paano natin sasabihing ‘alternative’ tayo kung ang trabaho naman natin ay walang pinag-iba sa ‘mainstream’? Puwede siguro nating tawagin ang sarili nating ‘independent capitalist’.

Puwede ba nating ipagkasundo ang ‘alternative’ at the same time ay ‘masa’?

Puwede. It’s a matter of presentation.

Lesson’s learned noong early 90s sa music industry. Sino ang main audience ng Eraserheads at River Maya? Masa o elitista? Pag-aralan niyo.

Hangga’t may sarili pang mundo ang ‘alternative komiks’ ngayon, at may sarili pa ring mundo ang ‘masa komiks’ ngayon, malabo pa sa tubig-kanal na kaagad-agad ay uunlad ang industriya ng komiks dito sa Pilipinas.

Lagi kong sinasabi sa blog na ito: Mag-meet kayo sa gitna!

45 Comments:

At Saturday, September 01, 2007 11:36:00 AM, Blogger ARTLINK STUDIOS said...

Nakuh!

Natumbok mo na naman pareng Randy!

I agree!

 
At Sunday, September 02, 2007 9:00:00 AM, Blogger Unknown said...

Randy,

Pero sa tingin ko ang alternative na ang mainstream ngayon. Ang Mainstream ang tila nawawala.Again thru sheer volume ito.

Auggie

 
At Sunday, September 02, 2007 9:56:00 AM, Blogger Melody Marigondon said...

Well connectivity is the word...
Bihira ang tao na kayang ikonekta ang mga bagay bagay sa mundo...

Very Nice Mr. Valiente. And thank you for giving me time to talk to you last August 30 (bookfair).

Nakakatuwa po...bihira ang taong mapagkumbaba.. Thank you talaga...

:)

 
At Sunday, September 02, 2007 7:46:00 PM, Anonymous Anonymous said...

agree! XD

paano kung parehong side ang pumayag nang mag-meet in the middle? sino ang unang gagalaw sa kanila? tsaka saan sila magkikita? hmm, sa pangalawang Kongress kaya?

mangangailangan pa rin ng "force" na maghahatak sa dalawang paksyon para magka compromise. tingin ko ay major component ka sa "force" na iyon, Randy. sabihin mo lang kung anong kailangang gawin. :)

 
At Sunday, September 02, 2007 8:01:00 PM, Anonymous Anonymous said...

karagdagan lang, ang sinabi ni Auggie na nagiging mainstream na yung Alternative music ay totoo, at ang isa sa pinakamalaking factor na nagpatotoo ng pangyayaring iyon ay ang TERNO RECORDS. sila ang tumanggap at nagproduce ng mga album ng magagaling na Alternative (and still independent) musicians tulad ng Up Dharma Down.

nagustuhan ng tao yung mga kanta nila, at ngayon sumusunod na sa trend na ito yung mga major Record Labels.

 
At Monday, September 03, 2007 12:47:00 AM, Blogger Carver said...

Hello Randy... great to have seen you at the bookfair. :-)

 
At Monday, September 03, 2007 1:23:00 AM, Blogger Carver said...

Opinyon ko lang sa post: Matagal ko nang paniniwala na mayroon ngang 'gitna' na maaaring gamitin ng komiks, partikular na dito ang mga komiks nobela, upang lalu pa itong mapapansin. Alam na natin ito: kakaibang kuwento na hindi nagagawa o magagawa ng mga malalaking kumpanya ng medya.

'Yun lang nga, ang 'gitna' ay 'di magiging kasing-mabenta ng todo-todong mainstream, pero sa tingin ko'y hindi naman aabot sa pagkalugi.

Kung may mainstream music, may alternative music. Kung may formula movies, may independent films. Hindi pa rin natin matitiyak kung "mainstream" nga ang lalabas na P10 komiks, dahil hindi natin alam kung tatanggapin ng masang Pilipino ang istilo ng pagkukuwento ng mga komiks na ito, gaya ng pagtanggap nila sa istilo na 'yun noon.

Tulad ng sinabi ng mga ka-panel ni Randy kahapon na mga romance novelists: mas mabenta ang mga Taglish na nobela. Ito ba wika ng mainstream sa kasalukuyan?

Ika nga ng iba, ang Marvel at DC Comics ay maaaring 'di tawagin na mainstream, dahil panay comics fans ang bumibili, at hindi sila nagrerepresenta ng buong populasyon. (Maaaring kasalanan ng Direct Market.)

 
At Monday, September 03, 2007 9:41:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Garro,

Ang hindi magustuhan diyan sa alternative/mainstream kuno, eh pare-pareho ang tunog. Once you heared one, you have heared all. Ang tunay na alternative eh yung bago at talagang minority lang ang nakikinig. Example ? World Music, Cumpay Segundo ng Cuba, Antonio Carlos Jobim-Brazil, Bebel Gilberto-Brazil, Celia Cruz- Cuba, Anoshka Shankar-India, Airto Moriera- Brazil, Willy Bobo- Cuba,
Robert Cray- US, BBKing -US, Ravi Shankar-India, YoYo Ma- US, Billie Holiday -US, Peggy Lee-US.....

