Thursday, September 13, 2007

MGA ISYU SA KOMIKS

Dumaan lang ako sa 2nd Komiks Congress, hindi ako puwedeng magtagal dahil marami akong hinahabol na deadlines. Na-realize ko na for the past few months, masyado na akong involved sa activities ng komiks na nakaapekto sa aking mga deadlines. Kahit hawak ko naman ang oras ko (iyan ang masarap sa walang ‘boss’ kundi ang sarili), feeling ko ay hindi ako naging productive for last 3 months. Except, of course, sa pagsusulat ko dito sa blog.

Pero masarap namang makisama sa mga activities ng komiks. Walang kapalit ang experience na kasama mo ang mga tagakomiks.

Kahapon, habang nagmi-meeting ang mga tao sa loob ng session hall ng Komiks Congress, nasa labas ako at pinagkakausap ang mga raliyista sa harap ng NCCA. Marami akong kaibigang member ng Concerned Artist of the Phils. In fact, member din nila ako (inactive nga lang hehehe).

Marami silang isyu tungkol sa panunungkulan ni Mrs. Alvarez, lalo na sa mga projects nito, kasama na ang palabas nito sa channel 4 na ‘Sining Gising’ kung saan nag-guest kaming mga tagakomiks few months ago.

Marami ring sikat na personalities ang kumukuwestyon kay Mrs. Alvarez, kabilang diyan ang National Artist na si Bienvinido Lumbera at film director na si Peque Gallaga. Anyways, hindi naman ito isyu ng komiks kaya hindi ko na tatalakayin dito.

Basahin na lang ninyo ito tungkol sa rally kahapon :
http://uw.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=91983

Nito namang nakaraan linggo, naging isyu rin ang paglalabas ni Direk Caparas ng diario-novela sa Phil. Daily Inquirer dahil pitong cartoonists ang nawala dito. Two weeks before itong ‘tanggalan isyu’ ay alam ko na ang isyung ito dahil sa isang kaibigang cartoonist. Tinext ko nga agad si Steven Pabalinas (Divine Comedy) na isa sa mga natanggal, pero hindi siya sumagot. Hindi ko na lang ito diniscuss dito sa blog dahil parang napagod na rin yata ako sa mga issues ng komiks.

Mas gusto ko nang isipin ang cover design at layout ng libro namin ni Fermin Salvador na plano kong I-launch sa Komikon sa November.

At para naman sa mga ‘react-to-death’ na naman na mga tao (sa blogs, deviant art, etc.) tungkol sa isyu na ito sa Inquirer, sige ituloy niyo lang iyan. Pero huwag naman masyadong garapal ang ‘tira’ ninyo. Ang totoo ay hindi natin alam ang tunay na isyu. Siguro mas magandang kunin ninyo ang side ng Inquirer, sila lang kasi ang tunay na makakasagot sa inyo. Hindi natin sakop ang mga decisions nila at wala tayo sa lugar para siraan ng husto ang mga taong involved. Uulitin ko na naman ang gasgas ko nang line dito, tingnan natin ang kabilang side ng coin. Huwag tayong pabugso-bugso. Kailan ba tayo matututo?

Tungkol naman sa Komiks Congress kahapon, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. At ayoko na rin namang magsalita dahil sabi ko nga, huwag nating gawing sentro ang Komiks Congress kung ayaw nating masaktan kapag hindi na-meet ang ating expectations. Ang Komiks Congress ay event ng NCCA-KWF-Caparas, hindi nito represented ang buong komiks industry sa kasalukuyan.

Tungkol naman sa mga awards, hayaan niyo silang magbigay ng awards. Parte iyan ng programa. Kahit sino pang mga personalities ang bigyan nila ng award, nasa kanila iyun, dahil ang mga personalities na ito ang nakatulong sa ‘kanilang’ mga programa.

Bukod sa pagpapahalaga natin sa medium ng komiks, dapat meron din tayong mga sariling plano at pangarap sa buhay. Ang payo ko, mag-strive tayo for excellence. Hindi puwedeng maging pulitiko tayo sa larangang ito, hindi rin puwedeng maging showbiz personality, ang kailangan natin ngayon ay magaling na gumagawa ng komiks.

Ang totoo niyan, kahit todo ang suporta ko sa mga programa ngayon ng CJC-Sterling, hindi ako excited sa paglabas ng 5 titles ng komiks ngayong Biyernes. Nakita ko na ang mga original drawings, nabasa ko na rin ang ilang script. Ako ang taong napakahirap I-please pagdating sa reading material. Siguro iba na ang konsepto ko ng maganda mula nang maging writer ako (mula nang makabasa ako ng mga literary pieces), at naging iba na rin ang tingin ko sa sequential arts (komiks) mula nang makakita ako ng gawa ng mga award-winning graphic novels at gawa ng mga visionaries ng komiks medium mula sa iba’t ibang bansa. Ibang-iba na ang taste ko pagdating sa komiks. Kaya masakit man tanggapin, ang 5 komiks na lalabas sa Friday ay magiging bahagi lang ng sangkatutak kong koleksyon ng komiks pero tingin ko ay hindi ito mag-iiwan ng marka sa akin.


Kung tutuusin, magaganda ang drawing ng mga Pilipino pero mas mukhang magtatatak pa sa isipan ko ang gawa ng Malaysian na si LAT kumpara sa mga realistic drawings natin. Ang komiks para sa akin, nitong mga nakaraan taon kong pagbabasa, ay hindi lang kung gaano kaganda ang pagkakadrawing ng karakter, o pagkapulido ng rendering, o tama ang perspective, ang komiks para sa akin ngayon ay ang mahusay na pagsasama ng visual at words. Of course, lahat naman ng gumagawa ng komiks ngayon ay sinasabi na dapat married ang words at visuals, at iyon ang hinahanap ko sa kanila. Unfortunately, iba talaga ang taste ko.