Sa tingin ko yung alternative -alternative na iyan eh spent force na.....

Auggie

 
At Monday, September 03, 2007 9:45:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Carver,

An inquiry- Paano ba mag pa- makeover doon sa REAL LIVING ? is it gratis ? if not how much would it cost ?
Please advice. Thanks.


Auggie

 
At Monday, September 03, 2007 11:25:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Bakit nag-clik ang mga alternative sa Pinoy Music at pelikula? Tingnan at himayin ang klase ng kanilang musika/pelikula at importante, KANINONG AUDIENCE NILA TINUTUMBOK ANG GAWA NILA? Sa upper income market ba? Bakit kadalasan e mga istasyon ng AM ng radyo sila naririnig? Kinakanta sa karaoke bar sa probinsya?

Karamihan ba e sa mayayaman na ENGLISH market? Ang tema ba ng mga kanta nila e pang-amerika o Japan?

Mas mahal ba sa record bars ang karamihan ng mga Pinoy alternative music at cd movies?

Hindi ba nagdududa sa kanilang pagka-PILIPINO ang mga alternative artist na ito? Hindi, di ba? Pero sa karamihan ng mga "indie" comics ngayon na "nagsisimula pa lang" ay may malaking duda ang karamihan sa mga gumagawa dito kung ano pa ang ibig sabihin ng pagka-Pilipino. Parang di sila nakatira dito sa Pinas.

Marvel DC, Marvel DC...hanggang doon lang ba?

 
At Monday, September 03, 2007 6:07:00 PM, Anonymous Anonymous said...

"Independent" of what ba ang mga "indies" na yan?

In the U.S. being an indie is supposed to be the opposite of the prevailing mainstream BUT BETTER than the mainstream.

Are the Pinoy indie comics creators today, especially in the small "internet community" really INDIES?

Tama ang obserbasyon mo, Randy. Di sila tunay na "independent".

 
At Monday, September 03, 2007 6:48:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ikaw na rin ang nagsabi Randy. Dahil sa bagong mga communciation devices ngayon, 'international' na at malawak ang pananaw ng mga potential readers ngayon. At siguro, you will also agree na ang NEW mainstream ngayon ay WESTERNIZED o INTERNATIONALIZED.

Kaya dapat daw, para umunlad, ay mag-INTERNATIONAL. Iyan ang bagong mainstream. Pati nga mga pelikula ni Mother Lily nagsasa Hollywood. Pati ang ibang indie-kuno filmmaker gumagaya sa Hollywood filmmaking style para mapansin ang pelikula nila abroad, gayon din ang ibang musikero natin.

Pero kung iyong susuriin, HINDI sila nagtagumpay. Naalala nyo ang RAGE band noong 80s? Tumigil kasi magi-international daw sila. Naalala nyo yung QUESTOR EXTREME at DARNA THE GOLDEN ANNIVERSARY, na me mga DOLLAR PRICE sa cover? Ano ang nangyari sa pilit na mag-fit in nila sa kultura ng ibang bansa?

Nalunod at di napansin ng sangkatutak na katulad nila sa mainstream ng U.S. at ibang bansa.

Sa ganyang sitwasyon, matanong ko lang, BAKIT HINDI ALTERNATIVE O INDIE PARA SA IBANG KOMIKS CREATORS DIYAN ANG PAGIGING PILIPINO? Bakit kailangan ay GENERIC? Wala bang PERA kung magsasa-Pilipino ang gawa mo?

Bakit di nila kayang ituon sa bansa na ito ang kanilang mga kwento?

Ang mga alternative music, TAGALOG ang kinakantang lyrics at Pinoy na pinoy ang tema ng kanta. Rinig at kinakanta sa buong kapuluan; pati ng mga Bisaya, tiga Mindanao, marunong kumanta ng LAKLAK ng THE TEETH. OPM yan. Indie yan. Kumita yan.

Bakit ba ang karamihan sa mga comics "indie" ngayon ay INTERNATIONALIZED mainstream? Bakit di sila kumikita? Bakit sarado ang mundo ng mga bohemyong ito? Sila-sila lang ang nag-aaliw sa sarili nila, karamihan ng audience di sila nauunawaan. ITO BA ANG KLASE NG INDIE NA GUSTO NATIN?

 
At Monday, September 03, 2007 9:22:00 PM, Blogger Bluepen said...

Movement movement said:

karamihan ng mga "indie" comics ngayon na "nagsisimula pa lang" ay may malaking duda ang karamihan sa mga gumagawa dito kung ano pa ang ibig sabihin ng pagka-Pilipino. Parang di sila nakatira dito sa Pinas.

Hindi naman cguro hangang doon nalang sa Marvel at DC na sinasabi mo ang mga kabayan nating Artist, kahit na nag wo work sila sa DC/Marvel andun parin ang pagka pilipino nila at nagbibigay ng karangalan sa ating bansa.

Kung ako ang tatanungin mo sa kung ano ang ibig sabihin sa akin ng pagka Pilipino sa mundo ng komiks?

Syempre andun yung dapat tagalog at sariling style na gawang Pilipino. Kung sa drawing, wala pa siguro akong nakikitang sariling style ng pinoy. Tulad nga ng sinabi ni ka Randy sa Western galing ang style ng pinoy. Sa Story telling naman, dito natin makikita ang pagka Pilipino natin, ma detalye, nasa puso ang ang pagawa ng story na kayang magpaiyak, magpatawa, magpagalit sa mga bumabasa ng story nila. Yun eh nung nasa Grade school pa ako, pero ngayon, ewan ko lang kc pagka graduate ko ng high school puros pocket book na ang nakikita kong binabasa ng karamihan. lol Siguro sa story telling nalang natin makikita ang pagka sina unang pilipino na gagawa ng komiks ngayon.

Maiba tayo, ikaw tanungin natin, Sa iyong palagay ano ba ibig sabihin ng pagka pilipino sa pag gawa ng komiks sa panahon ngayon?

Kung hindi ka sure sa isasagot mo, tanong mo mga kabataan at mga tao sa paligid mo, lalo na ang mga bata sa kalye. At sigurado ako ito ang maririnig mo.

Naruto! Anime, manga, Ragnarok, RPG, DOTA, online games at etc. na uso sa paligid ligid. Tama mali?

Yan ang PILIPINO ngayon, mabilis mag evolved kung anong bago ride on agad.

So kung ikaw ang gagawa ng komiks, ano ang gagawin mo? Ibabalik mo ba ang pagka pilipino at style nang sina unang panahon?

Kung ako ulit tatanungin mo, magdadalawang isip ako, kc nakaraan na yun eh, bago naman dapat kung ano ang uso at click at in sa society natin yun ang dapat gawin. Tulad nalang dito sa topic ni Ka Randy "BAKIT INDEPENDENT?" tama yan at sinabi mo narin "Bakit nag-clik ang mga alternative sa Pinoy Music at pelikula?" Kasi inalam nila kung sino ang nakikinig.

So sa panahon ngayon, ang Pilipino ay mas astig maraming alam, kaya ganun din ang dapat mong gawin alamin kung ano ang binabasa at sino ang bumabasa at kung ano ang IN at uso na gusto nila.

Iba na ang Pilipino noon compare sa Pilipino ngayon.

Ikaw Purong Pilipino ka ba? Kung oo, ano yang damit na sinusuot mo, bat made in china. lol joke joke joke....

Fish TAyo Peace....

 
At Tuesday, September 04, 2007 12:07:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

May I ask, what is mainstream in the Philippines at this point? I don't see any mainstream komiks anywhere.

 
At Tuesday, September 04, 2007 12:58:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Movement at san diego (aka anakngusapangkomiks and other aliases):

Hanggang ngayon pa ba ipinipilit mo pa rin ang depinisyon mo ng "Pilipino"? Ang pansin ko sa mga taong tulad mo ay malakas magpuna kung ano ang hindi Pilipino, pero hindi naman kaya sabihin kung ano ang Pilipino. Paki-sagot nga ang tanong ni bluepen.

Kung ang basura ko ay itinatapon ko sa basurahan, hindi na ba ako Pilipino? Kasi sa aking karanasan, isang marka ng nakararaming mga Pilipino ang magtapon ng basura kahit saan. Siguro dahil wala naman nakakakilala sa kanila tingin nila ay ok lang magtapon ng basura sa kalye. Parang sa mga blog din, pag walang may kilala sa iyo, madaling magtapon ng mga basurang salita.

 
At Tuesday, September 04, 2007 2:50:00 AM, Blogger Carver said...

Hello robby... My opinion is: The P10 komiks are mainstream in terms of business model and backing. But content-wise, it may be too early to tell.

Newsstand comics virtually disappeared for over a decade, save perhaps those few that were being sold at National Bookstore a few years ago. (I don't see them anymore.)

In over a decade, who knows how the Pinoy taste in comics have changed? Will they still embrace the classic approach? Or will they dismiss it as something old and irrelevant?

Moreover, will there be a marked difference between the reception of those in the NCR compared to those in other provinces?

OFF TOPIC FOR AUGGIE:
Hello! Real Living magazine accepts letters from makeover hopefuls during March and April. Eleven winners will be chosen. Makeovers are free for the winners. :-)

 
At Tuesday, September 04, 2007 8:49:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Thanks for the info Carver !

Rob,

What is Pilipino ? yung pure ? nandoon sa bundok, yung mga hindi nalahian, yung mga Ita, Agta, at iba pang ethnic minorities. But I don't remember them as potential market for komiks, music, film or other pop literature, dahil in the first place, mi problema sila sa literacy.
We are a mixed race ( mongrel?)at kahit anong kade-deny ng mga purista, that's the fact.
Sa tingin ko wala ng mainstream ngayon, lalo na sa music, puro na alternative eh. Ano ang tawag sa bagong alternative ? Post-alternative ?

Ang nakikita kong mainstream siguro eh yung AM/FM radio, at TV Networks, they practically are spewing out the same garbage everyday, pare-pareho, wala kang mapagpilian. Ano pa, tabloids? ganoon din, a daily diet of sampalan, gahasaan, barilan, saksakan, ad nauseam,it makes me puke ... so what's new ? nakulong si Joema sa Netherlands at nagaalburuto ang mga leftists alipuris niya dito ?