May nag-email din sa akin, nagpapatulong na maghanap ng trabaho sa komiks. Sabi ko, hindi ako publisher at lalong hindi ako agent. Katulad mo rin ako na nagtatrabaho. Pare-pareho lang tayo ng papel.

Mas nag-enjoy pa ako dito sa ipinadala sa akin ni Elmundo Garing, mas na-inspired pa akong titigan ito ng matagal at tingnan ang bawat detalye.



9 Comments:

At Thursday, September 13, 2007 11:01:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Ewan ko ba kung bakit mas nawawalan ng common sense ang tao sa Internet. Tama ka sa "react to death" tungkol sa Inquirer issue. Hindi alam ang buong kwento pero ipinako kaagad sa krus si CJC. Ganyan din ang mga naging reaction sa Mango-CJC-Sterling controversy. People have just given up on thinking things through before speaking. Nowadays it's rant first, ask questions later.

People want to have their cake and eat it too. Gusto nila ang benepisyo ng free market (low prices, many products to choose from), pero ayaw nila ang side effects. Siyempre pag may kompetisyon ay may matatalo. Mahirap manalo ng negosyo sa bansang ito -- lagi kang masama dahil may tinalo kang iba. Hindi naman pwedeng share-share na lang lahat sa mga project... eh di subsidy ito sa hindi magaling. Siguro sa North Korea o Cuba pwede itong gawin.

 
At Thursday, September 13, 2007 6:02:00 PM, Anonymous Anonymous said...

"The artists group refused the dialogue."

ngek. buti pa nga sila na-offeran na makipagusap. gosh these artists talaga huh. grupo-grupo talaga.

 
At Thursday, September 13, 2007 8:29:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

"Mahirap manalo ng negosyo sa bansang ito -- lagi kang masama dahil may tinalo kang iba."

Actually, kung employer ka diyan sa RP, ang bilis ng paglago ng business mo. Hindi masyadong nagbabayad ng benefits sa mga employees ang mga businesses diyan. Marami akong mga kakilalang business owners diyan at ang tubo nila sa kanilang mga businesses ay napakalaki. Unang-una kasi, the salary is low.

Tama ka doon sa issue ng Inquirer, and I agree –they can do whatever they want. Their business decision is theirs. Ang point ko lang, while it's true that they can do what they want, they could have decided to have a BETTER PR. Kumbaga, make your company look good, hindi blatantly heartless. It's for the the company's own good, anyway. Same thing applied to Caparas. Somebody should advice him on what a good PR is, kahi't ano pang field of endeavor ka naroroon. Not having a good PR can actually break a person, or company or even an artist.

 
At Thursday, September 13, 2007 8:49:00 PM, Anonymous Anonymous said...

alalahaning iba ang taste ng foriegn readers sa taste ng pinoy.mas babasahin pa rin ng pinoy ang nakagisnang trabaho ng taga komiks. dapat lang naman na pagandahin ang mga kuwento o gawing bago ito sa taste nila. ang mga gawa nina alex nino ay di pa rin papatok sa atin. mahalaga pa rin na pag-ukulan ang taste ng nakararaming readers ng pinoy kesa taste ng iilan lang. sa drawing, nakasisiguro bagamat di naman lahat ay mas kagigiliwan nila ang mas magagandang dibuho kesa sa mukang kinahig ng manok sa kapangitan.

 
At Friday, September 14, 2007 3:44:00 AM, Blogger Robby Villabona said...

Actually I never said the Inquirer can do whatever they want. I think somebody else made that point. My points were:

1. CJC is not responsible for Inquirer's decisions. Inquirer is responsible for its own decisions. CJC is not responsible for Sterling Paper's decisions. Sterling is responsible for its own decisions.

2. That you cannot be for a market economy but criticize people for taking jobs away from others.

 
At Friday, September 14, 2007 10:21:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Kinahig ng Manok na Drowing ? dapat banned na dito sa atin iyan ! isa iyan sa mga rason kung bakit bumagsak ang Komiks. Attention :Publishers/Editors, magpalabas ng Memo sa lahat ng artists/illustrators na mahigpit na ipinagbabawal ang kahig-manok illustration. Penalty, to be banned for LIFE ! dapat mahalin nila ang kanilang craft with tender loving care. Maliwanag ba ?


Auggie

 
At Friday, September 14, 2007 10:16:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Ha-ha! Reclusion petpetua, ha?

Tama iyang sinabi mo, Auggie. Nakakasira talaga ng araw yung kahig-manok.

Now that the komiks are out, any critiques, Auggie & Rooby V? Randy?

I'm waiting, I'm waiting...

 
At Saturday, September 15, 2007 2:57:00 PM, Blogger Robby Villabona said...

Haven't had the chance to look for copies. And from what I heard, those looking for copies can't find them. Wala naman ako balak i-review -- hindi naman ako target audience nito. Pero curious talaga ako makita at mabasa lahat ng titles. Lalo na yung GWAPO komiks na may kwento ni Papa Randy.

 
At Tuesday, September 25, 2007 8:40:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Dito sa Tacloban at sa buong Visayas, kung saan e nilangoy ko isa-isa ang mga isla, masasabi ko ng walang pag-iimbot at buong katapatan na nilalangaw ang mga komiks ng Sterling dahil sa printing errors. Peks man. Walang sinabi 'to sa mga komiks ng West at noong 1970s nung panahon nina Divina Valencia at Jomari Lee. :)

 

Post a Comment

<< Home