Auggie

 
At Tuesday, September 04, 2007 1:26:00 PM, Blogger Ner P said...

indie/independent, sa akin ibig sabihin niyan e maliit, hindi mainstream o walang major publisher na kapartner. lahat ng naglalabasan na komiks sa ngayon e lahat yan puro indie sa akin.

pilipino? dapat daw tagalog para maging pinoy? pano kung gumawa ako ng kapampangan komix kasi kapampangan ako? e yung salitang cebuano o kung ano pa. hindi ito pinoy? kasi di ito tagalog?

gumagawa ako ng komix gamit ang pinoy myths and culture, di raw ito pinoy kasi yung style ko raw is western o sabi ng iba manga?

ano ba talaga ang pinoy? sagutin muna ito bago tayo lumayo dahil wala naman tayong nararating.

 
At Tuesday, September 04, 2007 3:19:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Pwede ba nating ipagkasundo ang alternative at masa? Palagay ko hindi mga ga comics creators ng alternative at masa komiks ang makapagsasabi nyan. AUDIENCE lang ang makapagdedesisyon dyan at hindi sila makakapagdesisyon KUNG hindi dinadala ng ALTERNATIVE ang gawa nila sa masa. Tama na ang english-english, pa marvel marvel, movement-movement, indie-indie.

MAGPAKATOTOO KAYO.

 
At Tuesday, September 04, 2007 3:26:00 PM, Anonymous Anonymous said...

I see Robby Villabona is back here whenever soething sensitive hits him right on the mark. :)

 
At Tuesday, September 04, 2007 7:34:00 PM, Anonymous Anonymous said...

I think tama naman ang sinasabi dito na karamihan sa mga Indie komiks ngayon ay walang identity at hindi Pilipino. What is Pilipino?

Well, lets be more particular, what is a Pilipino comic anyway? Di ba Pilipino is basically a language? Are most of the Indie "Pilipino" comics nowadays using or promoting the Pilipino language to make it distinct from American, Japanese and other comics of other countries?

Second, a Pilipino comic to my mind, talks about and gives insight about the present condition of how life is in the Philippines as well as the collective hopes and aspirations of today's generation of Filipinos; of majority of its Pilipino readers.

Tama. Anime, Naruto and Japanese/American computer online games are popular in a particular segment of the Filipino youth today. So what does that mean? You make a "Pilipino" comic based on Anime and the gaming crowd? Like NEO-COMICS? Questor Extreme? Ignition Zero?

If American superhero movies and animation are the "in" does an INDIE comic creator prove his being original and independent mindedness by making Filipino versions of American superheroes? Like Mango's DARNA and LASTIK MAN?

What do these works tell of the Filipino condition? Are they even ORIGINAL to begin with? Are they BETTER than their foreign counterparts or "inspirations"?

Were these works patronized by a significant readership to begin with, so as to sustain their continued publication?

If these works are indeed "Indies", WHAT are they creatively independent of?

 
At Tuesday, September 04, 2007 9:54:00 PM, Anonymous Anonymous said...

di ba pwede na basta Pinoy ang gumawa considered Pinoy na yun?

napakadaling universal compromise na ito para sa lahat. I would rather see people out there making Komiks than wasting their energy on a stalemate.

 
At Tuesday, September 04, 2007 11:12:00 PM, Blogger Bluepen said...

Hai! mga kabayan, nakaka miss ang ganitong sagutan, yung nadidinig ang sa loobin at pananaw ng iba, sa ganitong paraan nabubungkal ang nasa ilalim ng baul.

Honga naman tama si NER, yung marunong lang bang magtagalog ang matatawag na pinoy ahehehe (pilosopo tasyo)Ang gusto ni movement movement eh yung gawang Pilipino. Pero sa panahon talaga ngayon wala kang makikitang ganyan na gusto nyang makita. Ang labo! hahaha

Wala pang sagot si Movement movement sa tanong ko baka nagtatanong pa sa paligid nya. Toink!

Inquring mary
Hmmmm... Creative Independent? SARILING LIKHA tama ba ako?

Siguro matatawag parin nating ORIGINAL ang gawa ng pinoy kahit based sa foreign countries ang story or character na gawa nila.

Ang tanong bakit ORIGINAL parin ang tawag kahit galing sa banyaga ang style at story nito? Kaya Original kc PINOY VERSION, hindi mo na sya matatawag na ORIGINAL kapag ang american, japanese, eh nag labas din ng PINOY VERSION. Tama o Mali?

Halimbawa, XMEN gawa ng america, tapos ginaya ng pinoy english version din. Matatawag ba nating Original na gawa ng pinoy yun? Hindi dibah kasi kopyang kopya at english version parin.

Pero subukan mong gumawa ng xmen din ang style at Tagalog version naman. so masasabi mo bang XMEN parin ito. Hindi na dibah. Original work na ng pinoy yun.

Ngayon naman, gawin nating ginaya ng American ang gawa ng pinoy at tagalog version parin. So masasabi mo bang original na work yun ng American. Hindi na dibah. Gets nyo?

AT sa tingin ko naman kapag gumawa ang pinoy na halintulad sa America, mas better ang gawa ng Pinoy un nga lang hindi na appreciate ng foreigner. Bakit? eh kasi Tagalog version eh.

If these works are indeed "Indies", WHAT are they creatively independent of? kasi ung creator mismo ang nag publish ng sarili nyang gawa at gastos, kaya nga INDIE eh walang malaking publisher na involve kundi sya lahat, yun ang creatively independent na sinasabi mo.

 
At Tuesday, September 04, 2007 11:21:00 PM, Anonymous Anonymous said...

And what is the Filipino condition ? 88 million Pinoys wallowing in grinding poverty and living in quiet desperation ? maganda bang kwento iyan ? i don't think so, very depressing, hindi kikita yan kahit sa masa. Gusto nila pantasiya, kung paano mahahango sa kahirapan, by going to Wowowee, Game ka na ba, at ibang game of chance sa TV, o kaya tumaya sa jueteng o lotto, o kaya mag apply sa broad para kumita ng dolyares. Ang tanong kikita ba ang mga depressing na topics na ito , mag-mainstream o Indie ?

Auggie

 
At Tuesday, September 04, 2007 11:51:00 PM, Anonymous Anonymous said...

kaya indie tawag...indie bumebenta...indie nagtatagal...at indie mabili ng marami.:)

 
At Wednesday, September 05, 2007 1:21:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Inquiring Mary,

Paano kung Cebuano yung wika ng komiks? Hindi na ba Pilipino iyon?

 
At Wednesday, September 05, 2007 1:30:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Auggie,

Bukod pa diyan, ang gusto rin ng masa ay JEWEL IN THE PALACE, JU-MONG, LOVE STORY IN HARVARD, METEOR GARDEN, FULL HOUSE, STAIRWAY TO HEAVEN at sari-sari pang mga imported soap operas galing Korea. Talagang hindi tunay na Pilipino din pala ang masa! :-)

 
At Wednesday, September 05, 2007 3:32:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ayon sa WIKIPEDIA, eto ang kahulugan ng “Mainstream” :

"Mainstream is, generally, the common current of thought of the majority. It is a term most often applied in the arts (i.e., music, literature, and performance). This includes:
• something that is ordinary or usual;
• something that is familiar to the masses;
• something that is available to the general public.
As such, the mainstream includes all popular culture, typically disseminated by mass media. The opposite of the mainstream are subcultures, countercultures, cult followings, underground cultures and (in fiction) genre. Additionally, mainstream is sometimes a codeword used for one's own actual ethnocentric or subculture point of view, especially when delivered in a culture war speech. It is sometimes used as a pejorative term. In the United States, mainline churches are sometimes referred to synonymously as "mainstream."

Mainstream films can best be defined as commercial films that know a wide release and play in first run theatres (A movie theater that runs primarily mainstream film fare from the major film companies and distributors, during the initial release period of each film). Hollywood movies are usually considered mainstream and blockbusters are also mainstream films. Mainstream suggests middle-of-the-road and implies commercial viability, sometimes implying that the commercial viability is tantamount to a loss of artistic creativity. The opposite of mainstream film may be experimental film, art film or cult film.

In literature, particularly in literary criticism, "mainstream" is used to designate traditional realistic or mimetic fiction, as opposed to genre fictions such as science fiction, romance novels and mysteries, as well as to experimental fiction.

Musically, mainstream music denotes music that is familiar and unthreatening to the masses, as for example popular music, pop music, middle of the road music, or soft rock; but it should be noted that older generations often dislike the mainstream taste of the youth, and may not agree as to what is or is not mainstream.
Mainstream jazz is generally seen as an evolution of be-bop, which was originally regarded as radical."

Malinaw na ang “mainstream” ay “middle of the road”, yung commercial na kadalasan ay may kawalan ng kakaiba’t natatanging artistic creativity o originality, pero SA KASALUKUYAN ay patok sa malaking audience o masa.

Sinasabi ni Randy na hangad niyang magkita ang alternative at “masa” comics creators sa GITNA.

Ano ang gitna? Hindi ba mainstream?
Ano ibig sabihin ni Randy? Ang alternative at experimental ay maging bagong mainstream sa kasalukuyan?

Pero ang importanteng tanong, ang kasalukuyang komiks ba na umiiral ngayon, in commercial quantitites na patok daw sa masa tulad ng DC Superheroes, DC Kids, Mango Jam, Mangaholix, Enchanted Kingdom, WITCH, mga imported na comics galing sa Filbar’s, Comic Quest, Biblioarch, Comic Odyssey, atbp. ay naiiba sa sinasabing “alternative” o “indie” comics tulad Maskarado, Lastikman, Elmer, Rambol, CAST, atbp.?

Kung susuriin mong mabuti, malinaw na WALANG PAGKAKAIBA.

Ang sinasabing “indie” ay balatkayo lamang.

Ang mga “indie” ngayon ay walang “creative originality” o “innovation”.

Bagkus, ang karamihan sa mga “indie” ngayon ay ANAK ng kasalukuyang mainstream.

 
At Wednesday, September 05, 2007 10:53:00 AM, Blogger Bluepen said...

Mainstrem... may point ka Robby's psychiatrist. Tulad ng sabi ni Randy.

"Hangga’t may sarili pang mundo ang ‘alternative komiks’ ngayon, at may sarili pa ring mundo ang ‘masa komiks’ ngayon, malabo pa sa tubig-kanal na kaagad-agad ay uunlad ang industriya ng komiks dito sa Pilipinas.

Lagi kong sinasabi sa blog na ito: Mag-meet kayo sa gitna!"


Ka Randy, Mukhang mahirap mangyari ang mag meet gitna ang masa at alternative na MAINSTREAM na sinasabi mo kc maraming katulad si Robby's psychiatrist at mga taga komiks na magkaiba ang pananaw.

Para bang, isang baso na malamig pa sa yelo na biglang nilagyan ng mainit na tubig. Ano ang mangyayari sa baso? BASAG

Yan ang mangyayari pag hindi magkasundo ang bawat panig at kung ganun ang mangyayari walang movement movement na mabubuo hahaha...

Tulad ng basag na baso, kanya kanyang grupo ang mabubuo at kanya kanyang movement ahehehe.

Mag komiks nalang tayo, tingnan nalang natin kung sino ang mag click then saka na humusga kung tama lahat ng opinion nyo.

Then change strategy kuha ng opinion sa taong tama ang opinion. Pag wala parin nangyari, bago ulit. Try and try until you succeed ika nga ng iba.

baka sakaling sa paraang gayun makabuo ng movement dahil marami na ang involve para ma resolba ang problema sa komiks.

 
At Wednesday, September 05, 2007 11:02:00 AM, Blogger Bluepen said...

Augie said:

And what is the Filipino condition ? 88 million Pinoys wallowing in grinding poverty and living in quiet desperation ? maganda bang kwento iyan ? i don't think so, very depressing, hindi kikita yan kahit sa masa. Gusto nila pantasiya, kung paano mahahango sa kahirapan, by going to Wowowee, Game ka na ba, at ibang game of chance sa TV, o kaya tumaya sa jueteng o lotto, o kaya mag apply sa broad para kumita ng dolyares. Ang tanong kikita ba ang mga depressing na topics na ito , mag-mainstream o Indie ?


Sa tingin ko kikita cguro, kc sa topic na ito, maraming idea na mapupulot, malalaman mo kung ano ang dapat at hindi dapat gawin.

Ang punto kc, maraming partisipasyon maraming opinion base sa experience at nakikita ng iba na hindi alam ng taga komiks.

So kung baguhan ka palang sa komiks, alam mo na agad ang mangyayari kahit nde mo pa ginagawa ang komiks, dahil sa opinion na mababasa sa talakayan dito. Magkakaroon ka ng chance na buguhin ang nasimulan mo para mas maging effective ito sa masa.

 
At Wednesday, September 05, 2007 11:02:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Auggie seems to think that by the present Pilipino condition, one must do tragic dramas. Tearjerkers. Well, if that's too "baduy", MAUS and Persepolis are social dramas talking about the human condition. Maus talks and gives insight about racial prejudice, alienation, oppression during WW2. Persepolis talks about the struggles of living in an oppressive regime in Iran.

And most importantly, these works give the reader INSIGHT and INSPIRATION. Most importantly, they are INDEPENDENT.

But really, the point is, doing comics that are ORIGINAL, distinctively INDIGENOUS, and communicatively accessible to the mass majority. That is not being done by most of the Pinoy "indies" out there.

I don't quite follow the consequences of Robby's train of logic here. Is he saying that it should be a policy to put out multi-dialect "indie" comics? Of course Cebuano is part of the Pilipino language. But when it is an undeniable FACT that MAJORITY of Filipinos READ and understand SIMPLE Tagalog or English-Tagalog publications, WHY will you make your komiks in Cebuano? Are most alternative rock music sung in Cebuano? Just the other day, I was in Zambales and "Princesa" by Six Cycle Mind (AND THE TEETH) were played on the AM radio back to back and they were being sung by jeepney drivers and some of the passengers.

The same thing with those Korean, Spanish telenovelas. THEY ARE ALL IN TAGALOG. THAT is why their storylines and universal messages are appreciated by majority of televiewers who KNOW and UNDERSTAND basic TAGALOG.

Are majority of "indie" PINOY comics today in TAGALOG? Do they speak and touch on the collective hopes and aspirations of majority of our countrymen here and abroad? You'll realize that the answer to that, SADLY, is in the NEGATIVE.

 
At Wednesday, September 05, 2007 11:08:00 AM, Blogger Bluepen said...

robby said:

"Bukod pa diyan, ang gusto rin ng masa ay JEWEL IN THE PALACE, JU-MONG, LOVE STORY IN HARVARD, METEOR GARDEN, FULL HOUSE, STAIRWAY TO HEAVEN at sari-sari pang mga imported soap operas galing Korea. Talagang hindi tunay na Pilipino din pala ang masa! :-)"

Binisto mo naman ang mga pinoy, wala naman kcng makikita na ganun sa culture natin kaya gusto natin ang mga imported at saka ang ganda ng quality, FX at kilig to the bones pa ang mga eksena na kagat na kagat ng pinoy lalo na ang mga low class na kabayan natin. Mas marami ang naghihirap kaysa mayaman, pero wagka, halos karamihan ng mahihirap kahit naka tira sa ilalim ng tulay, may TV at component pa.

 
At Wednesday, September 05, 2007 1:14:00 PM, Anonymous Anonymous said...

BluePen,

Of course, kahit mga nasa ilalim ng tulay iyan, ma-aangihan din iyan ng trickle-down effect ng 7.5 growth rate ni GMA, kahit papaano. Masyado lang mi mga Instant Gratification Complex ang mga critics ni GMA, gusto, ora mismo, well, Rome wasn't built in a day...

Mabalik tayo doon sa example ng mainstream jazz daw eh evolution ng be-bop. Palagay ko ,hindi eh. Ano ba ba ang mainstream jazz ngayon ? di ba yung pinatutugtog ngayon sa mga FM stations, na ang tawag nila eh smooth jazz kuno, elevator music is more likely. Mi saxophone lang eh jazz na, excuse me. Si Kenny G. ang champion dito. Yung bebop was a frenetic style of playing as exemplified by Charlie Parker (Yardbird), at hindi ito mainstream. It was akin to the abstract expressionism of painters like Jackson Pollock, at definitely, hindi pang-masa.

Auggie

 
At Wednesday, September 05, 2007 4:08:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Panay kayo si Robby's-Robby's a. OK. Game din ako dyan. He he.

Actually ang mga Korean at Spanish telenovela na yan ay di Tagalog. DUBBED lang po sa Tagalog. Me pagkakaiba. Eh-hihihi.

Malawak ang sakop ng telebisyon. Nationwide. Halos 50 million nanonood ng Tagalog-dubbed telenovela, araw-araw na me iba't-ibang dialect PERO nakakaintindi naman ng Tagalog. Kung di naintindihan ang Tagalog ng mga nanonood na Pampangueno, Ilongo, Cebuano, etc. sa buong kapuluan ng Pilipinas, matagal na sanang bumagsak sa ratings yang mga telenovela, tsismis shows, at noontime gameshows na 'yan. EH, HIHIHIHI.

Karamihan sa mga Indie ngayon ay anak ng mainstream? Ngek! Wrong again. Mas eksakto: anak sila ng comics at animation mainstream ng IBANG BANSA: U.S. at Japan. Agree? Eh-hihihi.

(Happy birthday pala dyan sa mga nagbi-birthday na mga "indie". Indie sana kayo magsawa pumunta sa blog na 'to).

So, ibig mong sabihin Robby-boy, kaya sikat ang mga imported dubbed telenovela, gagawa na ng "indie" komiks na tagalog pero ang mga character, setting at cultural milieu ay Korea at Mexico? Tsk tsk. Itong mga "indie" kuno, mukhang TREND FOLLOWER at di mga TREND SETTER.

Pag "indie" ka, inaasahan ng marami na "trendsetter" ka kasi mas malaya ka sa mainstream. TRENDSETTER ka kasi bilang isang comics CREATOR, gumagawa ka ng orihinal at mas magandang bagay galing sa sarili at mayaman mong imahinasyon. Hindi ka umaasa sa imahinasyon ng ibang banyagang tao o ibang kultura. Iyan ang kulang sa Pinoy indie (kuno) comics scene ngayon. Di sila Trendsetter. Karamihan sa kanila, mga TREND FOLLOWER.

Talagang binabaluktot ang ibig sabihin ng "indie". Tama ang nagsabi diyan na ang essence ng pagiging Indie ay nasa "creative" aspect. Napakababaw na definition ang "independent of other publishers" kaya "indie". Di ba naging publisher ka na rin nang malathala yang "indie" Pinoy comics mo? O, di ba? Anong indi-independent of Publishers? Eh, hihihi (uli).

Riddle me this, Batman:

Indie tao, Indie hayop, lugi halos lagi ang sales, mataas ang presyo, kadalasa'y nasa Ingles, at me mga comics setting at characters na hango sa comics culture ng U.S. at Japan. Ano ako?

SAGOT: Laging nananalo ng Manila Critics' Circle Book Award.

Eh-hihihihi. :)

 
At Wednesday, September 05, 2007 5:56:00 PM, Anonymous Anonymous said...

To Anger Mgt.

Na gets ko na ang gusto ninyo. Nagtataka kayo kung bakit itong mga alleged na indies kuno, eh pareho din ng mainstream, nag i-indie-indihan lang. Mga superheroes, manga etc. at hindi pa sa Tagalog. bakit walang lumalalabas na tunay na indie na in the same vein ng PERSEPOLIS, MAUS et al na truli nagre-reflect ng aspirations ng isang lahi, in Pilipino para maintindihan ng madlang people. Oo nga naman , bakit wala ? bakit hanggang ngayon eh puro mga superheroes at Mangga pa tayo ? you got a point there. Ganoon din ang tinatanong ko sa sarili. And I would hazard a guess, kung bakit hanggang ngayon eh wala pa. Sapagkat wala pa sa ganoong level of sophistication ang ating mga young Komikeros, who are aspiring to be indies. Andoon pa rin sila sa Kid stuff, pero darating din iyan, pasasaan ka. Which reminds me ...Kayo, kayong mga nagtatago sa mga anonymous names eh palagay ko, narating na ninyo ang level na iyan, bakit hindi ninyo simulan? lead the way, I'm sure magsusunuran ang mga iyan.
Walang mangyayari kung puro whining lang, masisira ang credibilty ninyo at lalabas na you are nothing but a bunch of whiners. Puro reklamo,
wala namang binatbat.

 
At Wednesday, September 05, 2007 10:10:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Let me ask the question again, if a komiks is in Cebuano, can it be considered Pilipino? Simple enough question, right?

 
At Thursday, September 06, 2007 5:19:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Nalilihis ang usapan kung dinadaan nyo sa, Ano ba ang Pilipino? What is a Filipino? Hindi 'yon ang topic dito e.

Ang tanong, What is a PILIPINO Komik? May sumagot na dyan sa taas. Mukhang tama e.

Pwede bang yung mga indie dyan tulad nina Robby at Auggie ang sumagot naman nito ng diretso?

Ang karamihan ba sa mga indie pinoy komiks ngayon ay PILIPINO komiks?

Salamat.

 
At Thursday, September 06, 2007 9:13:00 AM, Blogger Ner P said...

simple lang ang isasagot ko sa yo.

superheroes karamihan ng gawa ko kasi, iyun ang gusto ko. may gawa rin naman ako na ibang genre pero mas settled ako sa fantasy/sci-fi/superh-hero. aanhin ko ang real life story kuno e nabubuhay na ko doon, gusto kong maglaro sa ibang setting na hindi realistic.

ke tawagin niyo itong indie tao o indie hayop, wala na kong paki dun dahil gusto ko lang gumawa ng komiks. ganun lang kasimple yun.

 
At Thursday, September 06, 2007 10:36:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Mga kaibigan,

Pinapayagan ko ang mga anonymous comments pero hindi ko papayagan ang pagmumura at pagsira sa pagkatao ng mga bumibisita dito.

Okay lang sa akin na magsagutan kayo kahit magkandaputol ang mga ugat ninyo sa leeg pero mag-stick lang sa punto at hindi personal.

Maraming salamat.

 
At Thursday, September 06, 2007 12:02:00 PM, Blogger Bluepen said...

Sensya na Ka Randy... kya pala nde mo na ni post... lol

 
At Thursday, September 06, 2007 12:46:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Robby, Your answer has been answered above. Of course the Cebuano dialect is part of the Pilipino dialect. Hence, if your comic is in Cebuano, its a Pilipino comic.

But for purposes of PRACTICALITY, REALITY and BUSINESS, why would you make a Pilipino comic in Cebuano if its a FACT that MAJORITY of Cebuanos, Ilonggos, etc. understand and read BASIC TAGALOG?

That is, unless you have another point you want to stress with your Cebuano question. What's your point?

 
At Thursday, September 06, 2007 12:57:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Hi, Jopet,

Hindi ako maka-indie comics. I find most of them really suck -- but then I'm really difficult to please. I find that most mainstream comics really suck as well. I'm simply for good comics, no matter who the target audience is.

I know someone answered the question "What is a Filipino comic?".

The unanswered follow-up question is "Is a Cebuano-language comic book a Filipino comic or not?" It also begs the question why or why not? I'd like Inquiring Mary to answer -- or anybody else who agrees with her definition of what a Filipino comic is.

 
At Thursday, September 06, 2007 1:23:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

@pilipino comics can be... (pls use shorter names, it's hard enough to type in this tiny window),

Thanks for your answer. Sorry for my previous post but when I last posted it your answer wasn't there yet. (it would be better to take this discussion in a bulletin board sana, para real-time).

Anyway, I'm not at my point yet, but I ask for patience. I take it then, that if a comic book is written in any native dialect then for you it can be considered Filipino comics, right? But if it's in English, then no. Correct?(setting aside for the moment the issue of practicality, etc, etc)

Next question, what about comics written in Taglish? If so, why? If no, why not?

 
At Thursday, September 06, 2007 1:24:00 PM, Blogger Ner P said...

simple answer lang yan, cebuanos love their language and would not settle for tagalog as their medium of instruction/language. same with other regions like the kapampangans.

we can speak tagalog but that doesn't mean we have to sacrifice our own dialect to propogate the supposed pambansang wika. that is the reason why liwayway and some other mags are written on other dialects based on their locations.

alsothe fact is a large population can speak english than filipino/tagalog. heck even the aetas in our town can speak better english than me.

 
At Thursday, September 06, 2007 3:32:00 PM, Anonymous Anonymous said...

To Jopet Dungkal:

Hindi ako bumibili at nagbabasa ng Indie, except kung complimentary copy, kasi mahal. Ang naibibigay sa akin eh ENGLISH na kopya dahil obviously, hindi pang-masa yung indie komiks na iyun. Altho' nabigyan din ako ng premiere issue noong komiks ni KCCordero , na Pilipino ang text, pero hindi rin pang-masa ang presyo dahilan sa tigiisang daan ang retail price nito. So , what's your problem ?


Auggie

 

Post a Comment

<< Home